Chapter 2

1981 Words
Chapter 2 Ella Mae’s Pov KATATAPOS lang namin mag dinner at nag presenta ako sa kaibigan kong si Kisses na ako na lang ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Ayaw niyang pumayag pero nagpumilit ako dahil wala akong magawa sa buhay ko. At isa pa, pasasalamat ko na rin sa kanya dahil pinatuloy niya ako sa bahay niya. Libre ang pagkain ko at may aircon pa ang kwarto ko kahit pa nga nakakainis ang taong nasa kabilang room. Pumayag naman ang kaibigan ko dahil hindi naman niya ako mapigilan. Sabi ko kay Kisses ay magpahinga na siya lalo na’t buntis pa naman siya. Kaya heto ako sa kusina, mag-isang naghuhugas. Nakalagay din sa magkabilang tenga ko ang headset para naman ganahan akong kumilos. Naghuhugas na ako at medyo napapasaway ang katawan ko dahil sa tugtog na pinapakinggan ko. Hindi talaga mawala sa akin ang pagiging dancer. Yung nanay ko kasi ay magaling sumayaw. Nakuha ko sa kanya ang talent na ‘yun. Magaling din naman kumanta ang papa ko kaya nakuha ko din naman ‘yun pero hindi ako naka focus sa pagkanta talaga dahil mas gusto ko pang sumayaw. Pero dati nong bata ako ay sumasali ako sa mga singing contest. Lagi lang akong third kaya naisip ko na baka hindi talaga ako sa pagkanta mahusay kundi sa pagsasayaw. Kaya nong grade 6 ako ay doon na ako sumasali sa mga contest. Syempre may kasama ako dahil grupo kami kaya marami din akong nakakasalmuha. Dahil sa pagsasayaw ko ay kumikita ako ng pera kahit papano. Mabuti na lang talaga at may talent ang nanay ko kaya nakakaipon ako kahit papano. Napakembot ako sa tugtog at iginalaw ang katawan ko. Maglalagay sana ako ng baso sa lalagyan nang mapansin kong may nakatitig sa akin. Mabilis akong lumingon at nakita na naman ang kaibigan ng asawa ni Kisses na si kuya Ghost. Napaka weirdo talaga niya at panay ang titig sa akin. Ang creepy niya pero wala naman akong magagawa. Alangan naman palayasin ko siya eh hindi ko naman ‘to bahay. Mabilis kong inalis ang headset na nasa tenga ko at masamang tinignan si Kuya Ghost. “Bakit ka na naman nakatitig? May problema ka ba ha?” siga kong tanong. “Magkano ang bayad?” tanong niya, seryoso ang mukha niya. Hindi ko naman makuha kung anong ibig niyang sabihin. “Ha? Anong magkano ang bayad? Pinagsasabi mo?” nagtataka kong tanong. “Magkano ang bayad mo para sumayaw,” aniya sa baritonong boses. Napakurap kurap naman ako ng ilang beses. Ang tagal bago maproseso sa isipan ko ang sinabi niya. “Gusto kong sumayaw ka pero ‘yung tayong dalawa lang,” dagdag niyang sabi. Muntik pa akong mabilaukan sa sarili kong laway. Kainis ‘tong lalaking ‘to. Nakita lang akong sumayaw, minamanyak na ako. “Bastos! Ibang sayaw ang gusto mong ipagawa sa akin! Ang tanda-tanda mo na pero manyakis ka pa rin!” galit kong sabi. “10 thousand,” sabi niya at hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko at matalim kong titig. “No!” sagot ko agad. “20 thousand,” pag ooffer niya. “Ayaw ko!” matigas kong sabi. “35 thousand,” offer na naman niya ulit. “Seryoso ka bang gurang ka? Hindi ako nakikipag lokohan sayo ha!” inis kong sabi. Hindi siya sumagot. Mataman lang siyang nakatitig sa akin. “Wag mo akong pinagloloko, tanda ha! Marami pa akong gagawin kaya lumayo ka sa akin!” singhal ko sa kanya saka ko ibinalik ang tingin ko sa mga plato na nasa sink. “50 thousand,” sabi ulit ni Kuya Ghost. Napatigil na naman ako sa ginagawa ko at humarap na ako sa kanya. “Ano? 50 thousand?” gulat na gulat kong tanong. “Yes, 50 thousand. Kung kulang pa ay pwede kong dagdagan. Gagawin kong 500 thousand,” sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Malaking halaga ang sinasabi ni Kuya Ghost. Hindi ba siya nahihibang na? Kumain naman na sana siya pero bakit parang wala siya sa tamang pag-iisip. “Baliw ka na ba, Kuya Ghost?” tanong ko sa kanya. “Tatanggapin mo ba ang offer ko?” tanong niya sa akin. Seryoso ang boses niya kaya malamang ay hindi talaga siya nagbibiro. Ako yata ang ma-stress sa taong ‘to. “Ayaw ko pa rin!” matigas kong sagot. “Ikaw ang bahala. Malaking pera din ‘yun. Hindi ba’t kailangan mong kumita ng pera para makatulong ka sa mga magulang mo,” sabi niya kaya napatigil ako at napaisip. Mabilis ko siyang nilingon at sinalubong ang titig niya. “At ano naman ang kapalit ng pera mo? Sumayaw lang ba? Alam kong hindi lang ‘yun ang hihilingin mo, gurang! Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sayo. Dati ka namang masungit sa akin pero ngayon ay iba ka na makakatitig. Titig manyakis ka na kaya basang basa ko kung ano ang tumatakbo sa isipan mo.” saad ko at hindi nagdalawang isip na sabihin ang gusto ko. Hindi agad sumagot si kuya Ghost. Mataman pa rin siyang nakatitig sa akin. Nakakatayo talaga sa balahibo ang titig niya sa akin. “Sasayaw ka lang naman sa harapan ko,” sabi niya kaya natawa ako ng mahina. “Yun lang ba? Kapag pumayag ako at sumayaw ako sa harapan mo ay bibigyan mo ako ng 500 thousand?” paninigurado ko. Mahirap na baka maisahan ako ng kumag na ‘to. “Yes,” tipid niyang sagot. Pinaningkitan ko naman siya ng mata ko. Duda talaga ako sa sayaw eh. Pakiramdam ko ay may iba pa siyang ipapagawa sa akin. Malamang ay sexy dance ang gusto niyang ipasayaw sa akin. Kaloka talaga ang lalaking ‘to. “Pero kailangan wala kang suot na damit,” sabi niya sa seryosong boses. Nanlaki naman ang mata ko at agad na dinampot ang sponge na hawak ko kanina at ibinato kay Kuya Ghost. “Umalis ka nga sa harapan ko! Lintik ka! Manayakol!” sigaw ko sa kanya. Ngunit nakikipag matigasan pa rin siya kaya kinuha ko ang kawali para sana ibato sa kanya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng kusina kaya nakahinga ako ng maluwag. Takot pala siya sa kawali eh. Napabuntong hininga na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa paghuhugas ng pinggan para matapos na ako. Nasayang lang ang ilang minuto na kausap ko si Kuya Ghost. Dapat talaga hindi ko na pinapansin ang matandang ‘yun. Nakakapanibago talaga siya. Tandang tanda ko pa kasi kung paano ko nakilala ang lalaking ‘yun at kung paano naging mainit ang ulo niya sa akin. Pumunta siya sa bahay namin at napakagkamalan ko siyang masamang tao. Hindi din naman ako masisisi dahil may nagtangka sa buhay ko ng mga ilang araw. Akala ko din ay patay na ang kaibigan kong si Kisses nagkagulo sa school namin. Kaya nong araw na ‘yun na nakita ko si kuya Ghost sa labas ng bahay namin ay natakot ako at akala ko ay masamang tao na gustong pasukin ang bahay namin. Kaya sa takot ko ay umikot ako sa likod bahay namin para saktan ang lalaking umaaligid sa bahay namin. Napansin ko kasi na ilang oras na siyang panay ang tanaw sa bahay namin no’n. Eh ako lang mag-isa nong araw na ‘yun kaya kailangan kong maging matapang kahit takot na takot ako na baka maulit ang nangyari sa akin. May humampas kasi sa ulo ko. Malay ko ba kasing pinadala siya ni Kisses upang tignan ako at masiguro na safe ako. Huli ko nang nalaman dahil nasapak ko na siya sa mata. Nagka blackeye ba naman agad si Kuya Ghost dahil sa lakas ng suntok ko at maputi siya. Hindi ko naman sinasadya dahil akala ko talaga masamang tao. Tapos mahaba pa ang buhok niya kaya kahina-hinala talaga ang kilos niya. Nang sabihin niya na pinadala siya ni Kisses ay hindi din agad ako naniwala. Kaya ang ginawa niya ay dinala niya ako kung nasaan ang kaibigan ko. Doon ko nalaman na nagsasabi siya ng totoo na buhay nga talaga ang kaibigan ko at tinatago lang niya ito upang maging ligtas ang kaibigan ko. Kaya nag stay din ako sa bahay kung nasaan si Kisses. Ang bahay na ‘yun ay nag-iisa lang sa kagubatan. Walang kapitbahay talaga. Napakatahimik at high tech. Kaya nga galit na galit sa akin sI kuya Ghost dahil ang ingay ko. Nakilala ko din ang kakambal niyang doctor. Mabuti pa nga ‘yun dahil mabait at nakikipag biruan pa sa akin. Pero si Kuya Ghost talaga ay hindi pwedeng biruin dahil baka masakal niya ako at tanggalan ng hininga. Ganun siya kasungit sa akin. Nagtagal ako sa bahay niya upang samahan lang si Kisses. Ayaw kong iwanan ang kaibigan ko dahil naawa ako sa kanya na nakakulong siya sa bahay ni Kuya Ghost at minsan lang siya bisitahin ng asawa niya dahil kailangan nga nilang palabasin na patay na talaga si Kisses upang hindi na masaktan pa ng mga kalaban nila. Kaya habang nasa bahay ako ni Kuya Ghost ay walang tigil din ang bangayan namin. Hindi talaga siya marunong maging mabait. Kapag nag iingay ako ay matalim niya akong tinitignan kaya tumatahimik na lang talaga ako. Pero duda ko talaga ay nagbago ang lahat nang magluto ako ng dinner namin. Sawang sawa na kasi ako sa luto niyang walang lasa kaya nagluto na ako ng ulam namin. Hindi ko naman akalain na yun ang magiging paraan para hindi na niya ako sungitan. Hindi na nga niya ako sinusungitan pero kakaiba naman siya tumitig sa akin. Parang mas gusto ko pa ‘yung ugali niya dati kaysa ngayon na nagsasalita nga siya pero kung ano naman ang pinagsasabi ng animal. Akala naman niya pumapatol ako sa matanda. Hindi ako katulad ni Kisses na nahulog sa isang matandang lalaki. Hindi ko kaya talaga kaya. Na i-imagine ko kasi na baka makunat na ang t*ti at laylay na ang itlog. 38 years old na si kuya Ghost eh, kaya matanda na. Ang dami namang lalaki na kaedad ko lang kaya doon na lang ako. Bakit ako papatol sa matandang katulad niya eh ilang edad na lang ang natitira sa kanya para mag goodbye siya sa mundo. Kaya hindi talaga ako papatol sa ermitanyo na ‘yun. Hindi ako susunod sa yapak ng kaibigan ko na nag-asawa ng 38 years old. Mas gusto ko ang fresh na lalaki at dapat ang edad ay nasa 21-25 years old dahil 19 years old naman ako. Doon pa lang bagsak na ang animal na gurang na ‘yun. Manyakis na nga, amoy lupa pa. Tangina talaga! Kailangan ko na talagang umalis sa bahay ng kaibigan ko at baka may alam na itim na magic ang isang ‘yun at gayumahin pa ako. Nakakakilabot talaga sa t’wing naiisip ko ang pagmumukha ni Kuya Ghost. Gwapo naman siya, ang tangkad pa kaya nagmukha akong unano sa height niya kapag magkatabi kami. Ang yummy din niya. Braso at kamay pa lang maugat na. Pero hindi talaga ako mahilig sa mga lalaking sobrang tanda sa akin. Gusto ko ‘yung sakto lang ang edad para sa akin. Para ka-vibes ko lang. Sakto talaga si Matteo para sa akin dahil pasok na pasok ang edad niya sa gusto ko. Sana lang ay mag reply na siya sa mga message ko para naman magkaroon na ako ng jowa at para hindi na ako lapitan nang gurang na ‘yun. Tinapos ko na lang ang paghuhugas ko ng plato para makapagpahinga na ako. Bukas kasi ay aalis na naman ako dahil kailangan kong maghanap ng mapapasukan na trabaho. Bahala na kahit tindera, okay na 'yun sa akin basta kumita lang ako ng pera. Hindi sapat ang kita ko sa pagtuturo ng sayaw kaya dapat ay maghanap ako ng mapapasukang trabaho. Basta wag lang akong kumapit sa patalim tulad ng offer sa akin ni gurang ermitanyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD