Jen’s POV “I’ll be a little late kaya mauna na kayong kumain.” saad ni Andrei sa kabilang linya. Nakauwi na kami ni DreiK dito sa apartment. Napagpasyahan namin na dito na lang mag-spent ng weekend. “Okay, sige ingat!” tugon ko naman bago ibinaba ang tawag. “Tita, magagalit po kaya si daddy sa akin?” nag-aalalang tanong ni DreiK habang magkaharap kami sa hapag. I looked at him. He really looks bothered. “Maybe…” tugon ko na lang. Takot kasi ito sa dad niya at ayoko naman na mas lalo siyang mag-alala. “Ipinagtanggol ko lang naman po si Mommy,” mahina niyang saad. “Yeah, I understand kaya lang mali pa ring makipagsuntukan. May ibang paraan naman para lumaban hindi palaging suntukan,” paliwanag ko. “Pero sila naman po ang nauna, Tita. Tinutulak-tulak nila ako,” katwiran niya. Napangit

