Andrei’s POV Napaupo na lang ako at napahawak sa ulo. I think I overreacted. Dapat nagtiwala ako sa desisyon niya. Kahit anak ko si DreiK at may pamamaraan ako ng pagdidisiplina, teacher siya at mas may alam siya sa pag-handle ng mga bata. Nainis kasi ako bigla kanina nang tumawag ang parents ng dalawang batang binugbog ni DreiK at sinabing kinunsinti ng asawa ko ang ginawang kalokohan ng anak ko. But I know, it’s not an excuse para hindi ako magtiwala sa desisyon ng asawa ko. Now, she’s mad at me. Ngayon lang siya nagwalk-out. *** Pagpasok ko sa kuwarto, nakahiga na siya ng patalikod sa puwesto ko. “I’m sorry!” bulong ko sa tainga niya sabay yakap pero hindi siya kumibo. Ramdam kong gising pa siya. “Please, huwag tayong mag-away dahil lang dito.” samo ko pero hindi pa rin siya u

