Chapter 5

1106 Words
Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov   Akala ko magiging maayos na ang lahat pero bakit naging ganito ang nangyari? At bakit ako na naman ang nalalagay sa ganitong sitwasyon?   Papunta na nga kasi dapat ako sa kwarto kung saan iko-confine si Zarah nang may isang babae ang biglang humarang sa dinadaanan ko tsaka ako tinutukan ng baril at hinila papunta dito sa isang stock room.   Nagkakagulo na sila sa labas dahil nga hostage ako at wala din silang magawa dahil alam nilang hindi sila patatawarin ni Mommy kapag may nangyaring masama sa akin.   Ang magulo lang sa isip ko ay kung bakit hindi man lang nakikipag-negotiate ang babaeng ito.   Nakaupo lang siya sa gilid ng nakasarang pinto habang nakatutok sa akin ang hawak nyang baril.   "Ahm, miss." Tumingin siya sa akin. "Bakit mo ba ako hinostage?"   "Para sa kaligtasan ko." walang emosyon niyang sabi tsaka muling tumitig sa pintuan.   "Alam mo, kung hindi ka magsasalita dyan ay walang mangyayari. Mananatili lang tayong nakakulong dito hanggang sa pareho tayong mamatay sa gutom at uhaw." Inirapan ko siya. "Sabihin mo nalang kung anong gusto mo nang maibigay na nila at mapakawalan mo ako."   Muli siyang bumaling sa akin. "Hindi ka ba natatakot? May nakatutok na sayong baril, nagtataray ka pa?"   "Naranasan ko nang mabaril nang walang laban kaya bakit pa ako matatakot dyan. Kaya kung ako sayo, makipag-usap ka na sa mga nasa labas dahil kapag dumating pa ang mga magulang ko, siguradong hindi ka lalo magiging ligtas." Mas natatakot nga ako para sa kanya dahil kapag nakarating agad ito kina Mommy, siguradong magwawala na iyon.   Aba, hindi pa nga niya napaparusahan ang mga nanakit sa amin ni Zarah noong nakaraan tapos madadagdagan na naman.   "Sabihin mo nga, sino ba ang mga humahabol sayo at talaga namang naisip mo pang mang-hostage?"   "You don't need to know."   "Well, to tell you this, I need to know dahil ako lang din ang makakapaglabas sayo dito nang hindi napapahamak." Tumayo ako at nag-inat. Nakakangalay ding maupo noh. "Kaya sabihin mo na. Masyado nang mainit dito at siguradong nag-aalala na ang pinsan ko."   Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y bumuntong hininga tsaka ibinato sa kung saan ang hawak na baril. "Hindi ko sinasadyang i-hostage ka. I just need someone para makaagaw ako ng atensyon."   Kumunot ang noo ko. "Bakit?"   "Dahil iyon lang ang magliligtas sa akin ngayon." sabi nya. "Kung magkukulong ako sa isang lugar nang may kasamang hostage, magkakagulo ang buong ospital at hindi na ako magagawa pang lapitan ng mga taong gustong pumatay sa akin."   "Bakit hindi ka dumeretso sa mga pulis at humingi ng proteksyon?"   Umiling siya. "Malakas ang impluwensya ng mga taong iyon kaya kahit magpunta pa ako sa mga pulis ay wala din silang magagawa para iligtas ako. Baka nga sila pa ang kusang magdala sa akin sa mga hayop na iyon."   "Pero sa tingin mo ba, hindi ka din mapapahamak sa ginawa mong ito? Sa mga pulis pa din ang bagsak mo." sabi ko. "Pero mas malala kapag nasaktan ako, sa mga magulang ko ang bagsak mo."   Kumunot ang noo nya. "Sino bang mga magulang mo?"   "McKenzie Henry and Zaire Emerald Michovich."   Unti-unti ay para siyang nawalan ng lakas hanggang sa tuluyan siyang mapaupo sa sahig habang tulalang nakatingin sa akin. "Y-your Zhairell Kheina."   Tumangu-tango ako tsaka naupo sa harap niya. "So, tell me everything para matulungan kita sa parents ko."   Umiling-iling siya. "Hindi pwede." Natapal niya ang noo. "Una, ang kapatid mo tapos ngayon, ikaw. Bakit ba pilit akong inilalapit sa inyo?"   "Kapatid ko?" Sino kina Kuya Zhaiken at Zhairy ang tinutukoy niya?   "Zhairell!"   Pareho kaming bumaling sa pintuan nang malakas itong bumukas at bumungad si Kuya Zhaiken na bakas ang pag-aalala.   Agad itong tumingin sa akin at mukhang nakahinga ng maluwag ng makitang maayos lang ako pero agad ding lumipat ang tingin sa babaeng nasa harap ko. "Ikaw?"   "Magkakilala kayo?"   "Siya iyong babaeng iniligtas ko kaninang umaga." sabi ni Kuya at agad isinara ang pintuan tsaka lumapit sa amin. "Bakit hinostage mo ang kapatid ko?"   "I-I'm sorry. Hindi ko alam na isa din siyang Mirchovich." Nakayuko nitong sabi. "K-Kung alam ko lang, hindi sana siya ang hinila ko. Hindi ko sana siya idinamay dito."   "Hanggang dito ba, may nagtatangka pa ding pumatay sayo?" Teka, alam ni Kuya ang bagay na iyon?   Tumango ang babae. "Dalawa lang naman ang gusto nila. Ang mapatay agad ako o maibalik sa impyernong lugar na nagawa ko nang takasan."   "Ano nga bang pangalan mo, Miss?" tanong ko. "Well, anuman ang dahilan mo sa paghila sa akin, hindi mo na maitatanggi na dinamay mo ako sa gulo mo kaya mas mabuti pang sabihin mo na kung bakit ka nila hinahabol."   "She's right." sang-ayon ni Kuya. "Kaya sabihin mo na sa amin ang lahat para matulungan ka namin."   "O-okay." sambit nito. "P-pero pwede bang umalis na tayo dito? K-kapag nakita nila ako, siguradong hindi na ako makakatakas sa kanila."   Bumaling sa akin si Kuya na agad ko namang tinanguan. Alam ko na kasi kung anong sasabihin nito sa akin.   Tumayo ako. "Ikaw na ang bahala sa kanya." Tsaka ako lumabas at bumungad sa akin ang sandamakmak na security guard maging si Tito Shun na sobra ang pag-aalala.   Buti nalang pala, puro security lang ang nandito at mukhang hindi naman naabala ang buong ospital. Malaking problema din kaya kapag nakalabas pa ang balitang ito. Baka ikasira ng Fujiwara Hospital.   Pero syempre, limited lang din ang oras na iyon.   Sooner or later, mapapansin na din ng iba na may gulo dito at iyon ang kailangang gawan ng paraan ngayon.   "Zhairell." Agad syang lumapit sa akin. "Ano ka ba namang bata ka! Bakit ba lapitin ka ng gulo. Para kang nanay mo."   "Tito Shun, ayos lang ako. Hindi naman ako sinaktan nung babae pero may kailangan akong hinging pabor sa inyo."   Kumunot ang noo nya. "Ano iyon?"   "Ahm, si Kuya Ken na daw ang bahala doon sa babae dahil ayaw na naming makalabas pa sa iba ang nangyaring ito." sabi ko. "Sige ka, magwawala lalo si Mommy at Tita Kass dahil sa kapabayaan ng security team mo."   Napansin ko ang bigla nyang mamumutla. "P-pero nasabihan ko na ang parents mo at siguradong papunta na sila dito."   "Ayos lang iyon." sabi ko. "Ang mahalaga lang naman ay mailabas namin iyong babae dito at hindi na makita ng iba pa. Syempre, kapag kumalat pa sa ibang pasyente mo na may naganap na hostage taking dito, maaapektuhan din ang buong ospital." paliwanag ko.   Siguradong mapapakalma naman namin sila Mommy kapag nalaman nila ang totoo.   "Pero, Tito. Pwede din bang paki-check ang buong ospital."   Dito siya biglang sumeryoso a diretsong tumingin sa akin. "Hindi ko gusto ang ipinaparating mo, Zhairell Kheina."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD