Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
"So, desidido ka na talaga?" tanong ni Aquary tungkol sa paglipat ko ng school. "Hindi ka na mapipigilan dyan?"
Tumango ako. "Iyon lang ang nakikita kong way para tuluyang matapos ang issue. Pero wala pa ako malilipatang school dahil iyong mga first choice ko ay hindi sinang-ayunan ni Moon. Kaya naghahanap pa ako."
"Eh 'di, magta-transfer na din ako kung saan ka lilipat." Bago pa ako makapagsalita ay agad na niyang tinakpan ang bibig ko. "Alam mong ayokong napapalayo sayo."
Sumimangot ako at inalis ang kamay nya sa bibig ko. "Pero kung lilipat ka ng school, mapapalayo ka naman kay Kier." Si Kier ay ang ultimate crush niya na anak ni Tito Khai, miyembro ng Black Monarch noong kapanahunan nila Mommy.
Natawa siya tsaka ginulo ang buhok ko. "Crush ko lang si Kier kaya ayos lang iyon. Mas mahalaga ka kaya kung magta-transfer ka, sasama ako. Hindi ka din naman papayagan ni Tita Zaire na lumipat ng ibang school nang walang kasama kahit isa sa barkada."
Napakamot ako ng ulo tsaka bumuntong hininga.
Wala na nga akong magagawa dahil hindi talaga maihihiwalay sa akin si Zarah. We are bound to stay close with each other just like what we promise when we are still kids.
"Okay, fine. Pero tulungan mo akong maghanap ng lilipatang school." pagpayag ko. "Dapat iyong walang mga fans club ng kung sinong sikat na estudyante or walang mga bitches."
Muli siyang natawa. "Imposible iyon noh. Bitches are everywhere."
"Yeah. Pero huwag naman sana iyong kasing baliw noong mga nasa Hanley." sabi ko. "Baka kasi hindi ko na din mapigilan ang sarili ko at makagawa pa ako ng bagay na alam kong pagsisisihan ko."
Hinawakan niya ang kamay ko. "You don't have to worry about that anymore kasi simula ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka na mag-isang lalaban. Tutulungan kita kaya dapat, sabihin mo agad sa akin kapag may problema, huh. Maliit man, kailangan ko agad malaman."
Tumango ako.
Ayoko na din namang maglihim sa kanya dahil hindi din nagiging maganda kapag wala syang nalalaman.
Iyong issue kasi kay Mairon, hindi ko sinabi sa kanya sa pag-aakalang hindi siya madadamay pero nagkamali ako. Dapat pala sinabi ko na iyon nang sa gayon ay nagawa niyang maging aware sa paligid niya ng araw na iyon.
Pero syempre, past na iyon at kahit pa yata sisihin ko ang sarili ko ay wala nang mangyayari. Kailangan ko nalang bumawi kay Zarah sa isang buwan kong hindi pagpapakita sa kanya.
"Kheina."
Napalingon kami kay Tito Shun na nakabalik na at may mga kasama na syang nurse ngayon.
"Doon ka na sa kwarto nyo. Si Aquary muna ang aasikasuhin ko dahil mas malala ang lagay niya."
"Sige po." Ginulo ko muna ang buhok ni Zarah tsaka ako sumunod sa nurse na maghahatid sa akin sa magiging kwarto namin.
*********
Zhairy Ghem X.Mirchovich's Pov
Zhairy Ghem X. Mirchovich, 19 years old at ang bunsong anak nila Zaire at McKenzie Mirchovich. That's all you need to know about me. Why? Hmm. Nothing. I just want to stay mysterious in your eyes.
So, as of now, nakaupo na ako habang kaharap ang magulang ko at ng buong barkada dahil katatapos ko lang ipaliwanag sa kanila ang detalyadong nangyari noong araw na mabaril sina Zhairell at Zarah.
Syempre, tulad ng pangako ko sa kanila, with matching action pa yan para intense.
Well, iyon ang gusto ni Mommy para daw mas maimagine niya ang kinukwento ko. Tsk.
At tulad ng inaasahan, bakas ang matinding galit sa mata nila Mommy at Tita Zerhia habang pilit naman silang pinakakalma ng mga asawa.
"I'm sorry." sambit ni Tita Maize. "Hindi ko na yata napapamahalaan ng maayos ang school kaya nangyari ang bagay na ito."
"It's not your fault, Maize." ani Tito Midnight sa kapatid. "Kung mayroon mang may kasalanan dito, iyon ay ang pagkukulang ng mga staffs mo. Hindi ba't may memo na tungkol sa pagche-check ng gamit ng mga bata dahil minsan nang nagkaroon ng insidente kung saan isang estudyante ang nakitaan ng patalim."
"He's right." sambit ni Mommy pero nananatili siyang poker face sa harap ng lahat pero bakas naman sa mga mata niya ang galit. Who wouldn't be? Eh unica hija lang naman niya ang nasaktan. "Kaya iharap mo sa aking ang lahat ng guard na naka-duty ng araw na iyon. Maging ang mga professors na malapit sa lugar kung saan sila binaril ng mga iyon. And lastly, iyong mismong nanakit sa kanila kasama ang mga magulang nila."
"What are you planning to do, Z?" tanong ni Tita Shen na bakas ang pagkabahala. Medyo nakakatakot talaga ang aura ni Mommy ngayon at nakakabahala talaga ang posibleng tumatakbo sa utak nito.
"I will punish each and everyone of them." matigas nitong sabi tsaka bumaling sa kanila. "But you don't have to worry, hindi ito kasing sama ng iniisip nyo."
Tumango nalang ang lahat na mukhang nakahinga ng maluwag.
"So, wala na po bang next punishment?" tanong ko na agad kumuha ng atensyon nilang lahat.
Muli silang nagtinginan tsaka bumuntong hininga.
"Yeah, makakalayas ka na." sambit ni Tita Zerhia kaya agad akong tumayo at nag-inat.
Pero agad akong napakunot noo ng maramdaman ang pagba-vibrate ng cellphone ko. May usapan kami ng barkada na mamayang hapon na ako magku-kwento ng resulta sa meeting na ito dahil gusto ko munang matulog kaya wala akong inaasahang tawag ngayon.
Agad ko nang inilabas ang phone at lalong kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Tito Shun. May problema kaya?
Sinagot ko ito at itinapat sa tenga. "Hello, Tito."
"Zhairy!" Nakaramdam ako ng kaba dahil base sa boses nito ay may hindi magandang nangyari. "Pumunta kayo dito sa ospital! Si Zhairell!"
Agad akong bumaling kina Mommy. "Mom, may problema yata sa ospital. Nagpapanic na si Tito Shun."
Mukhang nakaramdam din sila na may hindi magandang nangyayari kaya agad silang tumakbo palabas ng meeting hall. Sumunod na din naman ako matapos kong sabihin kay Tito Shun na papunta na kami.
Shit! Ano na naman kayang nangyari sa kapatid ko? Talaga bang lapitin ng problema ang isang iyon? Tsk.