Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
Tulad ng inaasahan, pagdating palang namin ay agad na kaming pinaluhod ng parents namin sa munggo na ikinalat nila sa buong park dito sa Hellion Residence.
At hindi lang isang set ang nakapatong sa mga braso namin. Tig-dalawang set lang naman bawat isang braso habang sila ay prenteng nakaupo sa batong mesa na narito at nagtatawanan pa.
Siguro, pinag-iisipan na nila kung ano ang matindi pa naming parusa kung sakaling hindi katanggap-tanggap ang rason namin.
"Alam ko na ngayon ang pakiramdam ng lagi mong ginagawa, Rell." nakasimangot na sabi ni Kuya Zhaiken. "At alam ko na din kung bakit ganoon kalakas ang braso mo."
"Yeah, me too. Kaya alam ko na din kung paano gagawin ang weapon na para sayo." dagdag ni Zhairy. "Mas okay pa ang bullet shower dito."
Natawa ako sa kanila.
Mga hindi kasi maipinta ang mukha nila habang nakaluhod at nakadipa. Kahit kasi well-trained kami ay may ilang bagay pa din talaga kaming hirap gawin.
"This is punishment. Alam nilang mas mag-eenjoy lang kayo kung bullet shower ang gagawin nila."
"Buti si Aquary, kalahating set lang ang nasa braso." ismid ni Crescent.
"Hindi pa ganoon kaayos ang lagay niya." sabi ko. "Tsaka sinalo ko iyong hindi niya mabubuhat." Tig-dalawa’t kalahating set kasi ang nakapatong sa mga balikat ko. Walang patawad ang magulang namin kaya minabuti ko nang gawin ito para kay Zarah kaysa lalong lumala ang lagay nya.
"Baka pwedeng saluhin mo din ang sa’min, Rell." Nginitian ako ni Zhairy na agad ko nang inirapan.
"Kapal ng face mo, dude. Kalalaki mong tao, sa'kin mo ipapasalo iyan."
"Ang mean mo talaga sa akin." ismid nya tsaka ngumuso.
Aba, hindi nila ako mauuto ngayon noh.
Kahit malakas ang mga braso ko, nangangalay pa din ako. Idagdag pa na mas madami ang niluluhuran kong munggo dahil binawasan ko din iyong kay Zarah.
Bumaling kami kina Mommy nang tumayo sila sa harap namin at pare-pareho pa talaga silang nakataas ang kilay habang nakapamewang. They’re really cool but also weird.
Kahit malalaki na kaming mga anak nila, mas madalas pa din silang kumilos na aakalaing kaedad lang namin.
"Magsasalita na siguro kayo." sabi ni Mommy at agad tumingin sa'kin. "Ito ba ang dahilan kaya naisipan mong wasakin iyon gamit ang katana ng Lola Kenzy mo?" Itinuro nya ang titanium bars na nasa gilid ng park at mukhang isang hampas ko nalang doon ay tuluyan na talagang bibigay.
Tumango ako tsaka muling tumingin kay Mommy.
Kapag ganitong sitwasyon, wala na kaming choice kundi sabihin ang lahat or else, mas malala pa ang pwedeng mangyari at iyon ang dapat na naming iwasan.
Hindi pwedeng magalit nang husto ang mga magulang namin lalo na sina Mommy at Tita Zerhia.
"Mom, ako nalang ang magpapaliwanag ng lahat." sambit ni Zhairy. "Promise, full details with action pa para mas intense."
Tumingin silang lahat kay Zhairy at parang nag-iisip pa pero hindi din nagtagal ay sabay-sabay silang tumango.
"Sige na, tumayo na kayo." sabi ni Mommy tsaka bumaling sa akin. "Magpunta kayo sa Fujiwara Hospital. Nandoon si Shun para i-check ang lagay nyong dalawa."
"Okay po." Ibinaba ko na agad ang mga librong nakapatong sa kamay ko tsaka bumaling kay Zarah at tinulungan siyang makatayo.
"Zhairy Ghem, sa meeting hall." At nauna nang umalis ang mga magulang namin.
Bumaling kami kay Zhairy na nag-iinat pa ng katawan.
"Ikaw na ang bahala, Ry." sabi ko. "Ikaw nalang ang pag-asa namin para wala nang next punishment."
Tumango siya tsaka ginulo ang buhok ko. "Don't worry, I got this. Pero ngayon palang, sinasabi ko na sayong may mapaparusahan pa din. Hindi nga lang tayo kundi lahat ng nanakit sa inyo ni Zarah."
"Hindi mo ba mapipigilan yun?" Kawawa kasi talaga ang mga iyon kapag sina Mommy ang nagparusa.
Umiling siya. "Iyon ang bagay na hindi ko na magagawan pa ng paraan."
Tumango nalang ako. "Sige, salamat."
"Punta na kayo kay Tito Shun."
________
"Mga pasaway talaga kayo." naiiling na sabi ni Tito Shun. "Paano pala kung malala ang naging tama nitong si Aquary? At talaga nagawa nyo pang makipagsabwatan kina Klari at Rhia para lang makapag-reseta sila ng gamot. Nako, kung ako lang talaga ang masusunod, itatali ko kayong patiwarik dun sa tower ng Hellion."
"Tito Shun, huwag mo na kaming sermunan." lambing ko sa kanya. "Naparusahan na nga kami kanina pagdating namin eh."
"Paanong hindi kayo sesermunan, eh kung hindi pa nadulas si Rhailey, hindi namin malalaman ang lagay nyo." Lalo siyang sumimangot nang alisin ang bondage sa likuran ni Zarah. "Tingnan nyo, ni hindi maayos ang tahi nitong sugat niya. Tsk. Saang ospital ba kayo nagpunta?"
"Harrison Hospital."
Lalo syang sumimangot. "Sa ospital na puno ng mga mukhang perang doctor pero walang kakayahang maging doctor. Hindi na nga nakakapagtakang hindi agad naging maayos ang lagay nitong si Aquary."
"Eh iyon lang kasi ang pinakamalapit na ospital sa Hanley Academy kaya wala na kaming choice."
"Kailangang i-confine nitong si Aquary dito para matutukan ang sugat nya." Bumaling siya sa akin at itinuro ako. "At ikaw, hindi pa din tuluyang magaling ang sugat mo kaya samahan mo na sya dito." sabi nya na mabilis naming tinanguan. Seryoso kasi siya ngayon at nakakatakot iyon para sa isang Shun Fujiwara. "Aasikasuhin ko lang ang magiging kwarto nyo." Umalis na siya at kami naman ni Zarah ay naiwan dito sa emergency room.
"Ano nang plano mo sa pasukan?" tanong ni Zarah na ikinatingin ko sa kanya. "Nabanggit sa akin nila Francess at Samara na gusto mong mag-transfer sa ibang school."
"Iyon sana ang plano ko para matapos na ang issue."
"Pero siguradong mapapatalsik na ang mga iyon sa Hanley." sabi nya.
"Oo nga. Pero nakakalimutan mo yatang miyembro lang sila ng fans club ni Mairon." sabi ko. "Marami pa sila at hindi na ako magtataka kung sa pagpasok ko uli doon ay may manggulo agad sa akin lalo na nga't ako din ang dahilan kung bakit mapapatalsik doon ang mga kasama nila." Bumuntong hininga ako. "Mas mabuti na iyon kaysa may madamay uli at baka mas malala pa ang mangyari kaya dapat nang umiwas."
Ayoko din namang mapalayo sa kanila.
Sanay kaya akong nakikita sila mula umaga paggising hanggang bago matulog at nakakasama ko sila. Kaya isang malaking challenge din sa akin ang desisyong ito. Pero sabi ko nga, kailangan. Iba na ang isip ng mga tao ngayon kahit pa iyong mga kaedad namin.