Chapter 4.c

1475 Words
Ciela Trishelle L. Lewis’ Pov   Kahit sinabi kong handa na akong sabihin sa kanya ang lahat, hindi ko naman magawang maibuka ang bibig ko.   Pinangungunahan ako ng kaba pero alam kong wala itong magagawa kaya kailangan kong lakasan ang loob ko. Ayoko nang tumagal ang problemang ito.   "Kakausapin mo na siguro ako noh." aniya.   Huminga ako ng malalim at pilit ikinakalma ang sarili ko para magawa ko nang makapagsalita.   "Or do you want me to start this conversation ng sa gayon ay ma-compose mo muna sa isip mo ang mga bagay na gusto mong sabihin?"   Umiling ako. "I love you."   Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko.   Diretso anong tumingin sa mga mata nya. "I love you and that’s the reason why I tried my best to avoid you." sabi ko. "This feeling is wrong kaya dapat din agad itong mawala. And in my mind, inaakala ko na ang paglayo sayo ang solusyon. Pero walang nangyari. Kahit anong pilit kong layo, eh siya naman pilit mong lapit kaya imbes na mabawasan, lalo lang nag-grow yung feelings ko."   "T-Trish—"   "It’s okay." Huminga ako ng malalim. "W-wala akong pakialam kung anuman ang iisipin mo tungkol sa akin. You deserved to be mad at me dahil binigyan ko ng malisya ang pure closeness natin. Kinailangan ko lang talagang ipaalam ito para matapos na dahil iyon naman talaga ang gusto mong malaman, di ba?" Pilit kong pinipigilang maiyak sa harap niya pero hindi yata ako ganoon kalakas dahil tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko kaya yumuko ako. "I ruined everything between us because of this feelings kaya gusto kong mawala agad ito at mangyayari lang iyon kapag ikaw na mismo ang lumayo sa akin. Isang malaking pagkakamali ang magkaroon ako ng ganitong feeling para sayo."   "What’s wrong with that?"   Inangat ko ang tingin at nakita ko ang walang emosyon nyang mga mata na unang beses na nangyari habang ako ang kaharap niya.   "Anong mali kung mahalin mo ako ng higit sa pinsan? Am I not worth for that? Hindi ba ako karapat-dapat mahalin ng isang tulad mo?" And now, pain is all over his face. "Damn it, Trish! Anong dapat kong gawin para masabi mong hindi mali ang mahalin ako?"   "Zhairy, it’s not what I mean."   "Then, explain it for me to understand everything you said!" Ito ang unang beses na nagawa niya akong pagtaasan ng boses.   “This is wrong dahil habang tumatagal, nangingibabaw iyong pagkagusto kong maging akin ka!" balik sigaw ko na nagpatigil sa kanya. "You know that I can’t have you kaya mali na maramdaman ko ito sayo." Napaupo ako sa sahig. "To be honest, wala akong planong sabihin ito. Hindi dahil natatakot ako sa iisipin mo o nila. Ang ikinakatakot ko ay iyong gagawin mo kapag nalaman mo ito. Alam kong hindi mo ako kayang mahalin pabalik kaya siguradong ire-reject mo ako."   "Damn it! You judge me?" aniya na muling ikinatingin ko sa kanya. "Nagawa mong pangunahan ang posible kong gawin sa kabila ng mga pinagsamahan natin noon? Of all people, Trish. Ikaw pa ang nakaisip gawin ang nag-iisang bagay na alam mong pinakaayoko!"   Akma akong tatayo at aabutin siya pero mabilis siyang umatras palayo sa pintuan ng elevator.   "I also love you kaya ganito ako kaapektado sa mga ginagawa mo." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Pero hindi ko alam kung sasapat ba ang pagmamahal ko sayo para patawarin ka sa panghuhusga sa akin. I am not that kind of person, Trish. At ikaw dapat ang mas nakakaalam nyan dahil mula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang nakakakita ng buong ako." sabi niya at bumalik ang mga mata niyang walang kahit na anong emosyon na lalong ikinaiyak ko. "You broke your promise that’s why I’m breaking mine. I’m leaving you."   Hindi na ako nakapagsalita dahil sa biglaang pagsara ng elevator.   Akala ko, kapag sinabi ko na iyon, magiging maayos na ang lahat. Pero mali eh. Maling-mali dahil lalong gumulo ang sitwasyon namin.   "Trish."   Iniangat ko ang tingin at nang makita ko si Cielo ay agad akong lumabas ng elevator tsaka yumakap sa kanya. "Kuya."   "What happened?"   "It’s my fault. I broke my promise and now, he’s mad at me." Kasalanan ko nga ang lahat.   Nagpadala ako sa takot at hindi ko inisip ang mararamdaman niya lalo na nang hindi ako tumupad sa nag-iisang pangako ko sa kanya.   Na kahit kailan, hinding-hindi ko siya huhusgahan kahit pa hindi ko maintindihan ang mga ginagawa niya. Na kahit kailan, hindi ko pangungunahan ang mga posible niyang gawin o iniisip kahit pa wala siyang sinasabi. Napakadali lang noon yet, hindi ko nagawa para sa kanya gayong halos nagawa na niya ang lahat para sa akin noon.   "Ssshhh. Don’t cry. Everything will be okey, soon."   Tumango nalang ako kahit walang kasiguraduhan ang lahat. Zhairy has his words at ginagawa niya kung anong sinasabi niya kaya alam kong iiwan na talaga niya ako.   *********   Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov   Hindi na nakakapagtaka na nagka-inlove-an sina Ciela at Zhairy dahil mula pagkabata, sila naman ang madalas magkasama. Baka mas nagtaka pa kami kung hindi nangyari iyon kaya alam kong naiintindihan ng buong barkada ang nangyari sa pagitan nila ngayon.   Pero nakakagulat pa din pala talagang malaman na tama din ang mga iniisip namin. Na hindi na pala simpleng magpinsan ang tingin nila sa isa't-isa. Mabuti nalang, they manage not to cross their limitations.   Iyon nga lang, dahil sa mga nangyari ngayon, lalo lang lumala ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa at hindi ko din masisisi si Zhairy kung bakit sya naman ang galit ngayon.   Si Ciela ang iniisip niyang mas nakakakilala sa kanya pero hindi niya akalain na kaya pala siya nitong husgahan at pangunahan sa kabila ng pinagsamahan nila mula noon.   "Imbes na maging maayos ang lahat, lalo lang naging kumplikado dahil si Zhairy naman ang lalayo sayo ngayon." naiiling na sambit ni Crescent. "Hay nako! Ang sakit nyo sa ulo."   "Let him be. Kasalanan ko kung bakit siya nagalit." Pinunasan niya ang pisngi. "Tama siya, maling-mali ako dahil nagawa ko siyang husgahan sa kabila ng lahat. At nagawa ko ding baliin ang pangako ko sa kanya." mahinang sambit ni Ciela na kakatapos lang umiyak. Nakahiga siya sa lap ng kakambal at nakapikit.   "Wala akong sinabing kasalanan niya. You actually deserved that pero walang mangyayari kung lalo lang lalala ang sitwasyon natin." Hindi talaga marunong magpigil itong si Crescent. Sasabihin niya talaga kung anong gusto niya kahit pa makakasakit iyon.   "Ibig bang sabihin noon, mas magtatagal tayo dito?" tanong ni Rhailey.   "Depende sa mga mangyayari." sabi ni Kuya Zhaiken. "Pero sa tingin ko, hindi din tayo magtatagal dito."   Yeah. Depende talaga pero kahit ako, alam kong hindi din kami magtatagal dito matapos ang mga nangyari ngayon.   "Hey."   Bumaling kami sa pintuan at nakita namin si Zhairy na nakatayo doon.   "Bumalik na tayo." aniya. "Ako nang bahala sa mga parents natin para matapos na ang problema."   "You’re going to help us?" Agad na lumapit si Crescent dito. "Sigurado ka? Maayos na ba ang utak mo at magagawa mo na kaming tulungan?"   Tumango ito. "Yeah. I can handle them at hindi makakatulong kung magtatagal pa tayo dito. Busy pa sila ngayon kaya hindi nila tayo hinahanap pero kapag natapos iyon, siguradong lalong hindi magiging maganda ang mangyayari. Ako na ang kakausap sa kanila at magpapaliwanag sa lahat."   "Just like what I thought." halos sabay naming sabi ni Kuya Zhaiken.   Ngayong alam na ni Zhairy ang dahilan kung bakit nga ba siya biglang iniwasan ni Ciela at nasabi na din niya ang dapat niyang sabihin, sigurado kaming babalik na siya sa dati.   Apektado man siya pero tulad ng alam naming lahat, he is always in control of everything at hindi makakasagabal ang galit niya para hindi tulungan ang buong barkada.   "Let’s go. Kailangan nating makabalik by noon or talagang maliligo tayo sa bala." Tinalikuran na nya kami.   Nilapitan ko agad si Zarah at inalalayan itong tumayo. "We also need to ready ourselves. Mauuna ang simpleng parusa bago nila pakinggan ang paliwanag natin at kapag hindi sila nakuntento dun, tsaka nila tayo mas pahihirapan.”   Yeah, ganoon ang parents namin. Basta naglihim kami sa kanila, hindi kami nakakaligtas sa parusa tapos tsaka lang nila kami pagpapaliwanagin.   Pero depende pa kung tatanggapin nila ang explanation dahil kapag hindi, isa na namang parusa ang naghihintay sa amin at mas matindi iyon.   Ngumiti siya. "I know that. Ihanda nalang natin ang mga tuhod at braso natin. Baka pag-uwi, nakahanda na ang munggong luluhuran natin."   "Geez! Baka magkasugat pa ang mga tuhod ko." reklamo ni Shaelan.   Bahagya nalang akong natawa. Sa pagkakataong ito, hindi lang ako ang mag-isang luluhod sa munggo at magbubuhat ng complete set ng encyclopedia. May kasama na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD