Ciela Trishelle L.Lewis’ Pov
After breakfast, karamihan sa aming ang nagpasyang magbabad muna dito sa pool na nasa rooftop ng building.
Iyong iba, kasama si Cielo ay naiwan sa baba. Hindi ko lang alam kung anong ginagawa nila doon pero may mga oras talaga na umaatake ang pagka-kill joy ang mga iyon.
"Hey, Trish." Tinabihan ako ni Crescent. "I have one question to ask at nasa iyon nalang kung bibigyan mo ako ng bonus explanation."
Kumunot ang noo ko pero tumango ako sa kanya.
"Hanggang kailan mo itatago ang nararamdaman mo kay Zhairy Jhem?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Pa-paano nya nalaman iyon? Sinabi ba ni Cielo? Pero malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong hindi nya sisirain iyon. Then, paano nalaman ni Crescent ang tungkol dun?
"Walang sinabi sa akin si Trein kung iyon ang iniisip mo. Hinding-hindi iyon gagawa ng ikasisira ng tiwala mo sa kanya." aniya. "At kung paano ko nalaman, huwag mo nang alamin. You all know that I have my own way finding everything, so please answer my question, if you don’t mind."
"Wala akong planong sabihin ito sa kanya." diretso kong sabi habang nakatingin sa tubig. "You know that this feeling is so wrong. Walang lugar sa mundong ito ang ganitong klaseng pagmamahal para sa isang kamag-anak. This is worst, sinful, disgusting and everyone will definitely despise me if they learn about this."
"Hindi ko alam na maliban sa manhid ka, walang utak at judgemental, wala ka ding kwentang kaibigan."
Muli akong napatingin sa kanya dahil sa mga sinabi nya. "W-what?"
"You heard me, Trishelle. huwag mo nang ipaulit sa'kin kung ayaw mong lalong masaktan." Umirap siya tsaka tumayo sa harap ko at nanlaki ang mata ko ng biglang umigkas ang kamay niya sa pisngi ko. "Don’t f*****g ask me why I did that because you deserved being slapped."
Hindi ko magawang makasagot. Nanatili lang akong nakahawak sa pisngi kong sinampal nya at pilit inaalisa ang mga nangyayari.
"Ipapaliwanag ko sayo kung bakit ko nga ba sinabi ang mga iyon." sighal niya. "Una, wala kang utak dahil hindi ka nag-iisip ng tama. What’s wrong in falling in love? As far as I know, walang tama o mali sa pagmamahal as long as ginagawa mo ang makakaubuti para sa mahal mo. What’s wrong in falling in love with you’re second cousin? Tangina! Wala! As long as hindi kayo lumalagpas sa limitasyon nyo. Hindi kayo nagme-make out o nagse-s*x! Walang hiya iyan! Nakakabobo kayo!"
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya.
"Pangalawa, judgemental ka!" sigaw niya. "Bakit ba inuunahan mo kami sa ire-react namin? Alam mo ba kung anong nasa isip namin para mag-conclude ka agad sa posible naming isipin dyan sa nararamdaman mo?" Akma pa sana niya akong sasampalin muli pero pinigilan na niya ang sarili.
Makailang beses siyang huminga ng malalim para ikalma ang sarili at muling humarap sa akin.
"Damn you for that! Kahit kelan, hindi tayo tinuruan ng magulang natin na manghusga ng kahit sino, alam man natin o hindi ang side nila! Wala ka ding kwentang kaibigan dahil hindi ka nagtiwala na magagawa ka naming intindihin kahit pa ano iyang pinagdadaanan mo. Nakakababae ka masyado eh! Sarap mong sapakin!" Tinalikuran nya ako at mabilis siyang huminga ng malalim. "At iyong pagiging manhid mo, bahala kang umalam. Nakakapagod mag-beast mode sayong bruha ka." Umiling-iling sya tsaka lumangoy palayo sa akin.
And just like that, hindi ko na napigilan ang luha ko.
She’s right. I deserved that slap dahil hindi pumasok sa isip ko ang bagay na yun. Masyado akong nagpadala sa takot na mahusgahan at pag-isipan ng hindi maganda. Masyado akong naging judgemental sa mga kaibigan na halos itinuring ko na ding mga kapatid.
"Trishelle."
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Cielo at Zhaiken.
"Galit ako kay Moon dahil sinampal ka niya but please don’t mad at me for saying you actually deserved that." ani Cielo. "You know that I am not a brother who tolerates your mistakes so please, do something to fix this dahil baka hindi lang si Moon ang sumampal sayo."
"Mag-usap na kayo ni Ry para matapos na iyang problema nyo. Ang sakit nyo na masyado sa ulo at tulad ng sinabi ni Moon, nakakabobo talaga. Kayo lang kasi ang nagpapakumplikado sa sitwasyon nyo." Tinulungan ako ni Zhaiken na makaahon ng pool tsaka ipinatong ang isang towel sa balikat ko. "Nasa sala siya at naghihintay kung kakausapin mo siya."
Tumango nalang ako at bumaling kay Ceilo. "You’re right. I deserved that slap and the only way to finish this problem of mine is to confess this to him and explain everything to others. But for now, pwede bang ihingi mo na ako ng sorry sa kanila. Kakausapin ko na muna si Ry."
"I’ll handle them. Just get going." Itinulak na niya ako papunta sa elevator. "Siguraduhin nyo lang na okay na kayo magbaba namin, huh."
Ngumiti ako at tumango. "I will fix this."
"Then, goodluck."
Huminga ako ng malalim at sumandal sa pader ng elevator dahil nagsimula na akong balutin ng kaba. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin kay Zhairy.
I am not prepared for this pero ayoko nang magalit pa sa akin ang mga kaibigan ko dahil sa nararamdaman ko. Gusto ko na ding tapusin ang problemang ito dahil nahihirapan na din akong mapalayo kay Zhairy.
Iyon nga lang, natatakot din ako sa posible niyang maging desisyon kapag nalaman niya ito.
Ano kayang gagawin niya? Lalayo kaya siya? Siya naman kaya ang iiwas sa akin? Siya naman kaya ang magagalit sa akin?
Maybe our friends can understand what I feel pero siya kaya? Maiintindihan niya ba na minahal ko siya kahit pa mulat kami sa katotohanang magkamag-anak kami? Sisisihin ba niya ako dahil sinira ko iyong closeness na mayroon kami?
Bumuntong hininga ako.
Walang mangyayari kung mag-iisip ako ng ganito. Kailangan ko nalang talagang paghandaan kung ano ang mangyayari sa pag-uusap namin at manalangin na sana.. sana matapos na nga ito bago pa namin harapin ang galit ng kanya-kanya naming magulang dahil sa pagtatago sa nangyari kina Zhairell at Zarah.
Inihanda ko na ang sarili ko nang tumigil ang elevator at halos mapigilan ko ang paghinga nang bumungad sa akin si Zhairy sa pagbukas ng pintuan nito.
Hindi niya din yata inaasahan na ako ang makikita pero agad napalitan ng ngiti ang pagkabigla nya. "Kakausapin mo na siguro ako noh."
Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Heto na, kaharap ko na talaga siya pero hindi ko alam kung anong sasabihin?