Zhaiken Rhald X. Mirchovich’s Pov
Matapos mag-breakfast, kanya-kanya na kami ng pwesto sa kabuuan ng building. Karamihan sa kanila lalo na ang mga babae, piniling magbabad sa rooftop pool. Ang iba, natulog nalang uli dahil sa tindi ng hang-over.
Habang ako ay nag-stay dito sa living room at busy sa laptop. Kailangan kong makakuha ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa labas para updated din kami. At para malaman din kung pwede na kaming umuwi.
At sa nakikita ko, mukhang hindi pa kami pwedeng magpakita. Galit talaga si Mommy at Tita Zerhia.
Damn.
Ito ang iniiwasan namin dahil talagang mahirap kapag nagalit ang kambal na iyon kaya kahit kaming mga anak nila ay talagang takot harapin ang galit na iyon.
Napalingon ako sa katapat kong sofa ng ibagsak ni Zhairy ang sarili niya doon. "Ano? Kaya pa ba?"
Bumuntong hininga siya tsaka umiling-iling. "Hindi na. Masyado na akong naaapektuhan ng mga nangyayari. Kagabi, kamuntik-muntikan ko nang sagutin ang mga tanong ni Francess."
"Narinig ko nga. At bilib na talaga ako sayo dahil kahit nakarami ka na ng inom, nagawa mo pa ding kontrolin ang sarili mo."
Ine-expect ko talaga na magsasabi na siya ng problema niya kagabi kaya sinadya ko siyang painumin ng marami pero ang walang hiya, parang hindi naapektuhan ng alak
Yeah, ako ang may pakana noon at nakipagsabwatan ako kay Francess dahil isa't-kalahating tsismosa iyon pero epic failed naman.
Tahimik lang siya sa isang tabi at hindi pinapansin ang kahit sino sa amin kahit halata naman na pinakikinggan niya ang mga kumakausap sa kanya.
"That’s why I need to do something about it, Kuya." sabi niya. "Malapit na akong mabaliw kapag hindi ko pa naayos ang gusot sa pagitan namin ni Trish. At hindi ko na din kakayanin kung magtatagal pa itong galit niya sa akin." Inis nyang sinabunutan ang sarili niya na ikinailing ko.
Malaki talaga ang epekto sa kanya ni Ciela dahil ngayon palang, nawawala na ang pagiging kalmado nya.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit mo nga ba ginawa iyon kay Trish." sabi ko na ikinatigil nya. "Why did you kissed her, Ry?"
"It’s forbidden, Kuya." Huminga siya ng malalim. "I really thought that being with her is just a normal closeness between the two of us dahil nagagawa niya akong intindihin nang hindi ko kinakailangang magpaliwanag sa kanya pero that night—" He paused and sigh. "Alam kong hindi iyon epekto ng alak, I feel something here." Hinawakan niya ang dibdib. "That push myself to kissed her. I know it’s wrong to do that pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Why? Because I fell in love with her." Muli siyang huminga ng malalim at diretsong tumingin sa akin. "You see, I’m in love with her."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nya. "s**t! You can’t be serious about that thing, Zhairy! Hindi ka pwedeng ma-in love kay Trishelle dahil pinsan natin siya." sabi ko. "Kahit pa second cousin lang, hindi maiaalis ang katotohanang magkamag-anak tayo.”
“I know." aniya. "Pero anong gagawin ko kung ganito na ang nararamdaman ko?" Inis niyang ginulo ang buhok. "Sinusubukan kong pigilan at hindi din naging madali iyon. Ginagawa ko ang lahat para hindi ako lumagpas sa limit ko and that kissed the only thing na ginawa kong mali sa pagitan namin. Wala nang sumunod kasi mas mahalaga pa din sa akin iyong pagkakaibigan namin. Ayokong sirain iyon kaya kahit pakiramdam ko, mamamatay na ako dahil hindi ko magawang sabihin ang nararamdaman ko, pilit ko pa ding pinipigilan." mahaba nyang paliwanag at kita ko sa mata nya ang matinding sakit.
Hindi ko inaasahan na ganito na pala kalalim ang nangyayari sa pagitan nila. Na talagang kahit mulat sila sa katotohanang magkamag-anak sila ay nahulog pa din ang loob nya kay Ciela.
"You’re really in trouble, Ry."
Tumangu-tango sya. “Yes, I am. Pero lalo akong malalagay sa gulo kung magpapatuloy ang pag-iwas niya sa akin." Muli niyang ibinagsak ang sarili sa sofa at tumitig sa kisame. "Pwede naman kasi yon, Kuya. Iyong mahalin ko siya basta sisiguraduhin ko lang na hindi ako lalagpas sa limitasyon ko. Alam ko naman kasi na lilipas din itong nararamdaman ko dahil hindi talaga kami pwede. I just want to love her hanggang sa kusa itong mag-fade. Lalo lang kasing tumataas iyong selfishness ko kapag pilit ko pa ding pinipigilan eh."
"Then, tell her what you feel dahil iyon lang ang paraang nakikita ko para magsimulang mawala iyang nararamdaman mo para sa kanya."
"Paano ko nga ba sasabihin sa kanya kung lagi nalang siyang nakasigaw kapag kaharap niya ako." Bumuntong hininga siya tsaka dumapa sa sofa at isinubsob sa unan ang mukha. "s**t lang talaga! Nakakainis na eh."
"Gumawa ka ng paraan, Ry. Kailangan, maayos nyo na ang gusot nyo bago tayo umalis dito."
"Hindi ko na alam ang gagawin.” pag-amin nya. "Nahihirapan na ako."
Napakamot ako ng ulo.
Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nahirapan siyang ayusin ang isang problema. Ngayon lang siya mabaliw-baliw sa pag-iisip ng isang bagay at ngayon lang siya na-frustrate ng ganito dahil wala siyang maisip na paraan para matapos itong pinagdadaanan niya.
Maybe this time, ako naman ang dapat tumulong sa kanya. Baka tuluyang mabaliw itong kapatid ko eh, lalo pang magalit sa amin si Mommy.
"Relax ka nalang muna dyan. Let me handle something para makapag-usap kayo." Napatingin siya sa akin. "Just make sure na kapag nabigyan ka ng pagkakataon na makausap siya ng matino, sasabihin mo sa kanya ang sinabi mo sa akin."
"Yeah. I promise." Aniya.
Hindi uso ang katorpehan sa kanya. He always say what he want to say kaya alam kong sasabihin niya din kay Ciela iyon.
Sadyang hindi lang talaga siguro makahanap ng tyempo dahil sa pagbi-beastmode nito.
Tumayo na ako at akma na sanang aalis ng sala nang muli akong tawagin ni Zhairy kaya bumaling ako sa kanya.
"May nakalimutan ka pa?"
Bumangon siya at tumingin sa akin. "Ahm. Hindi ka ba nandidiri sa akin? I mean, ganoon kasi ang reaksyon ng iba kapag nalalaman nilang na-iin love ang isang tao sa kamag-anak nila eh. Kaya gusto kong malaman kung anong nasa isip mo ngayong nalaman mo itong nararamdaman ko."
"I’m not actually expert when it comes to love." sabi ko. "Pero sa tingin ko at tulad nga ng sinabi mo, walang mali na minahal mo si Trishelle. Naiintindihan ko dahil naging malapit talaga kayo sa isa’t-isa mula pagkabata. Magiging mali lang talaga iyan, kapag masyado ka nang naging makasarili at nilagpasan mo na ang limitasyon mo. At baka doon ako mag-isip ng masama sayo."
Ngumiti sya. "Thanks, Kuya. Sana ganyan din ang maging reaksyon ng barkada kapag nalaman nila pero kung hindi, rerespetuhin ko nalang."
"They will also understand you. Hindi tayo pinalaking judgemental ng mga magulang natin lalo na sa isa’t-isa kaya huwag kang mag-alala. Pero syempre, asahan mo nalang na lagi silang nakatutok sa limitasyon mo."
Tumango sya. "Once I tell her what I feel, alam kong mas madali ng manatili sa limit ko."
"Sige na, maghintay ka nalang dito. Kung hindi ko mapapababa si Trish, ikaw ang paaakyatin ko doon." Tinalikuran ko na siya at sumakay na ako papunta sa rooftop kung nasaan ang iba.
Sana lang makumbinsi ko si Ciela nang matapos na ang problemang ito ni Zhairy.