Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
Maaga akong nagising kahit sa lahat, ako ang may pinakamadaming nainom kagabi.
Hindi ko kasi alam kung paano haharap kay Zarah matapos ang nangyari sa kanya last month kaya idinaan ko nalang sa alak kagabi.
Tapos nahihiya din ako sa buong barkada dahil hindi sana kami mapupunta sa ganitong sitwasyon at magtatago sa mga magulang namin kung hindi ko din naman sila idinamay sa problema ko.
"Kheina."
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Zarah na nakatayo at nakasandal sa hamba ng pintuan.
Shit lang!
Hindi ko inaasahan na gigising siya ng maaga at talaga nga namang na-corner ako dahil nandito kami sa kusina.
"One month is enough. Ayoko nang patagalin ang pag-iwas mo sa akin." aniya. "Plano na talaga kitang sabunutan kagabi kung hindi lang ako pinigilan ni Kuya Ken. Pero wala ka nang takas ngayon."
"Ahm, Aqua naman." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Sorry for not showing up for the whole month."
"I don’t need your sorry." sabi nya na ikinalingon ko sa kanya at nakita ko ang mga braso nyang bahagyang nakadipa. "I just need your hug."
Naiyak ako at agad na lumapit sa kanya tsaka sya niyakap.
Mahirap ipaliwanag ang bond namin ni Zarah sa isa’t-isa. Iyong tipong dinaig pa namin ang kambal na magkapatid sa sobrang close namin. Kaya nga tinatawag kaming twin cousin.
And she’s the most understanding person sa lahat ng taong nakasama ko.
"Kuya Ken told me everything that I need to know at sinasabi ko sayong hindi ako natutuwa." Kumalas sya ng yakap sa akin at seryoso akong tiningnan. "You break 10 katanas sa loob lang ng isang buwan. Kahit iyong mga titanium bars na nasa park na lagi mong ginagamitan ng mga iyon ay halos bumigay na din. Tapos kung hindi ka pa kinukulit ni Zhairy, hindi mo ipapatingin ang naging sugat mo."
"Sorry." Napayuko ako. "Masyado akong nalunod sa nangyari at hindi ko alam ang gagawin. Nahihiya ako dahil nasaktan ka nang dahil sa'kin. Tapos heto nga, nagtatago tayo para iwasan ang galit ng magulang natin."
Bumuntong hininga siya tsaka pinunasan ang luha ko. "Kahit ano yata ang sabihin ko, hindi maaalis iyang paninisi mo sa sarili mo but please, don’t punished yourself. Ikaw man ang dahilan kung bakit ako sinaktan, ikaw din naman ang dahilan kung bakit pinipilit kong magpagaling."
"I tried to be strong pero hindi ko talaga kaya eh." mahina kong sabi. "Mahirap lalo na’t harap-harapan kong nakita ang ginawa nila sayo. At iyong mga ginagawa ko every morning sa park, iyon lang ang nagpapakalma sa buong pagkatao ko para magawa kong maka-survive sa buong maghapon ng hindi umiiyak at nagbe-break down."
"Hindi mo naman kailangang sarilinin iyan. Nandito kami ng buong barkada. We all know what happened kaya alam kong naiintindihan ka nila. Don’t fight alone, Kheina." Muli niya akong niyakap. "Kung sa ganitong sitwasyon, hindi ka na namin magawang tulungan, paano pa kapag humarap pa tayo sa mas malaking problema, di ba? Let us prove that we’re worth being with you."
"Walang dapat patunayan kasi magkakaibigan tayo whatever happens."
"Then, tell that to yourself." Kumalas siya ng yakap sa akin tsaka pinisil ang pisngi ko. "Ikaw kasi ang nakakalimot niyan eh."
"Oh? Tapos na ba ang dramahan nyo dyan?" biglang pagsulpot si Crescent sa likod ni Zarah. "Pwede na ba tayong magluto dahil nagugutom na ako.". Hinawi niya kami paalis sa daanan at tuloy-tuloy na naglakad papasok ng kusina.
Kasunod naman niya sina Crolhaine, Zhayn, Samara at Francess.
"Kaloka kayong dalawa. Hindi ko kinaya ang drama nyo." naiiling na sambit ni Samara. "Tara na nga’t magluto. Nagsisibangon na ang mga yun at pare-parehong may hang-over lalo na si Zhairy."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Madaming nainom si Zhairy?" Unusual iyon sa kanya at hindi ko na din naman napansin ang batang iyon kagabi dahil nga mas nakatuon ang atensyon ko sa alak.
"Yup." singit ni Francess. "Pero ang tindi talaga ng kapatid mo noh. Kahit lasing na lasing na, he remain silent. Hindi tulad ng iba na nagiging maingay. Kahit sinubukan ko siyang tanungin about something so personal, hindi pa din niya ako kinausap kahit halata namang nakikinig siya sa mga sinasabi ko." Napailing pa siya. "He always in control of everything at gusto ko na tuloy isipin na ampon lang siya."
"Yeah, hindi naman ganyan sina Tita Emerald at Tito Henry.” ani Crolhaine. "Kanino kaya iyon nagmana noh."
"Well, he’s not always in control." sabi ko. "May isang bagay pa din talaga siyang hindi kayang sulusyunan nalang basta at iyon ang problema nilang dalawa ni Trish ngayon." Kumuha na ako ng mga iluluto namin sa refrigerator.
"Oh. Hindi pa din ba naaayos iyon?" kunot noong tanong ni Crescent na pare-pareho naming inilingan. "Buti nakayanan nyang itago iyon."
"What do you mean?"
"They’re too close na halos hindi mapaghiwalay tapos biglang isang araw, ayan, magkaaway na kaya nakakagulat na nakayanan niyang itago ang dahilan niya." paliwanag nya.
"Akala ko may alam ka."
Bumaling siya sa amin at ngumisi. "Ako pa ba ang mahuhuli sa balita?"
Nanlaki ang mga mata namin. "May alam ka nga!"
Ang galing talagang magtago ng isang ito. Ni hindi man lang kami sinasabihan gayong naloloka na din kami ikinikilos ng dalawa.
Tumangu-tango siya. "Yup, I know something pero tulad ni Trein, hindi ako makikialam kahit pa magbayad kayo ng malaki dahil personal issue nila iyon. At hayaan nating sila ang lumutas."
"Sasabihin din naman nila iyon eventually." dagdag ni Zarah. "Hintayin nalang natin kung kailan sila magiging kumportableng pag-usapan."
"Girls! Tama na muna ang kwentuhan nyo dyan! Gutom na kami!" sigaw ng mga nasa sala kaya napailing nalang kami.
"Tara na nga. Halimaw ang mga iyon kapag gutom at may hang-over."
Nagsimula na kaming magluto at hindi ko maiwasang pagmasdan sila.
Dapat yatang magpasalamat ako sa mga magulang namin dahil kahit maraming gulo silang hinarap noong kabataan nila, hindi pa din natinag ang pagkakaibigan nila na umabot pa nga sa puntong mas pinili nilang manirahan sa iisang lugar.
Kung hindi siguro nila ginawa yun, hindi ko makikilala, makakasama at magiging kaibigan ang mga ito.
I should really thank them.