Chapter 3.c

1623 Words
Zhaiken Rhald X. Mirchovich's Pov   Pare-pareho kaming nagakatinginan at nagdadalawang isip na magsalita.   "Kheina and Aquary was shot." walang gatol na sabi ni Crescent na ikinalaki ng mga mata namin.   "Crescent Moon!"   Tinaasan niya kami ng kilay. "What? Mas mabuti nang malaman din niyang si Mairon ang lahat. He has the right to know nang hindi niya iniisip na si Zhairell ang may kasalanan kaya hindi nag-work ang relationsh—hmp"   Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay tinakpan ko na ang bibig niya. Minsan talaga, hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging bestfriend ko sa dami naming magbabarkada. Kung anong ikinatahimik ko, eh siya naman itong ikinadaldal niya.   "Don’t make things complicated for now, Moon. We need to deal with our parents’ wrath before thinking of telling him everything." bulong ko.   Inalis niya ang kamay ko sa bibig. "Mas okay nang sabay-sabay harapin kaysa paisa-isa. Nakakapagod iyon. Isa pa, nandyan si Zhairy to help us."   "He can’t help us now, Moon." sabi ko tsaka bumaling kay Zhairy na tulala sa gilid. "You see, wala siya sa sarili ngayon dahil kay Ciela."   "Whatever." she insisted. "Basta, tama lang na malaman niya yon." At hindi na talaga siya nagpapigil pa. "You." Itinuro nya ang pinsan. “Sa tingin mo ba basta ka nalang iniwan at winasak niyang si Kheina dahil gusto niya? Wala lang siyang choice pero kung makapag-inarte ka dyan, akala mo, ikaw ang pinakanasaktan. Akala mo ikaw lang ang naging miserable!"   "What are you talking about?" Naguguluhang tumingin ito sa akin.   Nasa kusina si Zhairell kasama sina Samara at Francess para magluto ng makakain namin. Mabuti nalang at hindi dinig mula doon ang pinag-uusapan namin dahil siguradong magwawala yun kapag nalaman nyang ipinapaalam na namin kay Mairon ang lahat.   "Mas nasasaktan si Kheina sa nangyari sa inyo. Not only emotionally and mentally, also she’s hurt physically by those phsyco b***h na talaga namang patay na patay sayo." Wala na, hindi na talaga nagpapigil si Crescent kahit pa pilit kong tinatakpan ang bibig niya. Nagagawa niya naman kasing mahawakan ang kamay ko habang tuloy-tuloy na nagsasalita. "Hindi lang iyon, nadamay pa ang walang kaalam-alam na si Aquary and that makes Kheina did something that torned her heart apart. Ikaw ang dapat nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanya ang pinsan niyang iyon."   "Ba-bakit h-hindi ko alam?"   "Sino bang nagkulong sa unit niya ng isang buwan at iilan lang sa barkada ang pinapapasok." ismid ni Crolhaine kaya’t bumaling sa kanya si Mairon. "Yeah, I know that. Wala ka naman kasing ibang ginawa sa unit mo kundi maglasing at mag-iiyak kaya sa tingin mo, gaganahan akong sabihin iyon sayo?" Inirapan niya ang kapatid.   Bumaling ako sa kanya. "Don’t ever try to mention this to her for now. Masyado pang masakit sa kanya ang nangyari dahil hindi pa din maganda ang kundisyon ni Aquary ngayon."   Matapos ang nangyari noong isang buwan, hindi pa din magawang makabawi ng pinsan naming si Zarah Aquary.   We’re not like our parents na lumaki sa magulong mundo ng mga gangs at mafias. They tried their very best to give us the peaceful and happy life na ipinagkait sa kanila noon.   Though, they still teached and trained us everything they know sa pakikipaglaban pero hindi pa kami umaabot sa puntong nagamit namin ito ng aktwal, well, maliban sa magpinsan na Crolhaine at Crescent na madalas makipagrambulan kung kani-kanino.   Kaya nang mangyari ang insidenteng iyon kina Zhairell at Zarah, hindi namin alam ang dapat gawin.   They were both shot that time at iyon ang kauna-unahang beses na nangyari iyon sa amin. Kung hindi namin nakontak sina Crescent, siguradong mas malaking gulo pa ang nangyari.   Natahimik nalang din siya hanggang sa dumating na din ang iba pa naming kabarkada.   "Oh. Bakit yata mukhang may siblings’s quarel kayo?" takang tanong ni Marien ng magkahiwalay na dumating sina Cielo at Ciela. She’s they’re cousin. Anak nila Tita Margarett at Tito Rhen, Marien Helca L. Arai.   "She’s mad at me." simpleng sabi ni Cielo tsaka naupo sa tabi ko.   "And that’s unusual." komento ni Aeley Lhexa, ang bunsong anak nila Tito Erhan at Tita Rameila. "Marunong din pala kayong mag-away."   Tumangu-tango sya. "Kasalanan ko din naman."   Now, I wonder kung bakit nag-away ang dalawang ito.   Sa aming lahat, silang dalawa ang sobra pa sa minsan kung mag-away. Wala naman kasi silang itinatago sa isa’t-isa at laging nagkakaintindihan sa lahat ng bagay kaya naiiwasan talaga nila ang away pero ngayon, talagang magkalayo sila ng upuan.   Mukhang malala ang pinag-awayan nila.   "Hey! Sigurado bang ayos lang na ilabas ng bahay itong si Aquary?" tanong ni Zheo Cray X. VanBueren, pinsan namin na anak nila Tito Krishina at Tita Zerhia. Kapatid din nya si Zarah Aquary na inaalalayan nyang makaupo. "Bilin ni Rhia at Klari na huwag muna siyang masyadong magbyahe lalo na kapag ganito kalayo."   Isang oras mahigit din ang byahe mula Hellion Residence hanggang sa kinatatayuan nitong building namin pero tingin ko, ayos lang iyon. Hindi naman ganoon kahina ang katawan ni Aquary kahit pa mas malala ang naging tama niya kung ikukumpara kay Zhairell.   "Huwag ka nang oa dyan, Cray. I’m fine though, medyo inaantok na ako." ani Zarah. "Pero ayoko pang matulog kaya dito muna ako. Anyway—" Bumaling siya sa akin. "Nasaan si Zhairell? Halos isang buwan na din kaming hindi nagkikita eh."   "Ahm, nasa kusina kasama sina Samara at Francess." sambit ko. "Well, ako na ang magso-sorry sa hindi nya pagpapakita sayo for a month."   "She’s still blaming herself?" tanong nya na tinanguan ko. "Hindi niya dapat sisihin ang sarili niya." Isa ito sa mga namana niya kay Tita Zerhia.   Ang pagiging maintindihin nya pero umaatake lang iyan kapag si Zhairell ang pinag-uusapan. Kahit kasi hindi sila masyadong nagkikita, dinaig pa ng tunay na magkapatid ang turing nila sa isa’t-isa.   Sila ang younger version ng samahan nila Tita Zerhia at Mommy.   "Nasaktan ka nang dahil sa kanya kaya asahan mo na’ng sisisihin niya ang sarili." ani Xerem. "Alam mo namang mas mahalaga ka pa kaysa sa dalawa ugok niyang kapatid."   "Hay nako naman." Napailing-iling nalang sya. "Pakitawag nga ang babaeng iyon para masabunutan ko."   "Chill ka lang, Aquary." Tinabihan sya ni Crescent at inakbayan. "Hindi si Kheina ang dapat mong sabunutan. Ayon oh." Itinuro nito si Mairon na tahimik na umiinom ng alak sa tabi. "At iyong mga phsyco bitches na may gawa nyan sa inyo."   "Don’t worry, Moon. I know what to do." nakangisi nitong sabi. "Nagpapagaling lang ako pero hindi ako mananahimik sa nangyaring ito."   Nalintikan na. Hindi talaga magandang inuubos ang pasensya ng kahit sinong babae sa barkada namin. Nagiging katulad sila ni Crescent sa pagiging war freak.   "Hey guys."   Bumaling kami sa bagong dating at nakita namin ang magkakapatid na Alhena, Seiren at Ghento K. Dresden. Ang tiplets na anak nila Tito Dhairen at Tita Sento. Mga second cousin ko din sila.   "Nagkakagulo na." ani Seiren. "At nagwawala na sina Tita Emerald at Tita Aqua nang malaman nila ang lahat ng nangyari."   "Mabuti nalang, nakaalis kami bago dumating sina Mommy." dagdag ni Ghento. "Pero hindi natin matatapos ang gulo kung magtatago tayo."   "We’re not hiding, dude. We’re just avoiding their wrath." sabi ko. "At hindi biro iyon kung haharapin natin sila ngayong maiinit ang ulo nila."   "Sino ba kasi ang nagsabi kay Lola Diamond? Siguradong isa sa barkada iyon dahil tayo-tayo lang ang nakakaalam ng nangyari maliban pa doon sa mga bitches na talagang may gawa noon sa kambal na magpinsan." ani Alhena tsaka iginala ang tingin sa paligid. "Kulang pa pala tayo eh."   And on that cue, bumukas ang pintuan ng elevator kung saan bumungad ang iba pang barkada. Pero ang nakaagaw ng pansin namin ay si Heila na hawak ang likod ng kwelyo ni Rhailey Lex, ang panganay nila Tita Rameila at Tito Erhan.   Inis nya itong itinulak sa carpet. "Ayan. Iyan ang salarin kaya nalaman ni Lola Dia ang nangyari sa Twin cousin."   Pare-pareho kaming bumaling sa nakangiwing si Rhailey at agad niyang itinaas sa ere ang dalawa nyang kamay.   "Don’t look at me like that, mga dude." sabi niya. "Hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya. You all know that I’m sucks in lying at nakita agad iyon ni Lola kaya wala akong nagawa kundi magsalita or else, I will be experiencing worst than hell alone."   "Kaya dinamay mo kaming lahat para hindi ka nag-iisa sa worst than hell na iyan?" Gusto ko siyang sapakin pero tama kasi siya. Hindi talaga siya magaling magsinungaling.   Kasalanan nalang siguro namin na hinayaan namin syang sumama para sunduin ang mga Lolo at Lola namin.   "Huwag na kayong magalit." aniya. "Alam nyong hindi natin basta-basta maitatago nang matagal ang bagay na ito lalo na’t nagtataka na din si Tita Zerhia sa ikinikilos ni Aquary. At sa pagkakaalam ko, nagtatanong na din siya sa Fujiwara Hospital para sa medical records niya. Sadyang naunahan lang ni Lola Dia na malaman." dagdag pa nya.   "He’s right. Imposible talagang maitago natin iyon sa mga magulang natin. Natyempuhan lang talaga na si Lola ang unang nakapansin kaya nabunyag ng mas maaga sa inaasahan natin." Naupo si Heila sa tabi ko at kinuha ang hawak kong alak. "Let’s just enjoy our night at tsaka na natin problemahin ang galit ng mga magulang natin."   Iyon na nga lang ang ginawa namin. Nagpaka-relax ng sama-sama dahil kapag hinarap na namin ang problema, pare-pareho kaming kawawa.   One or two days lang, uuwi na din kami dahil mas lalo lang silang magagalit kapag mas nagtagal kami sa pagtatago namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD