CHAPTER 8: FRIENDS

472 Words
Habang naglalakad may biglang tumapik sa kaniyang balikat, nilingon niya naman agad ito, ang that was Danica. “ Gwapo.” Sabi nito. Dahil dito para siyang binuhosan ng malamig na tubig. ‘ Gwapo’ totoo naman, kaso parang lay sarap sa pakiramdam pakinggan pag nagmula sa kaharap na babae. “ Gwapo? Dapat Good morning ang sabihin mo.” Aniya. Sinapak siya nito sa balikat. “ Ayy sus, tumatanggi pa. Pero sege pagbibigyan kita. Good morning, Ace.” Ngumiti ito. Ouchh! This girl smiling again! Paano ba siya maka-iwas sa ganoong ngiti? Magdasal na lang ba pag-asa niya? Ohh no! Eighty eight percent na, malapit ng ma-full ang pagkasabik niya sa dating kaibigan. Kapag hindi niya talaga makayanan na pigilan, ito lang ang masisiguro niya, mayayakap talaga niya ang babae. Ilang sandali pa'y sabay silang pumasok sa silid-aralan at umupo. Siguro nama'y may professor na ang papasok upang maka-iwas siya sa mga ngiti nitong nakakatukso. “ Class, Sit down” Gumaan ang loob niya, mabuti't may professor na ang pumasok. Nagsi-upo ang lahat. Nagsimula naman kaagad ito sa pagtuturo. Habang nakikinig sa tinuturo, mas minabuti niyang huwag tumingin o ibaling ang pansin sa katabi, kasi mahirap! At saka na siguro niya ito papansinin pag makayanang nang pigilan ang bugso ng kaniyang damdamin para sa dating kaibigan. “Attention class, pag lunch time all of you can go home dahil lahat ng mga professor dadalo sa kasal ni Mrs. Santiago, I hope you already heard about that.” Tagubilin ng Professor bago lumabas sa silid. Napansin naman ni Ace ang mahigpit na paghawak ni Danica sa kaniyang braso kung kaya't napalingon siya rito at nakita naman niya ang ngiti niyong nanunukso. Agad niyang binawi ang braso, masaya ito kaya iniintondi niya. Maya-maya'y napansin niyang nagsisipagtayo na ang mga kasama sa silid habang siya mukahang walang alam sa nangyayari. Iniisturbo talaga ng katabi ang pansin niya, pero bakit hindi siya maka-angal? Palibhasa'y parang gusto niya ang katangian nito. “ Free ulit! Magdadasal talaga ako na palaging may ikakasal na mga guro para walang homework.” Kinindatan pa siya nito. Hindi siya galit, pati rin naman siya masaya.“ Simulan mo na ang pagdadasal na may ikakasal.” Gumanti siya ng pagkindat dito. Napatigil ang babae.“ Teka, nag-uusap tayo? Friend? Magka-ibigan na tayo?” Hindi makapaniwala nitong sunod-sunod na pagtatanong. “ Huh?” Tanging reaksiyon niya. “ Friends na tayo.” Paglilinaw nito. Tumango na lamang siy, gusto rin naman niya itong maging kaibigan lalo pa't gusto niya rin ang presensya nito. Nang uwian, sinalubong naman siya nga bagong kaibigan at inakbayan siya nito na umagaw attensiyon sa lahat. “ Bro, pre, partz, fren. Ano gusto mong tawagan? Fren gusto ko.” Agad na wika nito pag-akbay sa kanya. “ Kahit ano, hindi ako tututol.” Sagot niya sa tanong nito na sinuklian nito ng ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD