CHAPTER 7: YOU'RE SMILE IS VERY FAMILIAR

875 Words
Kinabukasan... Bumili si Ace ng sling or tie para sa ballpen. Ayaw niyang mawala ito. Nais niya ng kasiguradohan na hindi ito mawawala. Pagkatapos bumili, pumasok na siya sa gate ng paaralan. Isinuot niya ang ballpen at tinago sa loob ng uniform. Humakbang siya ng k'unti nang may biglang bumangga sa kanya. Napahinto siya at binalanse ang katawan para hindi matumba. " Sorry, nagmamadali lang." Paghingi nito ng pasensya. Nakayuko ito sa harap niya kaya hindi niya masyadong mamukhaan. Napatingin ito sa kaniyang bandang likuran kung kaya napalingon din siya. Nakita niya ang dalawang babaeng galit na galit habang nakatingin sa direksyon nila. Binalik ni Ace ang pansin sa katabi, tumakbo na ito. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad papuntang class B at hinayaang habulin ng dalawang babae ang nakabanggaan. Ano namang papel niya upang pigilan ang mga ito? Wala. Hindi naman niya kakilala niya iyon. Wala rin siya sa tamang lugar upang sumali sa gulo. Pagpasok niya sa silid-aralan, nakaupo na ang lahat. Nagtataka naman siyang umupo sa likuran ng lalaking kamag-aral niya. Kasunod naman niyang dumating ang kamag-aral na babae na katabi niya. Hindi umabot sa minuto, dumating ang kanilang professor na si Mr. Smith. Maayos naman lahat. Walang pasaway, walang problema. Few hours after.. Pagkatapos mananghalian ni Ace agad siyang pumasok sa kanilang silid-aralan. Ngayon, nag-aaral na siya ng mabuti dala ang inspirasyong nakatago sa kaniyang puso. " H*y*p ka! Inaaswang mo ang boyfriend ko!" Sigaw ng isang babae. Kararating lang ni Ace, may away na namang nagaganap. " Wait lang ha, hindi ko inaaswang ang boyfriend mo. Kung tutuusin siya ang nagtangkang mang-aswang. At kasalanan ko ba kung ako ang nais niyang aswangin?" Giit ng isa ring babae. Hinagod ng tingin ang kaaway. Umupo si Ace at katabi niya ang binibintangang nang-aswang. Akma sana niyang kukunin ang libro para mag-aral kaso naiingayan siya sa paligid. Dahil dito nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga upang kalmahin ang sarili. Para kasing gusto na niyang sumali sa away babae. " Malandi ka talaga!" Sigaw ulit ng babae. " Ikaw! Sinunod ko lang yapak mo! " Pang-aasar naman ng katabi ni Ace. Nang hindi na niya kinaya ang ingay sa loob ng silid at hindi na niya kinayang kalmahin ang sarili. Tumayo na si Ace at pumagitna sa mga ito. " Pwede bang bigyan natin ng katahimikan ang ating silid-aralan. Kung ayaw niyo doon kayo sa labas mag-away kasi nakakadisturbo! Nakakairita! At nakakagulo ng isip." Paki-usap niyang paliwanag sa mga ito. Tumahimik naman ang nag-aaway na parang naiintindihan ang sinasabi niya. Lumabas namang galit na galit ang hindi nila kamag-aral at naiwang malungkot ang isa. Umupo ito ng walang kagana-gana tsaka bumuntong-hininga. Tinungo naman ni Ace ang upuan at umupo. Kinuha niya ang libro at sinimulan ang pagbabasa. " Sorry." Paghingi ng tawad ng katabi. Tinigil niya ang pagbabasa at nakinig sa sinasabi nito. " I'm Danica, Ace ang pangalan mo diba?" Ani nito. Paano nito nalaman ang pangalan niya eh ngayon lang niya narinig ang boses nito na kausap siya at kapag tinatawag sila ng professor, apelyido naman ang ginagamit. " Hello? May kausap ba ako?" " Yes. I'm Ace, Ace Delgado." Sagot niya sa una nitong tanong. " Bakit galit iyon sa iyo? " Ang tinutukoy niya ay ang kaaway nito kanina lang. " Ewan ko ba. Hindi lang talaga kami magkasundo ng pinsan kong si Trissha. Kung tatanongin mo kung pinsan ko ba talaga siya? Yes, she's my cousin. Anak siya ng tito ko na kapatid ng daddy ko. Ewan ko rin kung bakit niya ako nagawang pagbintangan sa gawaing hindi ko kayang gawin. Wala kaya sa bokabularyo kung makisawsaw." Salaysay nito at napaharap sa kaniya na may guhit na ngiti sa labi. Natigilan si Ace. Pamilyar kasi sa kaniya ang ngiti nito. Ang babaeng katabi niya'y kahawig ang ngiti ni Lora. Parehong-pareho talaga. Ngunit ayaw niyang magreklamo. Ano naman kasi ang posisyon niya upang sabihin na wag itong itong ngumiti sa ganoong paraan? " Ace, nakatulog ka ba?" Tanong sa kaniya ni Danica upang magbalik siya sa reyalidad. Kanina pa pala siya nakatitig sa kaharap. “ Bakit kaya wala pa si Miss Cruz.” Pang-iiba niya ng usapan baka humantong pa sa pagtanong nito kung bakit ganon ang reaksiyon niya nang masilayan ang pag-ngiti nito. “ Ayy hindi ka updated? Ms Cruz turning to Mrs. Santiago. Kasal niya ngayon . So ibig sabihin, vacant natin. Walang professor na papasok.” Sagot naman nito. Kung sa ngiti pareho sina Lora at Danica pero sa pananalita, malayo-malayo ang dalawa. “ Guys were free! Walang Homework! ” Pagmamalaki ni Danica, tumayo rin ito pagsabi nitong iyon. Nagsi-tingan ang buong klase at nakita ni Ace ang kaiyahan sa mata ng mga ito. Well, inaamin niya na pati siya masaya. Maya-maya'y bumalik sa pagka-upo ang katabi at tumingin sa kaniya, “ Ohh diba? Ganyan talaga tayong mga estudyante.” Nang hindi siya umimik, nagtanong ito. “Haysst! Problema mo? Just smile.” Tinuro pa nito paano ngumiti. Ngumiti naman siya nang may pag-aalinlangan. Smile like Lora, kung paano ngumiti ang katabi, ganoon rin kung paano ngumiti ang kaibigan. Na-miss niya tuloy ang babae. Gustohin man niyang yakapin ang katabi upang maramdaman ang presensya ni Lora, bastos naman kung gagawin niya ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD