Few years after....
Abala si Ace sa pagiging estudyante sa kolehiyo. Ngunit kahit abala hindi pa rin niya makalimutan ang babaeng nagturo sa kanya ng mabuting pakikitungo sa iba at ang babaeng nakasilid na sa kanyang puso, si Lora.
Habang nasa kotse, inaalala pa rin niya ang panahon na nabubuhay pa ito. Minsan napapaisip siya, siguro kung hindi niya ginawa ang kalokohang iyon, siguro'y ngumingiti ito ngayon at kinakausap siya.
" Malayo ang iniisip? " Tanong ng drayber nila na si Diosdado.
Tumingin siya saglit sa harap bago muling dumungaw sa labas upang hindi mabasa nito ang kalungkutan sa kaniyang isip. Nang hindi niya ito sinagot, nagpatuloy na lang ito sa pagmamaneho.
Pagkarating nila sa bahay, ipinasok ng driver ang kotse sa gate at inihinto sa harden, doon kasi nais bumaba ni Ace. Pagbaba ng binata, muli iyong pinatakbo ng drayber.
Agad na pumasok si Ace sa loob, " Ma, I'm here." Walang kagana-gana niyang bati at matamlay na naupo sa sofa.
Lumabas naman ang mama niya na si Miranda galing kusina at tinabihan siya sa pag-upo. " Anak, napag-usapan namin ng papa mo na magbakasyon tayo, pansin kasi namin na palagi kang matamlay at walang gana. Anak, may problema ba? " Buong pag-alalang tanong ng ginang.
" Wala akong problema, Ma. Hindi ko kailangan ng bakasyon. Pagod lang ako. " Sagot naman niya rito.
Tinapik na lamang siya nito, " Ohh siya sege, magpahinga ka muna."
Tumango siya't pumunta sa silid. Pagpasok niya, nakaayos na lahat ang kaniyang mga gamit eh nong umalis siya kanina'y nakakalat lahat. Napansin din niyang may kulang. Wala na ang kaniyang mga lumang bag na ginamit niya noong highschool.
" Ma, nasaan ang mga lumang bag dito? " Patawag niyang tanong.
" Anong kulay? " Tanong nito. Maririnig pa kasi ang boses niya kasi hindi pa niya nasarado ang pinto nang agad na bumungad sa kaniya ang kalinisan ng kaniyang silid.
Dahil sa sagot nito, nabuo sa kaniya ang pagtataka. Puro naman itim ang mga bag niya maliban sa isa na naroon ang panulat ng namayapang kaibigan.
Agad niyang binuksan ang cabinet kung saan niya iyon itinago.
Narinig niyang may kumatok sa pinto ngunit hindi niya iyon pinansin palibhasa'y patuloy lang siya sa paghahalungkat ng gamit.
" Anong bag ba? " Patuloy na tanong ng mama niya.
" Yung kulay berde na may asul." Aniya't hindi tinitigil ang ginagawa.
" Ah iyon." Patango-tangong intindi ng ginang na nagpatigil sa kaniya't napalingon dito.
" Kinuha na ng truck." Dagdag nito.
Hindi niya inaasahan ang sagot na iyon. KINUHA NG TRUCK? Paano pa niya mababawi iyon?
Nais na sana niyang magalit sa ina ngunit kung iisipin wala itong alam tungkol sa panulat. Pinigilan na lang niyang magalit at maiinis dito.
" Anong oras? "
" Nung pag-alis mo." Agad na sagot nito ." Bakit mo naman tinatanong? Lumang-luma na iyon. Wala na yung halaga. "
" Wala ng halaga? Paano? Ma, importante iyon sa akin tapos walang halaga? " Walang preno niyang sita.
Nagulat naman ito. " Ohh sorry. Hindi ko kase alam."
Tumalikod siya sa ginang upang mapigilan ang galit na malapit nang lumabas sa laniyang loob at isip. Kahit anong oras baka mailabas niya iyon ng hindi inaasahan at maging dahilan pa ng away. Mas minabuti niyang umiwas sa ganoong sitwasyon. Ang kailangan niyang unahin ay ang panulat na roon din nakalagay ang sulat ng kaibigan.
Hinanap niya ulit iyon, nagbabasakaling mahanap ang hinahanap na pinaghuhugutan niya ng inspirasyon at pag-asa. At kung tuluyang hindi na niya iyon mahanap malaking bagay ang mawawala sa buhay niya.
" Ballpen I will find you." Sabi niya sa isip niya habang kinakalat ang mga gamit.
" Pero bago tinapon ang mga bag may nakapa ako, panulat." Wika nito.
Napatigil siya't muling napaharap sa ina.
" Heto." Inabot nito sa kaniyang ang panulat at kumpirmadong kay Lora iyon.
Dali-daling kinuha iyon ni Ace na may kasamang pananabik. Ayaw niyang mawalan ng inspirasyon, lalo na't mas mahalaga pa iyon sa mahal na ginto. Importanteng-importante iyon sa kaniya dahil kung sakaling magkakaroon na ng pamilya, hindi pa rin niya kakalimutan na may kaibigan siyang mahalaga.
" Alam kong mahalaga iyon sa iyo. Tungkol iyan kay Lora na kaibigan mo. Kaya kinuha ko iyan bago ko tinapon ang bag. " Ani ng ginang na sinamahan pa ng matamis na ngiti.
Yumakap si Ace sa ina bilang pasasalamat at dahil nalaman pa nito kung anong bagay ang nagpapasaya sa kaniya.