( One month after )
Pansin na pansin ng lahat ang pagbabago sa pangangatawan ni Lora. Lalo itong pumayat. Pero iniisip nila na baka nag-skip lang ng breakfast.
Maraming nagtaka at nagtanong na rito isa na roon si Ace. Lumapit si Ace kay Lora at napaupo sa harapan nito.
" May problema ba?" Pag-aalalang tanong niya sa kaibigan. Pero wala itong naisagot sa kanya.
Hanggang sa napaiyak na ito. Kaya muli niya itong tinanong, " Bakit ka umiiyak? May problema ba ? " Malapit na rin siyang mapaluha habang nakatingin sa sitwasyon nito. Lalo't kitang-kita niya sa mga mata ng kaibigan ang kalungkutan.
Nagslow-mo lahat at kung papaano magsilaglagan ang butil-butil nitong luhang nag-uunahan pababa sa pisngi nito. Hindi naman nag-aalinlangang punasan iyon ni Ace gamit ang kanyang palad.
" Wala." Kahit pansin na umiiyak nakuha pa rin nitong ngumiti kahit na mapait.
Dahil sa sagot nitong iyon nagawa ni Ace na magtanong ng binata," Anong wala? Lora umiiyak ka. Ang lungkot-lungkot ng mga mata mo. Tapos ang isasagot mo sa akin ay wala? " Aniya't di mapigilang mapaluha sa harap nito.
Nagsalita si Deeza na may luha na rin sa mga mata, " Ace, bigyan mo muna siya ng espasyo. Ipaiyak muna natin sa kanya ang bigat ng kanyang damdamin ngayon upang sa ganoo'y masagot niya tayo ng diretso.
Naintindihan naman ni Ace ang pinapahiwatig ni Deeza, kaya kahit labag sa loob tumayo siya't bumalik sa kaniyang upuan.
~~~
Hinimas-himas ni Deeza ang likod ng kaibiganupang tumahan ito. Pero baliktad ang nangyari, lalo lamang itong umiyak.
" Salamat." Sabi nito
"Lora kung hindi kita naiintindihan, hindi ako magdadalawang- isip na ipaalam sa lahat ang sitwasyon mo." Niyakap niya ito bilang pigil na rin sa kaniyang luha.
" Hindi ko kasi alam kung papaano sabihin sa kanila eh."
Niyakap niya muli ang kaibigan. Napatingin siya sa direksyon ni Ace, malungkot itong nakatingin din sa kanila.
( Three Months After )
Nalaman nalang nila ang tunay na nangyari kay Lora. Nalungkot sila sa nalaman.
Bumisita kasi ang Mommy at Daddy ni Lora sa paaralan para pasalamatan ang mga kaklase at kaibigang nagpapasaya sa anak nila.
Nagkasakit si Lora, iyon ang dahilan sa kaniyang biglaang pagkawala. Nagulat ang lahat. Hindi nilang inaasahang mangyayari iyon sa butihing kaibigan.
Silang lahat bumisita sa puntod ng kaibigan.
" Ang daya mo naman, bakit hindi mo sinabi sa amin ang kalagayan mo?" Umiiyak na tanong ni Ace habang nakatingin sa lapida ng kaibigan. Umuwi na rin kasi ang ibang kaibigan kung kaya may time siya para magluksa.
" Kasi nga alam niyang masasaktan ka, tayo. At alam niyang pipilitin natin siyang lumaban eh ang totoo'y nais na niyang magpahinga. "
Nilingon niya ang sumagot, si Deeza. Papalapit ito sa puntod ng kaibigan.
" Pero sana--," Ang balak na pagprotesta ni Ace ay hindi naituloy nang muli itong magsalita
" Isipin mo, isang iglap nawala si Lora. Isang beses lang tayong magluluksa. Tandaan mo Ace, mabait si Lora, ayaw niyang may masaktan."
Yumakap bigla si Ace sa dalaga. Iniyak ang lahat, bago naisipang umalis.
Nang maiwan mag-isa si Deeza. Bago umalis napatingin siya sa kawalan.
" Bye, Lora. Sa muli nating pagkikita." Aniya.
Para sa kanya, biglaan man ang pag-alis ng kaibigan at nagawa nitong masaktan ng lubos ang binatang si Ace, alam niyang pagdating ng tamang panahon, ang totoo ang babati sa kanilang lahat.