Lahat ng kamag-aral ayos na ayos mula ulo hanggang paa, makikita na espesyal na kaarawan ang pupuntahan.
Pinuntahan ni Ace si Jojo para bumati, " Happy Birthday, Jo."
" Salamat, Ace. But where-- " Hindi nito natuloy ang itatanong dahil sabay na dumating sina Susan, Deeza, at Aki . Pero nasaan si Lora?
" We're here! " Kimbot-kimbot na sambit ni Susan. "Happy Birthday, Jo" Umupo ito katabi ni Ace.
" Happy Birthday!" Bati ng dalawa pa at umupo na rin.
" Nasaan si Lora?" Unang tanong na naisatinig ni Ace nang magtakang hindi kasama ng mga ito ang isa nilang kaibigan.
Sumagot si Deeza," Nasa labas lang siya. Mas nauna lang kami sa pagpasok."
Tumango ang binata. Panay lingon ang ginawa niya kung may dadating. At sa paglingon-lingon niyang iyon nahagilap ng kangyang paningin si Lora. Kaagad siyang napatayo nang makita niya ito. Nakatingin ang lahat sa direksyon ni Lora. Sino ba naman kasi ang hindi mapatingin dito. Ang ganda niya, sobra. Dress lang ang suot nito pero kapag naabot ng liwanag mula sa mga lights, kumikinang. Idagdag pa ang mga jewelries na suot nito na bumabagay sa nakaponytails nitong buhok.
Hindi namamalayan ni Ace na nakalapit na sa direksiyon nila si Lora.
" Happy Birthday, Jojo." Bati agad nito kay Jojo. Umupo ito katabi ni Deeza. " Ace?"
Nabalot naman agad si Ace sa realidad." Ang ganda mo Lora." Aniya't naupo na rin subalit hindi pa rin inaaalis ang tingin sa babae.
" Salamat ." Kiming napangiti ito.
Nagusap-usap muna ang magkakaibigan bago sinimulan ang party. Enjoy na enjoy naman ang lahat.
~~~~
DALI-DALING tinungo ni Lora ang comfort room nang sumama ang pakiramdam. Hinubad niya kaagad ang mga jewelries, naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.
Pero agad din siyang nag-ayos nang mapansin ang pagkatok mula sa labas. Ni-lock kasi niya ito.
Nilapitan niya si Deeza.
" Ayos ka lang? " Tanong agad nito sa kanya. Hindi ito nakainom katulad niya.
" Ayos lang." Sagot niya rito. " Deeza, uuwi na ako. Pakisabi na lang kay Jojo at sa iba." Pagkasabi niyon ay hindi na siya naghintay pa na makatugon ito palibgasa'y tumakbo na siya paalis sa party.
Hindi naman nakaligtas iyon kay Ace. Tinungo niya si Deeza para tanungin.
" Saan papunta si Lora, deeza?"
Sumagot kaagad ang babae." Uuwi na raw siya. Hindi ko alam kung bakit." Ngumiti ito sa kanya. " Wag kang mag-aalala sa kaibigan natin." Tinapik siya nito bago ito pumunta kina Susan at Aki.
~~~
Kahit nahihilo, hindi pa rin tumigil sa katatakbo si Lora pauwi. Malapit-lapit lang din naman kasi ang bahay nila. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Saktong pagdating niya ng bahay , nahimatay siya sa labas ng kanilang gate.
Agad naman siyang nakita ng kasam-bahay nilang si Nina kaya nasalo siya nito bago pa man siya tuluyang bumagsak sa lupa.