Elaine's POV
The next day, since schedule ko sa school ay kami ni Beatriz ngayon ang magkasama. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch nang maalala ko bigla ang nangyari kagabi. Maybe I should ask Beatriz about her brother? Baka may alam siya.
"Beatriz, uhm. Is your brother in a relationship? May napakilala ba siya sa inyo or nabanggit na girlfriend?" I hesitantly asked.
"Why? Are you interested in that jerk?" she chuckled. Nanlaki naman ang mata ko.
"Hindi no! I don't like him. Mali kang inaakala." depensa ko. Natawa na lang siya.
"Sorry to bring your hopes down, Elaine. Bad news is meron siyang girlfriend. Another bad news is masama ugali." sabi niya. Bigla tuloy akong nacurious.
"Meron siyang girlfriend?" I asked.
"Yep. Chanel is the name. 90% b***h, 10% plastic. As in literal na plastic. Hahaha! Suki ng plastic surgery. Boob job, nose job. At kung ano pang maisip mong job."
"Matagal na sila?" tanong ko ulit.
"Hmm. I don't know. Baka nga. Kasi nakilala ko yung bruha na iyon six months ago. Ewan ko ba sa kapatid kong iyon if anong nakita sa bruha niyang girlfriend. I don't like her even a bit." sabi niya sabay inom sa juice niya.
So, matagal na palang may affair si Manon at Chanel? Naatim nilang lokohin si Ahl ng ganoon katagal? May puso ba sila? Tapos ang lakas pa ng loob niyang guluhin ulit si Ahl after what he did?
After school, sinundo na ako ni Ahl like what he always do. Nang makasakay ako sa sasakyan ay agad niya akong inabutan ng iced coffee.
"Thanks." sabi ko.
"I have a good news to you." sabi ni Ahl. Kaya bigla akong napalingon sa kaniya.
"Ano?" I asked while sipping my coffee.
"The boss told me na isama ka sa meeting tomorrow. She wants you to be part of the upcoming fashion show." sabi niya. Sa gulat ko ay muntik na akong masamid kaya natawa si Ahl.
"Seryoso ba? Bakit? Why so sudden?--I mean, newbie lang ako." sabi ko.
"You'll see tomorrow." nakangisi niyang sabi. I insist Ahl to tell me kung bakit bigla akong nasama sa project. Hindi naman sa ayaw ko. Nagulat lang talaga ako. Kasi wala pa naman akong napapatunayan so far.
-
Kinabukasan, nang matapos ako mag-ayos ay yung sketchbook ko agad ang hinanap ko. Pero wala ito sa bag ko or sa usual spot ko. Kaya tila nakaramdam ako ng kaba. I spent 2 months finishing all the designs na nandoon! Feeling ko hihimatayin yata ako kung hindi ko makikita iyon.
Lagi ko kasing dinadala iyon sa tuwing papasok ako sa office. Dahil iyon lang ang libangan ko kapag tapos ko na lahat ng duties ko kay Ahl. And yep, it's gone. My 2 months of hard work is gone.
Nang marinig ko na ang doorbell, hudyat na nandiyan na si Ahl para sunduin ako ay nag-give up na lang ako sa paghahanap. Baka naiwan ko sa table ko doon sa office kaya wala dito. Doon ko na lang siguro hahanapin. Sana lang talaga nandoon iyon.
Nang makarating kami sa office agad kong hinanap ang sketchbook ko sa drawers at shelves. Pero wala talaga. Hanggang sa ayain na ako ni Ahl sa meeting room. Naupo kami sa isa sa mga silya at hinintay ang iba na dumating. Nang dumating na si Madame ay nagsimula na din agad ang meeting.
"Good day everyone. So, as you all know. We have a fashion show coming that's why I called for a meeting." bungad ni Madame. And then inexplain niya yung theme and concept ng fashion show na mangyayari 2 months from now.
"We will have a collaboration with a famous luxury brand which is Dior. So, expect that this will be a big project for us." nang marinig ng iba ang famous brand ay tila naexcite sila. Well, honestly. Pati ako naexcite. Kahit na hindi ko pa din talaga alam bakit ako nandito ngayon. Ako lang yata ang newbie dito.
"Now, I called a meeting because I want to show you all some designs that caught my attention. And I think it would be suitable for the upcoming fashion show." sabi ni Madame sabay nakangiting tumingin sa akin. Pagkabukas niya ng projector ay tumambad sa amin ang mga designs ko. Ang lahat ay nagulat kasama ako. Literal na napanganga ako as in. Parang kanina lang hinahanap ko yung sketchbook ko and now pinepresent na ni Madame ang designs ko sa team. Omg! Paanong napunta kay Madame iyon?
Napalingon naman ako ng dahan-dahan kay Ahl nang mapagtanto na maaaring siya ang may kagagawan. At oo. Tama nga ako. Kasi nakangisi siya sa akin ngayon saka nagpeace sign.
"What an amazing designs right? Very suitable for our theme and concept." sabi ni Madame. Nag-agree ang lahat.
"Well, the person behind these amazing designs are no other than Elaine Marteja!" sabi ni Madame kaya napatingin ang lahat sa akin at napapalakpak. Naramdaman ko bigla ang pag-init ng pisngi ko sa natanggap na papuri.
"T-Thank you..." nauutal kong sagot sa kanilang lahat at napayuko. I didn't expect na mapapansin nila ang gawa ko.
-
After the meeting ay kinausap ako ni Madame kaya naiwan kaming dalawa sa meeting room.
"Elaine, good job on the designs. Pinahanga mo ako sa skills mo. I didn't know na may talent ka talaga. Well, I guess tama lang na tinanggap kita dito gaya ng sabi nila Jilniana at Cyleen." sabi ni Madame.
"T-Thank you, Madame. It was a pleasure." sagot ko.
"Now that you're part of the team, I hope mas maipakita mo pa sa akin ang kakahayahan mo. Coz I'm gonna include you to the department of fashion designers." nakangiti niyang sabi saka tinap ang balikat ko. Nang makaalis si Madame ay bumalik na din ako agad sa office ni Ahl.
"Ikaw. Ikaw ang kumuha ng sketch book ko." bungad na sabi ko sa kaniya.
"Sorry okay? I just want to surprise you." nakangising sabi niya. Well, nasurprise nga ako.
"Why did you show it to, Madame?" I asked.
"Hmm. Narinig ko kasi na she needed a design sketches asap. Well, since yung designs mo ay saktong-sakto sa theme at concept ng fashion show ay nagdecide akong ipakita iyon kay Madame. Hanggang sa iyon, nagustuhan niya ang designs mo and decided to include it in the fashion show. Aren't you happy? Your designs are included in the fashion show. Not just a fashion show, but a fashion show with a collaboration with Dior." paliwanag ni Ahl.
"Thank you Ahl for your effort. Na-overwhelmed lang ako. Kasi sa tingin ko parang di pa ako ganoon kaexperience para mainclude ang designs ko sa isang malaking fashion show compared sa mga existing fashion designers ng company na halos ilang taon nang bihasa. Lalo na that Madame instructed me to join her fashion designers." paliwanag ko. Lumapit naman sa akin si Ahl at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. Tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata ko.
"Elaine, don't be too hard on yourself. Kilala mo si Madame. She didn't just do it without any reason. Saka kung basta-basta lang iyang designs mo, hindi niya iiinclude iyon sa fashion show lalo na't malaking fashion show ito. She included it because your designs passed her standards. Madame has high standards, and you know that." he chuckled.
"Just relax okay? Be proud kasi 2 months ka pa lang dito eh malaki na ang naiambag mo." dagdag niya.
"Natatakot ako na baka magkamali ako, Ahl. Baka may magawa akong kapalpakan and ruined something. Baka maging hindrance lang ako sa fashion show." nag-aalala ko pa ding sabi. Ewan ko ba, nang maalukan akong opporunity bigla akong nagkaroon ng doubt sa sarili ko. This is my first milestone, and I'm afraid that I'm gonna ruin it.
"Don't be. Wag ka mag-alala. I'm gonna be with you through the process. I'll guide you." sagot niya. Napangiti na lang ako.
"Thanks Ahl for everything." sagot ko and I really mean it. Ano na lang mangyayari sa akin kung wala si Ahl sa tabi ko?
Nalaman ko na next week ay magsisimula na ang preparation for the fashion show. Somehow ang kaba na nararamdaman ko kanina ay nawala at napalitan ng determinasyon.
-
The next week ay naging busy nga buong team para sa preparation sa fashion show. Nung una akala ko ay maiintimidate ako sa mga fashion designers when I joined them, but they all give me a warm welcome kaya feeling ko ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Pinuri din nila ang designs ko. Na although kakapasok ko pa lang daw sa fashion industry ay nagkaroon agad ako ng contribution dito.
I'm so happy working with them. We all planned the compositions of my designs like what kind of fabric we're going to use and how should we make it. At masasabi ko talaga na naeexcite ako na magawa namin ito. Hindi ko kasi maimagine na ngayon na agad yung time na makikita ko ang designs ko sa runway plus with collaboration pa sa Dior brand.
After we made the first three of my designs, I was astonished. Hindi ko ineexpect na ganito magiging kaganda ang designs ko in actual. Ngayon, ramdam ko na talaga na unti-unti ko nang narereach ang pangarap ko.
"Wow." bungad ni Ahl nang pumasok ito sa room. Nakatitig siya ngayon sa dresses na nakasuot sa mannequin. I smiled at him.
"Great dresses, Elaine. You never ceases to amaze me." sabi niya saka inabot sa akin ang iced coffee. Agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat. We both sipped coffee while looking at the dresses.
"Well, hindi ko magagawa yan without the help of the team. Kaya I won't take all the credit." sabi ko. Which is true. Hindi pa ako ganoon kabihasa sa pagtahi ng mga damit. Kaya more on ang team ang naggawa ng dresses. Tumulong lang ako sa mga small details and just watched them do it.
"1 month to go before the fashion show. With these design of yours. I'm sure we're going to nail it." he winked. Napangiti na lang ako.
Ma, Pa. I hope you're proud of me.