1: Bonjour
Elaine's POV
Napangiti na lang ako nang mabasa sa cellphone ko ang acceptance letter na natanggap ko galing sa school na pinag-apply'an ko ng scholarship.
"Okay, Elaine. Ito na. Makakapunta ka na sa France. Ang pinapangarap mo." sabi ko sa sarili ko. Matagal ko ng binabalak mag-aral doon dahil gusto kong tuparin doon ang pangarap kong maging BDes. Which is Bachelor of Design in Fashion and Apparel Design. Pangarap kong makapag-aral ng ganon sa France dahil alam kong doon mas malilinang ang kakayahan ko.
Kung nabubuhay pa siguro si Mama, tiyak na matutuwa siya. Siya ang inspirasyon ko para dito. Kung sana nabubuhay pa siya maipagmamalaki ko ito sa kaniya. Na matutupad na ang pangarap niya para sa akin. Pero wala na siya. Kaya ako na lang talaga ang aalalay sa sarili ko. May tiyahin nga ako, pero ni hindi naman ako halos tinuring na kamag-anak. Kaya wala na talaga akong aasahan pa. Sa scholarship lang ako nakakapag-aral at sa pagssideline sa mga fastfood para may pangbuhay ako sa sarili ko.
At dahil hinihiling na akong pumunta sa France ng school na pinag-apply'an ko ay inayos ko na agad ang mga papeles ko kinabukasan pa lang. Tinulungan ako ni Cyleen sa pag-aasikaso ng mga documents na kakailanganin ko. Nagpatulong kasi ako sa kaniya dahil ngayon lang ako aalis ng bansa at wala akong kaalam-alam. Eh siya kasi nanggaling na siya doon. But now, she's staying here for good. She's staying for Gian na lubos kong ikinatuwa.
Napangiti na lang ako nang makita ang picture frame sa side table ko na picture namin ni Gian. Agad ko itong nilagay sa maleta ko kasama ng mga gamit ko. Kahit na alam kong hindi kami para sa isa't-isa, naging parte din siya ng buhay ko kahit papaano. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya. Kasi magmula nang nakilala ko si Gian, naramdaman ko kahit papaano na hindi ako nag-iisa. At masaya ako na masaya na siya ngayon sa piling ni Cyleen. Ang babae'ng mahal niya talaga.
Gian is my ex boyfriend. Pero hindi naman kami halos naging romantically attached to each other. Siguro ako lang? Oo nga minahal ko siya. Pinilit kong mapalapit sa kaniya kasi highschool pa lang talaga crush ko na siya. Pero hindi niya ako pinapansin nung una. Napansin niya lang ako nito lang nung malaman kong umalis si Cyleen. I saw how devastated he was. Kaya iyon, I cheered him up. Hanggang sa maging close kami at maging magkaibigan. Nagulat na lang ako isang araw inalok niya akong maging girlfriend niya.
I knew he didn't mean it. That time na tinanong niya akong maging girlfriend niya, alam ko una pa lang na wala siyang feelings sa akin. I know he's just hurt. He wants to forget. Gusto niyang makalimot from Cyleen, her true love. Kaya niya ako naisipang tanungin na maging girlfriend niya. Pero kahit ganon, pumayag ako. Pumayag ako kasi gusto ko siyang tulungan. He was my first love after all. Sabihin na nating naging panakip butas nga ako. But I'm glad that I made purpose.
Tinulungan ko siyang kalimutan si Cyleen at inaamin kong umasa ako na baka magustuhan niya din ako. I was desperate, inaamin ko. Pero masisisi niyo ba ako? Lumaki akong mag-isa sa buhay. And I am craving for someone. Someone's attention. Pathetic na kung pathetic. Totoo naman eh. Kahit ako naaawa sa sarili ko. Na pati pagmamahal ng iba nililimos ko. It's just that...my life has been lonely magmula nang mawala ang parents ko. Na hanggang ngayon nangungulila pa din ako. Kahit na limang taon na ang lumipas.
But yeah, that's life. Gian is happy now. At masaya ako para sa kaniya. Kahit na alam kong hindi na ako ang makakapagpasaya sa kaniya. Cyleen is a fine woman. She never treated me as an enemy. Kahit na naging girlfriend ako ni Gian. Naging mabait siya sa akin. Kaya sinuklian ko na lang din siya ng kabaitan. She never hated me, at ganon din ako sa kaniya. How can I hate the girl who makes my man happy? Well, they were destined naman talaga in the first place. Isa lang akong saling pusa na nakisawsaw sa kanila. Hahaha! Pero okay naman ako. Atleast, I met them. I can finally count someone in my life.
_
Huminto ako saglit saka lumingon kay Gian at Cyleen na nakamasid sa akin ngayon. Nagpresinta kasi si Gian na ihatid ako sa airport kasama si Leen.
Ayoko na nga sana eh kasi kauuwi lang nila galing Ilocos pero nagpumilit talaga sila kaya wala na akong nagawa pa.
"Thank you guys." bungad ko sa kanila. Binigyan ako ni Cyleen ng isang ngiti at saka niyakap kaya napangiti na lang din ako at niyakap siya pabalik. Pagkakalas ni Leen sa yakap ay humarap ulit siya sa akin.
"I already talked to Ahl. Siya ang susundo sa iyo doon sa airport. Siya din ang maghahatid sa iyo sa condo. Don't worry, I told him to help you kapag kailangan mo ng tulong." sabi ni Leen.
"Thanks, Leen." sagot ko saka bumaling kay Gian na nakatitig lang sa akin ngayon.
"Promise me you'll reach your dreams and find your own happiness, Elaine." sabi niya sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti saka tumango bilang sagot. Napangiti na lang si Gian dahil doon. Kaya nga nagpaalam na ako sa kanila at tinahak ang daan papasok sa loob ng airport.
Nang makasakay ako sa loob ng eroplano ay napangiti na lang ako. This is my first time. At inaamin kong naeexcite ako. Naeexcite ako sa buhay na kakaharapin ko doon sa France. Medyo nakakaba pero kakayanin ko. Kakayanin ko para sa pangarap ko.
Sa sobrang excited ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Nang makababa ako ng eroplano at makarating sa Airport Charles de Gaulle ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa paligid ko. Lalo na't ibang tao na ang nakakasalamuha ko. Ibang lenggwahe na din ang naririnig ko. Pero pinigilan ko muna ang excitement ko sandali at hinanap sa paligid si Ahl. Ang kaibigan ni Leen.
I already met him before. He's nice kaya magaan ang loob ko sa kaniya. Kaya pumayag din ako sa gusto ni Cyleen na kay Ahl magpatulong. Siya ang susundo sa akin ngayon dito sa airport. Siya din ang maghahatid sa akin sa apartment kung saan ako tutuloy. Pinahiram muna sa akin ni Cyleen ang apartment niya para may matuluyan ako dito sa France. Ang apartment kasing tinutuluyan niya noon ay may iba ng nakatira. Ang agency daw kasi ang nagpatuloy sa kaniya doon sa apartment na iyon dahil pag-aari ng Boss niya. At binibigay talaga sa mga models ng agency. But since hindi na siya nagttrabaho sa agency ay wala na din siyang rights tumira doon. Nagquit kasi siya para makapagstay na talaga siya sa Pinas for good.
She paid for the extra fees sa apartment para pagdating ko doon ay ayos na lahat. Kahit na nag-insist akong wag na. Balak ko kasi sana na maghanap na lang kahit maliit na apartment kaso ang sabi niya mas maganda daw na magstay ako sa kaparehas na building kung saan nag-iistay si Ahl. Para daw kapag may kailangan ako ay madali akong makakahingi ng tulong kay Ahl. Si Ahl kasi ang kaibigan niya na nakilala niya nung nandito pa siya sa France. Ito ang nag-alok sa kaniyang pumasok sa agency as model. At ngayon, siya naman ang tutulong sa akin dito ngayon sa France. Mag-papart time job din kasi ako sa agency nila para magkaroon ng extra income at magkaroon na din ng kaalaman tungkol sa fashion industry. Nagttrabaho kasi ang kaibigan niyang si Ahl doon as Fashion Merchandiser kaya iyon madali akong naipasok doon as part-timer.
"Vous voilà, Elaine." rinig kong tawag mula sa likuran ko ng isang pamilyar na boses. Nang lumingon ako ay napangiti ako nang makita si Ahl. Nakita ko pa ang placard na dala niya na may nakalagay na pangalan ko kaya natawa ako.
"Bienvenue en France!" masaya niyang sabi kaya napangiti na lang ako kahit na hindi ko naintindihan. Although we're not that close ay hindi ako nakaramdam ng awkwardness towards him. Because of his jolly personality ay hindi ka talaga makakaramdam ng awkwardness around him. He loves to break the ice na ipinapapasalamat ko kasi I'm not a conversation starter.
"Let's go?" he asked. Tumango na lang ako as respond kaya nga agad niya ng kinuha ang maleta ko at tinahak ang daan palabas ng airport. Sinundan ko na lang siya hanggang sa sumakay kami sa isang sasakyan.
"I have the key in your apartment. Here it is." sabi ni Ahl sabay abot sa akin ng isang key card na agad ko namang kinuha.
"Thanks. But it's not mine. Kay Cyleen iyon remember." sagot ko.
"I know. But since you're the one who's staying in that apartment for four years, I think counted yon to say that it's yours. Right?" sagot niya saka ngumiti na lang at saka inistart na ang sasakyan at umalis na doon sa airport. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang bawat daan na tinatahak namin.
"Ang ganda dito." sabi ko habang pinagmamasdan ang bawat lugar na nadadaanan namin.
"Yeah. Don't worry, I'll give you a tour tomorrow. Pero bilin sa akin ni Cyleen na hayaan ka munang magpahinga ngayon dahil pagod ka sa byahe." sabi ni Ahl. Bigla tuloy akong naexcite sa sinabi niya.
It was half an hour ride bago kami nakarating sa tapat ng isang gusali. Nang ihinto ni Ahl ang sasakyan niya ay agad na din akong bumaba at pinagmasdan lang ang paligid. Napangiti na lang ako ulit sa ganda ng paligid. Dahil ang mismong lokasyon ng apartment ay katapat mismo ang Ourcq Canal.
Nang makapasok kami sa loob ng apartment ay nagtungo kami sa ikatlong palapag. Huminto kami sa tapat ng pinto na may nakalagay na number 25.
"Okay, now see the magic." he chuckled kaya nga agad kong dinukot ang key card sa bulsa ko at tinap doon sa censor. Saka biglang tumunog ang lock. Kaya nga agad nang binuksan ni Ahl ang pinto at nauna nang pumasok sa loob dala ang maleta ko. Nang sundan ko siya sa loob ay hindi matigil ang ulo ko kakatingin at obserba sa buong paligid.
Sakto lang ang laki ng kwarto. May higaan, living room, L-shaped kitchen layout, at maliit na dining table with two chairs. Sa sulok ay may pinto kaya tinignan ko ito. Tumambad sa akin ang isang bathtub at toilet saka sink. Napangiti na lang ako sa ganda ng room. Pero babayaran ko din ito kay Cyleen. Sa katunayan nga eh ayaw niyang pabayaran sa akin ang stay ko dito. Pero sabi ko hindi ko ito matatanggap kung hindi niya ipapaupa sa akin. Kaya pumayag na lang siya sa gusto ko. Nakakahiya naman kasi na tumira ako dito ng libre halata namang hindi mura ang presyo nito. Nakakahiya nga eh. Kaya gagawan ko na lang ng paraan para mabayaran sa kaniya agad ang stay ko dito.
"So, iyon. Kumpleto na lahat dito. Napaggrocery na kita good for one week kaya hindi mo na kailangan mamili sa labas. And kapag may kailangan ka, wag kang mahihiyang kumatok sa room ko. Room 30 lang ako." sabi ni Ahl kaya napatingin ako sa kaniya.
"Salamat sa inyo ni Leen. Wag kayo mag-alala babayaran ko kayo kapag nakasahod na ako sa part-time ko." sabi ko at naupo sa sofa para testingin kung malambot ito.
"You don't need to pay us, Elaine. But since you insist, you can just pay me by doing a little favor." sabi niya.
"Sige. Ano bang favor? Kahit ano."
"Cook a tuna casserole for me." nakangiting sabi ni Ahl. Napangiti na lang ako nang maalala na minsan ko ng pinatikim sa kaniya ang tuna casserole na luto ko. Favorite din kasi iyon ni Gian kaya inaral ko talagang lutuin. I didn't know na mahihilig din pala si Ahl doon? Hahaha!
"Okay, sure no problem." sagot ko kaya lalong lumaki ang ngiti niya.
"Okay thanks. Sa ngayon hahayaan muna kitang magpahinga. Tomorrow I'll give you a tour around here para maging mas pamilyar ka sa lugar. Then the next day after tomorrow, I will bring you to the agency para ipakilala ka sa boss namin. So that you can start working immediately." bilin ni Ahl. Tumango na lang ako as a respond sa kaniya.
"Okay then. See you." sabi niya at lumabas na ng room ko. Kaya nga agad kong hinubad ang suot kong cardigan at slingbag. Binuksan ko na din ang maleta ko at isa-isa ng nilagay ang mga damit ko sa loob ng cabinet. Habang nag-aayos ako ay nakita ko ang picture frame na dinala ko. Nakangiti ko itong inilapag sa may sidetable ng kama.
Hindi man ako ang ginusto niyang makasama hanggang dulo ay meron pa din siyang espesyal na lugar dito sa puso ko. Alam kong nasaktan niya ako pero hindi ko siya sinumbatan. Dahil una pa lang naman ay choice ko na iyon. Aware na ako sa pinasok ko. Kaya hindi ko magagawang magalit sa kaniya. Thankful na lang talaga ako na nagkaroon akong chance na maging parte din ng buhay niya. At masaya ako ngayong masaya na siya sa piling ni Cyleen. I'm really happy for them.
At ngayon, nandito naman ako sa France para ipursue naman ang aking pangarap. My own happiness. Natutuwa ako na dati ay iniimagine ko lang ito. Pero ngayon ay maaabot ko na siya. Konting sikap at paghihirap na lang, Elaine at mafufulfill mo na ang gusto ng parents mo sa iyo.