Elaine's POV
Nang magising ako kinabukasan ay agad akong naligo at nag-ayos. Tapos ay sinimulan ko nang iluto ang tuna casserole na nirerequest ni Ahl. Nagluto na din ako ng garlic bread para pang side dish doon sa pasta saka ito pinrepare sa isang tupperware. For sure maya-maya lang nandiyan na si Ahl. Ngayon kasi ang araw na mag-iikot kami dito sa France. At inaamin kong naeexcite talaga ako.
Nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell ay agad kong hinubad ang apron ko at nagtungo doon. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Ahl na nakashades na agad at nakaporma na din.
"Ready to go?" he asked. Tumango naman ako bilang sagot saka agad kinuha ang paperbag kung saan nakalagay ang tupperware na pinaglagyan ko ng pasta at garlic bread.
Nang bumukas ang elevator ay agad na kaming pumasok ni Ahl sa loob saka niya pinindot ang ground floor. Napatitig na lang ako sa paperbag na hawak ko. Ang awkward kasi. Parehas kami tahimik.
"So, do you have a bucketlist? The one I told you about bago ako umalis ng Pinas before?" bungad niya kaya napatingin ako sa kaniya. Bigla ko tuloy naalala yung time na sinabi niya nga iyon.
-
"Aalis ka?" I asked. Lumingon naman siya sa akin.
"Yep. Babalik na ako sa France. That's where I belong anyway. Kaya payo ko sa iyo, mamili ka na ng panyo mo. Kasi wala na ako para abutan ka lagi ng panyo kapag umiiyak ka." he chuckled. Pero parang bigla akong nalungkot.
"But before that. I have something to give you." sabi niya saka abot sa akin ng isang brown envelope. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya pero para masagot ang tanong ko ay tinignan ko ang laman nito. Nang mabasa ko ang nakalagay sa papel ay gulat akong napatingin kay Ahl.
"You should try to apply in that scholarship. You want to go to France di ba? Now is the time to pursue your own happiness Elaine." nakangiti niyang sabi. Sa sobrang tuwa ko ay agad ko siyang niyakap.
"Thank you! Thank you, Ahl! I'll make sure na makakapasa ako dito. Thank you so much!" masaya kong sabi saka kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya.
"It's nothing. Para lang iyan sa pagpapasaya sa kaibigan kong si Cyleen. Kaya deserve mo ding maging masaya." sagot niya. Napangiti na lang akong napatitig sa application form ng scholarship sa isang Fashion Design school sa France. Sa totoong lang hindi birong makakuha ng application nito. Kasi bago ka makakuha ay kailangan mo munang makapasa sa interview. Tapos kapag nakapasa ka sa interview ay saka mo makukuha ang application form at ang test permit para makapag-exam ka. At once na makapasa ka ay makakatanggap ka ng full scholarship sa kanila. Wala ka ng iintindihin na bayad kundi ang stay mo doon.
"How did you get this?" masayang tanong ko. Hindi kasi ako nakapag apply nito para sa interview kaya hindi ako nagkaroon ng chance para sumubok.
"Well, let's just say that I have a batchmate from that school. Nanghingi lang ako ng konting pabor sa kaniya para lang makakuha niyan. Kaya make sure na ipapasa mo iyan. Kasi aasahan kita sa France." he chuckled saka inistart ang sasakyan niya.
"Yes! I promise. Gagawin ko ang best ko para makapasa dito nang hindi masayang ang effort mo!" masaya kong sabi.
"That's the spirit." nakangiti niyang sabi saka nagfocus na sa pagmamaneho. Masaya ko na lang tinitigan ang application form na hawak ko. Dahil ito na ang magiging kasagutan sa pangarap ko. Ang pangarap kong makapag-aral ng Fashion Design sa France. Thanks to Ahl. I owe him this opportunity.
"Once you get there to France, make sure that you already have a bucket list." sabi niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho.
"A bucket list?" I asked.
"Yes. Bucket list. Mga gusto mong puntahan at gawin doon sa France. 'Cause I'll make sure na magagawa natin ang lahat ng ililista mo sa bucket list mo."
"Really? You'll do that?" nakangiti kong tanong.
"Yeah. Why not?" he chuckled kaya bigla akong naexcite.
"Thank you." I muttered.
-
Napangiti ako nang maalala iyon. Ahl is the reason why I'm here. Kung hindi dahil sa tulong niya hindi ako magkakaroon ng chance na sumubok para sa scholarship ng Fashion Design School na papasukan ko ngayon. Kaya bukod kay Cyleen, malaki din ang utang na loob ko dito kay Ahl. Sobrang thankful ko talaga na nakilala ko sila.
"Are you laughing at my mole again?" tanong niya.
"Hindi. Hahaha! May naalala lang ako." sagot ko. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at nagtungo sa sasakyan niya.
"So, do you have a bucketlist?" tanong niya ulit.
"Actually hindi ako nakagawa eh. Pwede bang ngayon ko gawin? Bigyan mo lang ako ng ilang minuto." sabi ko.
"Okay then. Bago tayo umalis I'll give you time to think kung saan mo gustong pumunta. Tutal meron pa naman tayong ilang oras para mag-ikot." sabi niya kaya nga kinuha ko na sa slingbag ko ang notepad ko at ang ballpen ko. Saka nagsimula nang magsulat ng mga gusto kong gawin at puntahan.
Pinanood lang ako ni Ahl habang ginagawa ang bucketlist ko. Tapos nang mayari na ako ay tumuloy na kami sa unang gusto kong puntahan. Ang lugar na unang-una kong gustong makita. Ang eiffel tower. Well, kahit sino naman sigurong makatapak dito sa France eh eiffel tower agad hahanapin di ba? Hahaha!
_
Napangiti na lang ako habang nakatitig sa mataas na eiffel tower na nasa harap ko. Napaka breathtaking ng view. At halos hindi talaga ako makapaniwala na nandito ako ngayon. Na dati ay sa larawan ko lamang nakikita.
"Want me to take you a photo?" biglang tanong ni Ahl kaya napabaling ako sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang camera niya kaya automatiko akong napatango at agad pumwesto na nasa likod ang view ng eiffel tower. Humakbang naman siya ng ilang steps paatras saka iniready ang camera sa akin.
"Okay. One...two...three...smile!" sabi niya kaya nga pagkangiti ko ay siya namang pagtunog ng shutter. Kaya nga excited akong lumapit sa kaniya at tinignan ang photo na nagprint agad. Hinintay muna naming mag-appear ng tuluyan ang larawan bago namin ito tinignan.
"We should take a photo too you know? Hindi pwedeng ikaw lang. This is my camera after all." he chuckled. Natawa na lang ako saka akmang kukunin ang camera niya nang bigla niya itong ilayo sa akin.
"Bakit mo kukunin?" he asked.
"Di ba sabi mo picture'an din kita?" nagtataka kong tanong.
"Elaine. I said 'we' not me alone. And by that, I mean both of us. Kaya let me hold the camera." he chuckled. Napatango na lang ako ng marahan saka ngumiti na sa camera nang iangat niya na ito at itinapat sa aming dalawa.
"One...two...three! Smileee!" sabi niya sabay click ng button kaya agad ng nagcapture ang camera at tinignan niya na ang photo na lumabas sa camera.
"Don't worry I'll take a photo of you sa lahat ng lugar na pupuntahan natin sa bucket list mo. But for now, we should eat. I can smell the casserole in that bag you know?" he chuckled sabay tingin sa paperbag na hawak ko.
"Hahaha! Sige. Mabuti pa ngang kumain muna tayo." sabi ko tapos ay sinundan ko na si Ahl na dumiretso sa damuhan. Napatingin ako sa paligid at nakita ang ibang tao na nakaupo din sa damuhan habang nakatanaw sa harap ng fountains.
"Here. Let's sit." sabi ni Ahl. Nakita kong nilapag niya ang coat niya sa damuhan kaya naupo na ako doon at siya naman ay nag-indian sit sa harap ko habang inilalabas ko ang tupperware sa paperbag. Para siyang bata'ng halos kulang na lang ay mapapalakpak sa tuwa lalo na nang buksan ko ang tupperware at tumambad sa kaniya ang tuna casserole.
"Looks good, Elaine. You never failed on doing this." he smiled saka tinikman na ang pasta pagkaabot ko sa kaniya ng tinidor.
"Mmm! Délicieux!" bulalas niya kaya natawa ako. Kahit alam kong French iyon ay naintindihan ko pa din base sa reaksyon niya.
"Can I ask anong mga lugar ang gusto mong puntahan dito?" bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Secret muna sa ngayon. Kasi iyang bucket list parang wishlist. Eh hindi ba yung wish kapag sinabi hindi matutupad? Kaya iyon. Secret muna. Malalaman mo din kapag naisa-isa na natin sila." sabi ko. Napatango-tango na lang siya.
"Okay, okay copy boss. I understand." sagot niya kaya napangiti na lang ako at nagfocus na lang ulit sa pagkain.
Nang matapos kumain sa Ahl ay nahiga siya sa damuhan. Habang ako naman ay hindi pa tapos kumain. Mabagal kasi ako kumain sa totoo lang. Hahaha!
"Elaine. Bakit wala kang hinanakit kay Cyleen at Gian?" bigla niyang tanong kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya. Nakita kong nakapikit lang siya habang ang ulo niya ay nakasapo sa mga braso niya.
"Bakit naman ako magkakaroon ng hinanakit?" natatawa kong tanong sabay kagat sa garlic bread.
"Well, you love Gian. Gian loves Cyleen. Gian used you as a rebound. Then, when Cyleen entered the picture ay basta ka na lang iniwan. Hindi ka ba nagagalit? Not that I want you to be mad at them. I'm just curious kasi usually yung mga nasa posisyon mo, they'll be mad as hell. But you? Look at you. Parang walang nangyari." he chuckled. Medyo nagulat lang ako sa confrontation niya kasi masyadong straight to the point ang sinabi niya. Aaminin ko, medyo nahurt ako sa part na 'rebound'. Pero yeah, I guess truth hurts ika nga.
"Well, how should I suppose to react? Kailangan ko din bang magalit sa kanila dahil sa sinasabi mo nga eh 'usually' others will be mad as hell? Kailangan ko pa bang makisama sa usually na iyon if I can understand them naman?" sagot ko. "I mean, It's not necessary to get mad like others. Yes, I admit. Nasaktan ako sa ginawa sa akin ni Gian. Pero hindi ko hahayaang madaig ng galit ang buong pagkatao ko. Minahal ko din siya. At naging parte na din siya ng buhay ko. He even made me happy kahit na sandali lang. Kaya, why should I get mad instead of thanking him? Tell me Ahl. Should I get mad?" I asked seriously kasi hindi ko din alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Nakadilat na din si Ahl at nakatitig sa akin. Para siyang nabigla na ewan. Na kulang na lang ay mapanganga na siya.
"No. No. Please. Don't get mad." sabi niya na agad napaupo kaya napangisi na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"You're just unbelievable, Elaine. You amazed me. Ngayon lang ako nakakilala ng tao'ng tulad mo. A person who has a pure heart. That's rare sa panahon ngayon." he answered.
"I mean, bakit ako magagalit kung wala namang dapat ikagalit di ba? Hahaha! Hindi sa lahat ng pain eh susundan ng anger. Minsan acceptance and peace." sagot ko naman kaya napatango-tango siya.
"Saka, ang sabi ng Mama ko. Hangga't maaari, kung hindi naman dapat magalit eh wag magalit. Life is too short to be mad at everything. Kasi kapag nagtanim ka ng galit ikaw lang din ang magsusuffer. Kaya dapat irelease ang anger, and free yourself. Ganon lang. Walang matutulong ang galit." dagdag ko.
"So, you mean? You never felt anger in your entire existence? Are you even human?" he asked surprisingly kaya natawa ako.
"Ano ka ba? Syempre there are times na nakakaramdam din ako ng galit. Normal lang naman sa tao ang makaramdam ng galit. Ang sa akin lang. If you can control, control it. Kasi once na manaig ang galit, marami kang mabibitawan na pwede mong iregret sa dulo. Like words and decisions. And you can't take that back once na bitawan mo. Regret is my greatest fear." sabi ko.
"It's better to regret from doing it, Elaine. Instead of the regret of not doing it. Atleast, alam mo sa sarili mo na nagtry ka." sabi niya.
"So, you say na I should try to be mad at them?" I chuckled.
"Oh no no. What I mean is. If you want to be angry, be angry. Don't stop your feelings. Kasi once na maipon sa dibdib eh mabigat. Hindi naman kasi masamang magalit. It's natural for us humans to get mad. Wag lang sosobra kasi doon ka mawawalan ng kontrol." sagot niya. Napangiti na lang ako at sumang-ayon sa kaniya.
"Alam mo mukhang tama si Cyleen eh. Mukhang magkakasundo tayo Elaine. I like your perspective in life. Maybe you can help me someday." sabi niya at nahiga ulit. Pero this time ay nakatitig na siya sa kalangitan.
"Help you in what?" I asked.
"Uhm. Nevermind." he muttered saka ipinikit na ang mga mata niya. Napatitig na lang ako sa kaniya saka napatingala na lang din sa kalangitan. Napangiti na lang ako sa ganda nito lalo na nang maalala sila Mama at Papa.
My greatest fear is regret. Kasi hindi ko nasulit ang oras na kasama sila Mama. At ngayon ay nagsisisi ako na hindi ko pinahalagahan ang mga oras na nandito pa sila. But yeah, that's life. Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay tanggapin na wala na talaga sila at magpatuloy na lang sa buhay ko. Sa journey ko para maabot ang pangarap ko. Dahil iyon na lang ang tanging mapangbabawi ko sa kanila.
After sa eiffel tower ay nag-aya na din umuwi si Ahl. Hindi na kami nakapamasyal sa ibang lugar dahil daw biglang sumama ang pakiramdam niya kaya inintindi ko na lang. Tutal marami pa namang pwedeng araw na mag-ikot kami dito sa France. Saka bukas na niya kasi ako isasama sa agency para makilala ang boss nila kaya kailangan ko din ng energy.
Saktong pagkalabas ko ng banyo after maligo ay tumawag si Cyleen. Kaya nga agad ko itong sinagot. Kaya nga bumungad sa akin yung apat. Si Cyleen, Maddie, Louise at Andy. Agad silang kumaway sa akin sa screen nang makita ako kaya napangiti ako.
"Kamusta Elaine? Nagustuhan mo ba ang France?" bungad sa akin ni Cyleen.
"Yes. Sobra. Ang ganda dito. Thank you for helping me." sagot ko.
"It's nothing, Elaine. By the way, iginala ka ba ni Ahl kanina?"
"Ahh. Oo. Nagpunta kami sa eiffel tower." nakangiti kong sagot.
"Sa eiffel lang?" sabat ni Louise.
"Uhh, masama daw kasi pakiramdam ni Ahl kaya hinayaan ko na lang magpahinga." sagot ko.
"Really? Bakit naman kaya? Eh ka-videocall ko lang iyon kagabi. Nagbibiruan pa nga kami." sabi naman ni Cyleen.
"Iba naman kasi yung kinabukasan. Di naman natin masasabi." sagot ni Maddie.
"Sabagay.--Ayy, by the way Elaine. Bukas na nga pala ang first appearance mo sa agency no? Handa ka na ba?" tanong ni Leen.
"Well, I'm a little nervous actually." sagot ko.
"Don't worry si Ahl bahala sa iyo. Ibinilin na kita sa kaniya. Umiwas ka na lang sa mga models. You know? Most of them are--"
"--bitches." pagpuputol ni Louise sa sasabihin ni Cyleen kaya natawa kami lahat.
"Yes. Hahaha! Thanks sa tip. Don't worry I'll try my best to avoid them." sagot ko saka nakipagkwentuhan pa sa kanila sa ibang bagay bago tuluyan nang nagpaalam sa kanila.
Agad ko ding inayos ang isusuot ko para bukas. Which is squarepants at knitted top lang. Kasalukuyan kong inaayos ang slingbag kong dadalhin bukas nang maalala kong hindi pala ako nakapagdala ng napkin at baka bukas ay datnan na ako. Kaya nga agad akong lumabas ng room at nagtungo sa room 30. Agad kong pinindot ang doorbell pero walang Ahl na nagbukas sa akin kaya pinindot ko ulit ito ng isa pang beses. Nang tignan ko ang orasan ko ay nakita kong 10pm na ng gabi.
"Mukhang tulog na yata siya." I muttered. Naalala ko na masama nga pala ang pakiramdam niya at baka nagpapahinga na siya. I should not disturb him. Bukas ko na lang siguro sasabihin bago kami dumiretso sa agency.
Saktong paalis na ako nang biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang isang lalaki na mukhang nasa 6 foot ang tangkad.
"Besoin de quelque chose?" tanong nito sa isang baritono'ng boses ngunit hindi ko naman naintindihan ang sinabi dahil French ito. Ilang saglit lang ay sumilip si Ahl. Nanlaki ang mata niya nang makita ako.
"Manon, c'est la fille dont j'ai parlé." sabi nito sa lalaki. Dahilan para mapatango ito at tumitig sa akin mula ulo hanggang paa.
"D'accord, je vous laisse deux ici." sagot nung lalaki saka pumasok na sa loob. Kaya nabaling ang atensyon ko kay Ahl.
"Uhh...He's my boyfriend by the way. The one I told you before." sabi ni Ahl kaya nagulat ako. I didn't know na seryoso pala talaga siya before nung sinabi niyang may boyfriend siya. Hindi ako nakasagot. Bagkus ay tumango na lang ako bilang respond.
"Do you need anything?" he asked. His hair was wet. At tanging bathrobe lang ang suot niya sa harapan ko ngayon.
"Ahh. Oo. Kasi nakalimutan kong magdala ng napkin. Baka magkaroon na kasi ako bukas. I'm just wondering baka may alam kang malapit na bilihan dito?" tanong ko.
"Oh, shoot. Sorry. I forgot to bought one nung pinaggrocery kita. Kaya pala kako parang may nakalimutan ako. Napkin pala. Hahaha! Don't worry. Magbibihis lang ako tapos ako na lang ang lalabas para bilhan ka." sabi niya.
"Uhm. Pwede naman sigurong bukas na lang. Di ba masama pakiramdam mo? You should rest. Ako na lang ang bibili sa labas tutal akin naman iyon." sabi ko.
"No, Elaine. Ako na. Hahaha! Besides, mas pamilyar ako sa lugar na ito. Kaya ako na lang ang bibili okay?" sabi niya.
"Kaso nakakahiya naman na ikaw pa ang bibili para sa akin. Kaya ako na lang talaga. Sabihin mo lang kung saan. Baka pagtawanan ka pa kasi namimili kang napkin." pagpupumilit ko.
"Okay then. Nang magkasundo na tayo, sasamahan na lang kita mamili. Hintayin mo na lang ako sa unit mo. Magpapaalam muna ako kay Manon. Hahaha!" sabi niya kaya napatango na lang ako at naglakad na pabalik sa unit ko. So? Manon pala ang pangalan ng boyfriend ni Ahl. Now, I know.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Maybe, I disturbed them? Nakakahiya tuloy. Kaya malakas ang kabog ng dibdib ko eh. Kasi sa hiya. Ganito ako kapag nahihiya. Hays. Hindi ko naman kasi alam na nandoon pala ang boyfriend niya. At hindi ko din alam na may boyfriend nga talaga siya! Gosh. Bakit ka pa nga ba magugulat Elaine? Eh alam mo naman na bisexual siya.