16: Dance

2041 Words
Elaine's POV Ngayong araw na ang party. At mamayang ala sais siya gaganapin sa venue na napili ni Madame. At since parang kanang kamay na din ni Madame si Ahl, ay si Ahl ang nautusan niya na mag-asikaso sa venue. Kaya nga medyo malelate si Ahl. Kasalukuyan akong inaayusan ng pinadala ni Ahl na make up artist at hairstylist. Nakahanger na din ang gown na kanina lang pinadala nila Vik. It was a simple long red gown. Wala siyang kahit anong sequins or beads. Which is just my type. After akong ayusan ay tinulungan na din nila akong isuot ang gown ko. After that ay nagpasalamat na ako sa kanila bago sila umalis. Napatingin na lang ako sa repleksyon ko sa salamin saka napangiti. Halos di ko nakilala ang sarili ko dahil sa ayos nila. Hahaha! Naghintay ako ng halos isang oras bago ko narinig ang katok ni Ahl sa pinto ko. Kaya nga agad ko ng kinuha ang purse ko at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Ahl. Nakabihis na din siya at nakaayos. Suot niya ang midnight blue coat and pants na ginawa ni Vik. He's wearing a white longsleeves with a blue floral design as his inner. Tapos nakasuot siya ng sapatos na loafers. Napatitig na lang ako sa kaniya. Pero nang makita ko ang pagngisi niya ay agad akong nabalik sa wisyo. "Let's go?" he asked. Tumango na lang ako kaya sabay na kaming lumabas ng apartment at sumakay sa sasakyan niya. We are already 30 minutes late kaya for sure ay nagsimula na ang event. Nang makarating kami sa venue ay nilahad ni Ahl ang braso niya sa akin. Kaya nga kumapit ako doon hanggang sa makapasok kami sa loob. Sinalubong kami ng photographer na hinire ni Madame kaya ngumiti kami dito para sa picture. Sakto namang naabutan namin si Madame na nagsasalita sa harap. Natanaw niya kami bigla ni Ahl kaya minention niya kami. Since french language ang ginamit ni Madame ay hindi ko ito naintindihan. Ngumiti na lang ako sa mga palakpakan ng mga tao. Tapos non ay naupo na kami parehas ni Ahl sa isang table kasama ang ibang staffs. Nagkaroon ng konting kwentuhan tapos ay isa-isa na ding sinervan ng mga waiter ang bawat table ng pagkain at inumin. We're eating while watching some performers on stage. Naghire din kasi si Madame ng musicians to entertain us. Nagpatugtog ng nakakaengganyong kanta ang mga musicians kaya nagsimulang magsipuntahan ang iba sa dance floor para sumayaw. Inaya ako ni Ahl kaya parehas kaming pumunta sa dance floor at nakisaya sa iba. We're both laughing as we show each other our goofy dance moves. Until the music changes into a calming and romantic tune. Napatigil kami parehas ni Ahl sa pagsayaw. Nagsialisan ang iba. Pero nanatili ang iba na nagsslow dancing ngayon sa dance floor. Kaming dalawa na lang ang hindi sumasayaw pero nanatili pa din doon. Napatingin ako sa kaniya as he watch the others dancing. Aalis na sana ako para bumalik sa table nang bigla niyang inilahad ang kamay niya sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Can I have this dance?" he asked. Binigyan ko siya ng ngiti saka tinanggap ang kamay niya. Inilagay niya ang dalawang braso ko sa balikat niya saka niya hinawakan ang bewang ko. Sumabay kami sa agos ng musika. We are dancing slowly habang nakatitig sa mata ng isa't-isa. Nakangiti lang siya sa akin. Pero ako hindi ko magawang ngumiti dahil feeling ko ay natameme ako sa ginagawa namin ngayon. Hindi ko na makontrol ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I was captivated by his gaze kaya hindi ko alam saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko para sabayan ang bawat titig niya. Feeling ko ay unti-unting nawala ang mga tao sa paligid. Tanging si Ahl at ang musika na lang ang nasa isip ko. I was carried away by the moment kaya inalis ko ang mga braso ko sa balikat niya at niyakap siya sa bewang. I rest my head on his chest. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako as we continue to dance slowly. Napapikit na lang ako habang dinadama ang yakap niya. Napangiti na lang ako. I hope we can stay this way for more hours. Nang tumigil ang musika at mag-iba ulit ng tugtog ay ako na mismo ang kumalas sa yakap. Napatitig ako sa kaniya. Nakita ko ang hindi maipinta na ekspresyon niya. But I just gave him a smile saka bumalik na sa table namin. Nang makabalik na kami sa table ay sinalubong kami ni Madame. "You two. That was so romantic. Everyone is so jealous to the both of you." natatawang sabi ni Madame. Hindi na lang kami nakasagot ni Ahl. Doon ako bigla natauhan sa ginawa ko at nilamon ng hiya. Feeling ko ay namula ako sa sobrang kahihiyan kaya napainom na lang ako bigla ng tubig at nag-excuse muna sa kanila para pumunta sa restroom. Nang makapunta ako sa restroom ay agad kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Napapikit na lang ako ng mariin sa ginawa ko. Bakit ko ba ginawa iyon? Tsk. Ano ka ba Elaine? Gusto mo na naman bang ibalik yung pagiging awkward niyo ni Ahl sa isa't-isa?! Argh. Nacarried away kasi ako masyado dahil sa musika tapos sa titig niya sa akin. After ko magretouch ng konti ay lumabas na din ako agad ng restroom. Pero nagulat ako nang makita si Ahl na nakasandal sa dingding. Nang makita niya ako ay umayos na siya ng tayo saka lumapit sa akin. "You dropped your handkerchief. Baka kako kasi kailanganin mo." sabi niya kaya nga agad ko itong kinuha sa kaniya. "T-Thanks." sabi ko. Tapos ay sabay na kaming bumalik sa may table. After the party ay nagpaalam na din kami agad ni Ahl kay Madame tapos ay dumiretso na kami pabalik sa apartment. For sure kasi pagod na si Ahl since kaninang umaga pa siya nagwowork dahil sa venue. - Parehas kaming pinatawag ni Ahl sa office ni Madame ngayon kaya sabay na kaming pumunta ni Ahl doon. Nang makapunta kami doon ay kinausap niya ako regarding sa contract. Dahil natuwa siya sa akin sa naging resulta ng fashion show sa London ay inextend niya na ang contract ko. Ginawa niya na akong regular employee sa agency na lubos kong kinatuwa. Madame also offered me about sa living expenses na agad kong tinanggap. Hindi ko maipinta ang mukha ko sa sobrang saya dahil wala na akong pproblemahin pa. "Well, I also called Ahl for a reason." sabi ni Madame. "Remember the project that I told you Elaine?" tanong sa akin ni Madame. "Yes, madame. Yung luxury brand po." sabi ko. "Yes. At ang napili mong brand project ay mangyayari sa Tokyo. That's why I called Ahl. Since Ahl grew up in Japan, I know that It's a good idea if siya ang mag-aaccompany sa iyo doon while you're doing the project. Mas maganda na may kasama ka na pamilyar na doon sa Japan. And that's Ahl. I'm sure okay lang naman kay Ahl since girlfriend ka naman niya. Di ba Ahl?" pagkasabi ni Madame non ay napatingin ako kay Ahl. Napansin ko na tila nag-iba ang ekspresyon niya. "Uhm. Yes, Madame. Walang problema sa akin. Kailan po ba ang alis at gaano katagal kami mag-iistay doon?" Ahl asked. "Well, since photoshoot lang naman for the magazine ang gagawin ni Elaine na project. Baka mga 1-2 weeks lang ang stay niyo. If 1 week lang ang itatagal ng shoot, I will give you another 1 week to spend your time in Japan. Hindi ba't ilang taon mo nang hindi nabibisita ang parents mo Ahl? I think It's time for you to visit them." sabi ni Madame. Kaya napatingin ako kay Ahl. Doon ko lang naalala na half-japanese nga pala si Ahl at doon siya lumaki. Pero hindi ko alam bakit parang nag-iba lalo ang timpla ng mukha niyang nang marinig niya ang tungkol sa parents niya. Madame told us na next week na ang alis namin pa-Japan. Kaya nag-update agad ako kay Beatriz. Since madalang na ako nakakapasok ng school ay nanghihingi na lang ako ng handouts sa kaniya. Buti na lang at mabait si Beatriz at handa ako laging saluhin. Hahaha! Hindi ko alam kung anong bumabagabag kay Ahl pero buong byahe pauwi sa apartment ay tahimik siya. Tila malalim ang iniisip. Tinatanong ko siya kung anong problema pero lagi niyang sinasabi na wala. Kahit na alam ko namang meron. I didn't bother to ask him again kasi baka ayaw munang i-open up ni Ahl. Alam ko namang magsasabi siya sa akin once na okay na siya. Sa ngayon hahayaan ko muna siya. Pero hindi ko maialis sa sarili ko ang mag-alala para sa kaniya kaya I just showed him na nandito lang ako lagi para sa kaniya. Dahil sa sobrang curious ko ay nagchat ako kay Cyleen about sa nangyari. I told her about the upcoming project in Tokyo. And kung paano biglang nag-iba ang mood ni Ahl nang marinig ang about sa parents niya. Kinuwento sa akin ni Cyleen ang nangyari. Doon ko lang nalaman na ever since pala na pumunta si Ahl dito sa Paris ay matagal na itong hindi umuuwi sa Japan. Halos tinakwil na daw kasi si Ahl ng tatay niya after malaman nito na bisexual si Ahl at naging jowa si Manon. His father is a retired general. At si Ahl ang kaisa-isang anak kaya hindi nito matanggap ang pagiging bisexual ng anak. After I heard the story from Cyleen ay tila nakaramdam ako ng lungkot para kay Ahl. Hindi niya naman kasalanan na ganon siya pero pinapamukha sa kaniya ng tatay niya na kasalanan ang maging siya. Hindi ko alam kung paano natiis ng mga magulang ni Ahl na itakwil siya ng halos apat na taon. Hindi ba sila nag-aalala para sa kaisa-isa nilang anak? Lalo na't ang anak nila ay halos nasa kabilang panig ng mundo mula sa kanila? Kung ako iyon, I will accept my son whole-heartedly. Kahit ano pa man ang kasarian niya. As long as doon siya masaya. I will support him. Doon ko lang bigla naintindihan ang mga sinasabi sa akin ni Ahl before. Mga bagay na nakakapagpaalala sa parents niya. The words that he always say about being alone and being hated. Unti-unti ko siyang naintindihan. "Because I know how it feels..." "I know how it feels to be alone. I know how it feels to be hated by everybody." "Alam mo mukhang tama si Cyleen eh. Mukhang magkakasundo tayo Elaine. I like your perspective in life. Maybe you can help me someday." "It's so unfair. Life is so unfair for people like me." Everything that he has told me before, ngayon lang siya nagkaroon ng sense sa akin. Para siyang puzzle pieces na unti-unti kong nabuo. And it makes sense why Ahl is very doubtful about his self. Because he never receive support from his own Father. Hindi niya magawang mahalin ang buong pagkatao niya because his own parents can't even love him for who he was. Agad kong kinuha ang phone ko at nagtipa ng message kay Ahl. ELAINE MARTEJA: Ahl, okay lang sa akin kung ayaw mong tumuloy sa Japan. Baka napipilitan ka lang. Magrerequest na lang ako kay Madame na iba na lang ang ipasama sa akin if you like. AHL TERADA: No, Elaine. It's okay. Hindi ako napipilitan or what. Kaya you don't need to talk to Madame about it. It was a pleasure to accompany you in my home country. :) ELAINE MARTEJA: Are you sure? Ayaw kitang pilitin Ahl. AHL TERADA: Yes, Elaine. I'm 100% sure. Let's enjoy Japan together. :) ELAINE MARTEJA: Okay! If you say so. :D After chatting him ay agad ko nang nilapag ang phone ko sa may sidetable at umayos na ng higa sa kama. I still can't believe that we're going to spend our time in Japan together. At kahit na alam kong medyo hindi okay si Ahl at ang parents niya ay tila may excitement pa rin akong nararamdaman para mameet ang parents niya at makita ang bahay kung saan lumaki si Ahl. Sana makakita ako ng childhood photos niya doon. Hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD