Chapter 6- Camouflage

1520 Words
Lanie's Pov: Ilang beses pa akong huminga ng malalim pero ni kahit kaunti ay hindi nakabawas sa kabang nararamdaman ko. Nandito ako ngayon sa harap ng Journalism Club. Plano kong mag-aplay bilang staff ng The Wardens, ang school newspaper ng Saint Augustine. Iyon nga lang, ngayon ko lang naalala na si Yshmael nga pala ang Editor In Chief ng pahayagan ng eskwelahan. Kaya heto, para akong hindi maihing sisiw. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o sa ibang club na lang ako mag-aaplay. Sobrang pagkailang na kasi sa kanya ang nararamdaman ko. Mula noong aksidenteng makatulog s'ya sa balikat ko noong biyernes at tinakbuhan ko s'ya noong magising s'ya. Tandang-tanda ko pa na para akong naging bato noon. Ni hindi talaga ako gumalaw kahit pa nangalay na ako. May kalahating oras din kasi s'yang nakaidlip. Kaya nang naalimpungatan s'ya ay agad na tumakbo ako papasok ng dorm. Apektado din ako ng presensya n'ya mula pa kaninang umaga hanggang ngayong pagkatapos ng klase. Pero mukhang ako lang naman ang apektado. Ni kahit sensyales kasi ng nangyari noong nakaraan ay hindi ko s'ya nakitaan. Parang nakalimutan na n'ya o wala lang talaga iyon. "Hays." Walang buhay na napasandal ako sa pader at niyakap na lang ang article na isu-submit ko sana as entry sa club. "Maelanie?" Agad na napapihit ako sa tumawag ng pangalan ko. "Greyson..." Kiming bati ko sa lalaking kalalabas pa lang ng silid. Pinasadahan n'ya muna ako ng tingin. Tumutok sa hawak ko ang mga mata n'ya. "Entry?" Agad na itinago ko iyon sa likod ko at nginitian s'ya. Napailing naman s'ya at tinalikuran na ako. Muli akong sumandal sa pader at itinuon ang mga mata ko sa sapatos ko. Ilang minuto pa ang lumipas pero di pa ako makapagdesisyon kung tutuloy ako o hindi. "Are you going inside or not?" Tanong ng malamig na boses na halos magpatayo sa lahat ng balahibo sa katawan ko. Kagat-labing sinalubong ko ang paningin ni Yshmael. Nakahawak pa ang isa n'yang kamay sa handle ng steel door. "Ahm..." Napailing pa s'ya bago walang anumang kinuha ang hawak ko. Pinasadahan n'ya iyon ng tingin bago muling humarap sa akin. "This is your entry for your application, right?" Tanong n'ya pero hindi na n'ya ako hinintay na sumagot. "Yshmael, sandali!" Tangkang habol ko pero ang sumarang pinto lang ang naabutan ko. Nakalimutan ko, he's a jerk. And once a jerk, always a jerk. Wala akong nagawa kundi pumasok sa silid. Mas maluwang iyon kaysa sa Journalism Club ng eskwelahang pinanggalingan ko. Malaki din iyon at agaw pansin din ang napakalaking cabinet na naglalaman ng mga plaque at trophies. "Dito tayo." Tinanguan ko na lang si Yshmael at sinundan s'ya sa pintong pinasukan n'ya. Isa iyong maliit na tila conference room. "Have a seat." Yshmael said. Itinuro pa n'ya ang upuang katapat ng sa kanya. Tahimik na umupo ako. Nanatiling wala namang imik ang lalaki. Masusing binabasa n'ya lang ang entry ko. "You're in the same club from your former school, right?" Maya-maya'y tanong n'ya. Inilapag n'ya sa lamesa ang hawak at sumandal sa pader. Diretso din ang pagkakatingin n'ya sa akin habang nilalaro ang ballpen sa kanang kamay n'ya. "Yeah." Tumango s'ya bago itinuro ang entry ko. "Para saan ito? For your specs?" Muli akong tumango. "By the way...thanks for the water." Napakurap-kurap ako sa sinabi n'ya. "Ah.. Eh.. Wala iyon." Hindi na s'ya nagsalita at ilang sandali ding tila nag-isip. "Ipapaalam ko sa'yo ang resulta bukas. Kinakailangan ko pa itong ipakita sa mga club members." Maya-maya'y sabi n'ya. Tumango na lang ako. Sabay pa kaming tumayo at lumabas ng conference room. "Maraming salamat." Paalam ko at nagmamadaling lumabas ng silid. Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang makalabas ako doon. Ramdam ko pa ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Muntik pa akong mapaigtad nang mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang mabasa ang taong nagpadala ng mensahe. Walang iba kundi si Page. At ang kabang nararamdaman ko ngayon ay kakaiba sa kabang naramdaman ko kanina habang kausap si Yshmael. At your school's main gate. Mas nangunot ang noo ko sa nabasa. Anong ginagawa n'ya dito? Bago pa ako makaisip ng sagot ay kumilos na ang mga paa ko. Mabilis na tinakbo ko ang main gate. Hinihingal na hinanap ko ang lalaki na kaagad ko namang nakita. Nakasandal s'ya sa isang pulang convertible na audi, malapit sa main gate. "Page.." I called him. Mukha kasing hindi pa din n'ya ako napapansin. Nakatulala lamang s'ya sa kawalan at parang wala sa sarili. And that's very unusual of him. Malaki din ang eyebags n'ya at bakas sa itsura n'ya na may kung anong iniisip s'ya. "Lil Pup." Hindi umabot sa mga mata ang ngiting ibinigay n'ya sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa dumating?" Agad na tanong ko pagkalapit sa lalaki. Hinawakan n'ya lang ang magkabilang balikat ko at inilapit sa kanya. Katulad ng dati ay isinubsob n'ya ang ulo n'ya sa kanang balikat ko. "Let me rest for a while." Hindi ako nagsalita. Kilala ko na s'ya. Kapag ganito s'ya, may mabigat na pinagdadaanan s'ya o kaya ay naiipit s'ya sa mga bagay na hindi n'ya kayang pakawalan at hindi din n'ya kayang sukuan. Just like the old times, eksaktong tatlong minuto lamang ang pagkakasubsob n'ya sa balikat ko. "What is it?" Muling tanong ko at sinipat ang itsura n'ya. Hindi s'ya sumagot. Bagkus ay tumutok sa likuran ko ang mga mata n'ya. Ginaya ko s'ya at gulat na napatingin ako sa taong nandoon. "Yshmael?" Tiningnan lang ako ng lalaki bago tumutok kay Page ang mga mata. "Kailangan ko ng numero mo para sa resulta ng application mo." Sabi n'ya at inilahad sa akin ang cellphone. Tumango na lang ako at ibinigay ang hinihingi n'ya. Pagkabigay ko sa kanya ng cellphone n'ya ay agad n'ya kaming tinalikuran. "Who's that?" Tanong ni Page na nanatiling na kay Yshmael ang mga mata. "The youngest of Aronzaga." Sagot ko at kinuha ang atensyon n'ya. "Huwag mo akong nililibang. Anong ginagawa mo dito?" Napakamot naman s'ya sa batok at nangingiting tiningnan ako. Lumebel pa s'ya sa akin. "Just because." Pinandilatan ko s'ya at kinurot sa tagiliran. Ni hindi ko pinansin ang pag-aray n'ya. "Huwag mo akong ma-just because, just because ha!" "Grabe ka talaga. Mapanakit ka." Pinilit n'yang tanggalin ang kamay ko sa tagiliran n'ya. "Na-miss lang talaga kita." Napataas ang kilay ko sa narinig. Hindi s'ya ang tipo ng taong magbi-biyahe ng ganito kalayo for a lame reason. Malayo din ito, at para makarating s'ya dito, sigurado akong ilang klase n'ya ang hindi n'ya pinasukan. And knowing Page, hindi s'ya ang tipo ng estudyante na magcu-cutting kung walang dahilan. "Don't gave me lame excuses. Primo Angelo, what are you doing here?" Nabura ang mapaglarong ngiti n'ya. Sumeryoso maging ang mga mata n'ya. "Did you see it?" Malamig na tanong n'ya. "Alin?" Takang tanong ko. Hindi s'ya sumagot at kinuha ang bag ko. Nagsimula s'yang magkalkal doon. "Where's your tablet?" Tanong n'ya at pilit na may hinahanap sa bag ko. Namaywang ako at inagaw ang bag ko. "Nasa repair shop d'yan sa kabilang kalsada." Sabi ko at itinuro ang kabila. "Nahulog kasi iyon sa fountain. Sa friday ko pa makukuha iyon." "Did you see it?" Ulit n'ya. "The article that I sent?" Napaseryoso ako sa tanong n'ya. "No, I don't." Mas kinabahan ako nang mapapikit s'ya. Para bang natanggalan s'ya ng mabigat na dinadala. Muli n'yang kinuha ang bag ko at kinuha ang wallet mula doon. "Anong ginagawa mo?" Malakas na tanong ko nang kunin n'ya ang resibo ng repair shop. "Wait here." Iyon lang at patakbong lumabas na s'ya ng gate. Mabilis din s'yang nakatawid agad kaya hindi ko na sya nahabol. Isa pa, wala akong passes para makalabas ng eskwelahan. May sampung minuto din s'yang nasa shop bago bumalik na dala na ang tablet ko. Kalas-kalas pa iyon at kung tama ako sa nakikita ko ay mas kinakalas pa n'ya iyon. "What do you think you're doing, Page?" Pilit na inagaw ko sa kanya ang tablet ko pero masyado s'yang matangkad. Mabilis na nailagay n'ya iyon sa secret box ng sasakyan n'ya. "Primo!" Malakas na ang boses ko. Alam kong may mali. Kaya ganito ang ikinikilos n'ya. At sigurado din akong may kinalaman ang article na sinend n'ya sa akin. Page heaved a sign. Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat at pinakatitigan. "I have a favor. Huwag mong subukang alamin ang kung ano mang bagay na iniisip mo ngayon. Don't let your curiousity eats you, Lil Pup." Mas nalito ako sa sinabi n'ya. "Is it about the article that you sent? It's not fake right?" Nag-iwas s'ya ng tingin. Tinapik n'ya pa ang balikat ko bago sumakay sa sasakyan n'ya. "Answer me, Page." Pakiusap ko at humawak sa pintuan ng sasakyan n'ya. Marahang tinanaggal n'ya ang kamay ko at tinitigan ako. "Maelanie, it's true that I miss you." Mahinang sabi n'ya. Hindi na ako nakasagot. Sinamantala naman n'ya iyon at pinaharurot ang sasakyan palabas ng eskwelahan. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD