Chapter 7- Arise

1864 Words

Lanie's Pov: "Hey! Ano bang problema mo?" Kagat-kagat ang kukong napatingin ako kay Rona. Ngayon ko lang s'ya napansin. At ngayon ko rin lang na-realize na nandito ako sa silid naming apat at kanina pa ako paikot-ikot sa apat na sulok ng silid. Hindi pa rin ako mapakali. Alam kong may mali. Lalo na't kakaiba ang ikinikilos ni Page. May kung ano sa article na sinend n'ya at hindi ko kayang balewalain iyon katulad ng gusto n'ya. Kinakain na ako ng kuryosidad ko! And I can't stop myself thinking about it. "Nahihilo na ako sa'yo, Lanie." Sabi pa n'ya at eksaheradong sinapo ang kanyang noo. "Pasensya na." Mahinang sabi ko at iniikot ang paningin. "Nasaan na nga pala sina Lovely?" Tanong ko nang makitang kaming dalawa lang ang nandito. Napailing lang s'ya at isinara ang aklat na binabasa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD