Lumilipas ang mga araw na nakakabagot dahil halos kain tulog lang ang ginagawa namin. Masasabi ko rin na naging close kami ni Brent.
Palagi kaming nakamasid sa labas at naghihintay ng announcement, pero habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalala ang mga pangyayari. Nawawala na rin minsan ang signal.
"Let's play cards" bitbit ni Brent ang cards at isang bottle ng wine with chips.
"Ok, coming"
"I'll go there" umupo siya sa tabi ko dito sa veranda. Nakamasid lang siya sa mga zombie sa baba.
"I can't imagine na mangyayari to dito. Sabi sa news ay nag mula to dun sa passenger from Korea"
"I heard it too, you know what. That plane landed the same day na dumating ako dito. Gosh"
Napatingin sa akin si Brent na para bang sinusuri ang kabuuan ko. Napatigil naman ako sa pagkain.
"Oh, I'm not infected. I'm not at the same plane with that passenger"
"Naninigurado lang, baka mamaya bigla mo akong kagatin" pagbibiro niya. Napatawa naman ako kaya nagkunwari din ako na kakagatin ko siya. "Silly kiddo!"
"Hey, Engr. I'm no longer a kid! Oh, I forgot to tell you I'm a licensed professional teacher!" pagyayabang ko. Deserve iyabang dahil pinagpaguran ko yon.
"Oh, I'm so sorry teacher Bri."
Buong tambay namin sa veranda ay puro tawanan, kwentuhan at laro ang ginawa namin. Kalaunan ay nag yaya na si Brent sa loob dahil mainit na at inaantok na daw siya.
"Bri, you can use the other room. That's my mini gym. Dito na lang din muna ako sa Salas matutulog"
Excited akong pumasok sa mini gym ni Brent at namangha. Mas malaki to sa kwartong tinutulugan ko at halos kumpleto ang gamit niya. Inabala ko ang sarili ko sa pag eexercise dahil pakiramdam ko ay bumibigat na ang katawan ko.
After ko mag exercise ay kinuha ko ang pang arnis na nakita ko sa sulok. Nag-eenjoy ako ng biglang may narinig akong palakpak.
"Good"
Nginitian ko lang si Brent sabay hagis ng isang stick sa kanya.
"Come on Engr. Sparring tayo" pag hahamon ko.
"Baka umiyak ka teacher" pagyayabang niya. "Wait, safety first Bri"
Naging maingat ang bawat galaw ko ng mag simula kami. Inaral ko bawat galaw niya at kung saan siya mahina.
"Mukhang pagod ka na Bri"
"Calm down Engr. The show is just about to start" pagkatapos kong sabihin yon ay mabilis akong kumilos pero maingat pa rin. Bawat sugod ko sa kanya ay laging tama. Nang makuha ko ang pagkakataon ay sinunod sunod ko ang tira hanggang sa mapaluhod ko siya, nasa may leeg niya ang aking stick.
"Mukhang ikaw ang pagod Brent. Give up"
Tumawa siya at itinaas ang kanyang dalawang kamay. Tinulungan ko naman siyang nakatayo.
"Ang sakit nun ha, pero ang galing mo" pagpuri ni Brent habang iniistretch niya ang braso.
"Thank you, you’re good also"
"San ka natuto non?"
"Maniniwala ka ba pag sinabi ko sayo na nabubully ako dati sa school?"
Napahawak siya sa baba niya at nag-isip.
"Maybe because you're a Filipina tapos sa Japan ka lumaki?"
"Yeah right. They don't wanna be friends with me. So ayon, tatay, my step dad enrolled me sa martial arts then fencing, arnis and etc."
"Ang hirap pala kalabanin ng nag-iisang Brianna. Feisty"
"Di naman, haha. Mag shower lang ako, inabot na pala tayo ng 5pm hahaha"
-
Matapos non ay nag babad ako ng ilang oras sa CR. Nabalikwas lang ako ng makinig ko si Brent.
"Sorry, wait lang, 10mins" binilisan ko ang pag-aayos tsaka lumabas.
"I'm going out, sama ka?" napatingin ako sa kanya ng nag-aalala. "Don't worry, safe daw. Nag release na ng statement ang management. May meeting lahat ng owners sa 40th floor"
"Sige, nagmamadali ka ba? Magsusuklay sana ko eh"
"Take your time. Kukuha lang din ako ng gamit natin."
Inabot sa akin ni Brent ang isang baril at baseball bat sa kanya naman ay balisong at yun pang arnis.
"Let's go, we'll use the stairs. Sa harap ka ako sa likod."
Wala naman masyadong aberyang nangyari kokonti lang mga nakakasabay namin pag akyat. Parehas kaming hingal ng makarating sa taas.
Isang babae at isang lalaki lang nadatnan namin sa bakanteng kwarto, kagaya namin ay may dala din silang armas. Sa babae ay bow and arrow sa lalaki naman ay baril.
"I'm Coreen and this is Troy, my boyfriend" pagpapakilala ni Coreen, kung titingnan ay medyo mataray ang kanyang aura.
"I'm Brianna"
"Brent" tipid na sagot ni Brent. Luminga linga siya na para bang may hinahanap.
"Couple ba kayo?"
"Hm, no. But I'm living at his unit"
Naguluhan naman si Troy sa sagot ko. Maya maya pa ay lumapit sa akin si Brent at humawak sa bewang ko.
"Hindi pa, hopefully someday it will lead as there" bumulong siya sa akin na bawal daw kasi ang outsider sa building if hindi related sa unit owners.
Umupo kami sa tabi nina Coreen ng mag datingan ang ibang unit owners. Napag-usapan na dapat daw ay may magbabantay per floor at magre-report kung unusual case.
Ininvite kami ni Coreen sa unit niya, pero magalang namin tinanggihan, mahirap na magtiwala sa nangyayari ngayon.
"Hmm. Thanks for the invite, maybe next time? Nangako kasi sa akin si Bri that she'll baked me a cupcake" hinapit ni Brent ang bewang ko papalapit sa kanya kaya napahawak ako sa chest niya.
Pinisil ko iyon ng marahan sa wari ko ay nagets niya naman dahil inalis niya ang kamay niya sa bewang ko at mahinang umaray.
"Pasensya na Coreen, Troy. I'll bring you cupcake next time. Ingat!"
Pagdating namin sa unit ni Brent, ay wala na siyang ginawa kundi tumawa ng tumawa dahil daw sa reaction ko.
"Baby, you need to baked me some cupcakes. Paalala ko rin nag promise ka dun sa couple" napairap na lamang ako sa kanya at padabog na pumunta sa kusina para mag hanap ng ingredients.
"Let's go sa unit ng kapatid ko"
"May kapatid ka?" naguguluhang tanong ko. Akala ko ay wala siyang kasamang magulang or kapatid dito.
Hindi niya sinagot ang tanong at naunang lumabas. Nasa taas ng condo niya ang pinuntahan namin.
"Flight attendant ang kapatid ko kaya wala siya dito. Mabuti na rin na wala siya dito, atleast alam kong nasa mabuting kalagayan siya" para bang nabasa ni Brent ang iniisip ko.
Dumiretso siya sa kusina samantang ako ay naiwan sa salas at tumitingin ng pictures.
"Bri, pagkain ang kukunin natin hindi ang pagtingin jan sa mga pictures"
"Coming, sorry"
Maraming food si Stacey, dahil na rin siguro sa kadahilanang flight attendant siya. Puno ang freezer niya ng mamahaling chocolate at inumin. May mga wine din, sa baba ay gulay at sari saring prutas na nakabalot pa.
Sinarado ko muna ang ref niya at humanap ng bag na pag lalagyan. Pinulot ko ang note na nalipad kanina.
"To my dearest Brent,
I hope that you're doing well this time kuya! Please don't drown yourself into sadness, that slut doesn't deserve your love! Just in case you visit my place, all of this are yours including the foods at the pantry. I'm flying over Japan, when you're ready I will introduce you to someone! Loveyou!"
love, Stacey!"
"What a sweet girl"
Kinuha ni Brent yun note at itinago sa bulsa niya. Pag katapos ay umupo sa tabi ko.
"She's always sweet. Umpisa pa lang ay ayaw niya na talaga sa ex ko"
Madami kaming nakuhang pagkain ni Brent. Napaka organize ng unit ni Stacey, halatang babaeng babae ang nakatira.
Bago kami lumabas ay tumigil muna kami sa Salas at pinagmasdan niya ang mga litrato na nakasabit. Napaka ganda niya.
"Stacey is my biological sister, my twin to be specific. We are both adopted by this wonderful couple"
Umupo kasi sa couch at inabot niya ang family picture nila.
"Yun biological parents kasi namin was so abusive, kasi they are both using drugs. Dumating sa point na sobrang traumatized si Stacey, palagi siyang may pasa tapos ako naman lagi akong ginugulpi ng daddy namin"
Tahimik lang ako sa pakikinig, ramdam mo yun halo halong emotion sa bawat salitang binibitawan ni Brent.
"Then 1 time hindi na namin kinaya. Gabi non, umuulan. Tapos si Stacey hinang hina na. Sa simbahan kami pumunta para mag palipas ng gabi, dun na namin nakilala si mommy" he was referring to the girl at the picture.
"Tinulungan niya kaming dalawa. Then after couple of days, nabalitaan namin nakulong na yun magulang namin tapos na-process na niya yung adaptation paper namin"
"Tapos yan si daddy, he's the best father I could ever wished for. Pinunan niya lahat ng hindi nagawa ng tatay namin"
"Nasan sila Brent?" lahat ng saya sa mata ni Brent ay napalitan ng galit at hinanakit.
"Dead" nakakuyom ang kamay niya at nanginginig sa galit. Hinawakan ko na lang to at niyakap. Maya maya ay kinig ko ang hikbi niya.
"If only I could go back in time, hindi sana mangyayari yon e. They killed mommy and daddy with no mercy, napakasakit. Wala akong nagawa"
"Shh, sige lang umiyak ka lang"
Madami pa siyang naikwento, grabe ang pinagdaanan nilang magkapatid sa kamay ng totoo nilang magulang, pero gayunpaman ay maswerte sila sa tumayong magulang nila.
Dito na lang muna kami siguro magpapalipas ng gabi sa unit ni Stacey. Nakatulog na rin kasi sa sobrang iyak si Brent. Inayos ko ang higa niya at nilagyan ng kumot ng masiguro kong ayos na siya ay tumayo ako at chineck kung naka lock ng ayos ang pinto. Lumalalim na ang gabi pero di ako makatulog kaya pumunta na lang ako sa kusina.
Nagulat pa ako dahil biglang tumunog ang telepono.
"Gosh finally, nakatawag din ako. Ang hirap tumawag. Kuyaaaa!" nailayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa malakas na boses nito.
"Kamusta ka na? Kumakain kaba? Madami akong pagkain jan sa condo, kumain ka lang ng kumain ha? Miss na miss na kita, teka bakit hindi ka nasagot?"
"Eh hehe. Stacey, ano kasi. Tulog na yun kuya mo"
"Oh my gosh! Who are you!!! Bago ka bang girlfriend? Anong pangalan mo, how did you know my name?" naalala ko tuloy si Zuri dahil sa kaartehan niya.
"Brianna Diaz, ano kasi nakwento ka ni Brent, lahat lahat tungkol sa pamilya niyo. Actually nakatulog siya kina iiyak" ang tagal bago umimik ni Stacey, nagulat na lang ako sa tili niya.
"OMG sis, sorry. You're so pretty, yes I stalked you na sa IG. You're a freelance model and a teacher, what a perfect match. Give me some niece ok?"
"Ang advance mo naman Stacey, hehe. Hello may Zombie apocalypse po"
"Yeah yeah I forgot. Omg, I think I liked you na. Btw. Kamusta kayo jan, I know I trust you na maaalagaan mo si kuya. Girl, ang cool mo dito feisty! Fencing, martial arts and etc."
"Thank you? Ikaw ba kamusta ka jan? Nasan ka ba?"
"Japan. Safe dito, I heard Korea at Philippines pa lang ang infected ng virus. May military officers na rin na nagbabantay para masigurado na walang makakapasok from Philippines at Korea"
"That's nice. Stay safe for Brent, he loves you so much. Namimiss ka na daw niya"
"Wait, nagkwento si kuya sayo? Salamat sa pakikinig Brianna. Kuya's so lucky to have you, please tell him I missed him also" narinig ko na lang na umiiyak na si Stacey sa kabilang linya.
"I will. I promised I will protect him can I ask a favor?"
Binagay ko sa kanya ang address ko sa Japan at ipinakiusap na puntahan si mommy at yakapin para sa akin.
"Great, malapit lang kami don. Goodnight sissy. I just tried to call kasi nagising lang din ako"