Chapter 2

835 Words
Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko. "s**t" It's already 1pm and I got 50 phone calls from mommy and daddy.. "hello mommy?" narinig ko ang hikbi ni mommy sa kabilang linya. "Chandria baby..." "Mom, stop crying please" "If, o-nly I kn-oww. Hind-i na sana kita pinayagan pumunta jan sa P-pinas" "Please mom. It's not your fault ok? I'm safe here. Someone saved me" "I want to join the air force para irescue ka" "No mom please. Just wait for me there. Can I talk to tatay?" "Nak" bakas din sa boses ni tatay na nag-aalala siya at galing din sa pag-iyak. "Tay, I'm safe here. Ikaw na po bahala kay mommy. Alam ko naman pong di mo siya pababayaan. I got this Tay ok? You taught me how to fight. I'm going back to Japan soon" Sa totoo lang ay pinang hihinaan ako ng loob, pero I know I really need to fight in survive. "Baby" "Mommy, trust me ok? I will come back to you. Please be safe and don't stress yourself too much" "Makakaasa ka Nak, mag-iingat ka. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo" Sunod ko naman tinawagan si daddy. Na agad din naman sinagot. "Brianna anak. Where are you?" nag-aalalang tanong nito. "Daddy, Im safe" "Stay where you are. Wag kang lalabas. San ka ba jan sa Manila?" "Still at Taguig, I think" "Sa susunod na araw ay dadalhin na kami sa Hongkong, isa sila sa mga bansang tumatanggap ng evacuees." "I'm happy to hear that dad. Stay safe please? Find time to call mom pag nasa Hongkong na po kayo" "I'm not going" nagtaka ko bigla. "Sumali ako sa military forces, hahanapin kita" biglang tumulo ang luha ko sa sinabi ni daddy. "Dad..." "Yun lang ang tanging alam ko para makabawi sa mga pagkukulang ko" "Salamat daddy, I love you! Mag-iingat ka po. Magkikita pa po tayo" "Mahal na mahal kita Brianna anak. Tandaan mo yan" naputol na ang aming call dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Bago ako lumabas ay nakita ko ang text message ni Zuri. *I really can't believe it's happening! Don't worry I'm safe now. We made to escape the bar early! Love you cous!* Mabuti na lang at safe siya. Kinuha ko ang kutsilyo ko at marahan na lumabas. Mukhang tulog pa si Brent. Ng makampante ako ay agad kong tinignan ang pantry at ref kung anong pwedeng kainin. Nagluto ako ng fried rice at inadobo ang natirang karne kami. Sa tingin ko ay sapat na to hanggang mamayang gabi. Nakakita rin ako ng tableya kaya ginawa ko na lang tong hot chocolate. "Hi, sorry tanghali na pala" paumanhin ni Brent na mukhang bagong gising talaga dahil sa gulo gulong buhok. "It's ok. I just woke up too. Nagutom lang ako kaya pinakialaman ko na kitchen mo" "It's ok. Let's eat?" tahimik kaming kumakain ng lunch ng bigla siyang ng tanong. "I don't know you yet Brianna.. San ka ba nakatira?" "I was born here sa Philippines. But I left when I was around 9 or 10? My mom and I stayed at Japan. She's a teacher. While my dad, he was at Batangas" "Oh, I see. I won't asked about your fam kasi mukhang complicated. But how old are you?" "Haha, hindi naman. Kasi naghiwalay sila ng maayos, bagay na nagpapasalamat ako dahil kahit papano they gave me a happy family. I just turned 24. Kaya ako umuwi ng Pilipinas" "Belated happy birthday?" "Ikaw naman" "I'm 26. Engineer. I was supposed to get married" "Oh damn this apocalypse thingy. That was sad" "It's not because of the apocalypse. She cheated on me, with my bestfriend" "f**k those cheaters!" "Oh akala ko ba happy family?" pang-aasar ni Brent at napatigil naman ako. "Sorry, I didn't mean to offend you" Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi naman ako galit pero naisip ko rin na happy family nga ba kami noon? Or baka pinapakita lang nila na masaya sila. "Btw. Hindi ka ba natatakot sa akin?" pagbabago niya ng topic. "Hindi" hindi ko rin alam pero panatag ang kalooban ko na hindi siya gagawa ng masama. "What if may pina-plano pala ako sayo? Or s*x maniac ako. Ang bata mo pa kaya" "Well thank you. I grew up in Japan and my step daddy enrolled me sa martial arts and everything. And judging you by your looks and attitude..." tumigil muna ako at kunwaring nag-iisip "Mukha naman napalaki ka ng tama" Napa-iling na lamang siya sa naging sagot ko. Chinito si Brent, siguro ay naglalaro sa 5'8 or 5'9 ang height niya. Katamtaman ang pangangatawan at malinis tingnan at sa ilang oras namin magkasama ay alam ko na mabuting tao siya. "Mag-isa ka lang ba? Wala ka bang kapatid, nasan magulang mo?" "Ah sabihin na lang natin na they don't exist for me anymore. I don't wanna talk about them anymore" Naiintindihan ko, siguro ay mapait ang nakaraan niya sa magulang niya. Saka na lang siguro pag handa na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD