Akala ko umalis na yong babae kausap ni doc kanina pero andito pa pala siya at ngayon nakaupo na sa table katabi noong isa pang doctor na babae at mukhang friends sila.tiningnan ko si doc na busy sa kanyang pasyente nakakunot pa ang noo habang pinapakinggan ang pulso ng matanda na nakaupo sa silya.
“Chef, anong oras daw tayo mamigay ng pagkain,?gutom na rin ako eh” si mica.naalala ko may dala pala akong cupcakes kanina.
“Ummm di ko pa alam pero nasa menu naman natin na 11am eh,teka may cupcakes akong dala baka gusto mo?” Ani ko saka ako lumapit sa bag ko.kinuha ko ang tapper wear at inabot sa kanya.binuksan niya at kumuha siya ng isa.
“Ummm sarap chef, ikaw may gawa nito?” Tumango lang ako saka kinalikot ang phone ko.ang init at bored na ako sa ka hihintay.
——
“Hello po chef Eloisa,sana pina ubaya mo nalang sa mga staff mo ang pagbibigay ng mga foods” bati sakin ni ate melba.siya yong nag set up ng lugar para sa mga doctors.
“Naku ok lang at wala naman na akong gagawin kaya sumama nalang ako” ani ko saka ko binalingan ang mga kasama ko na ihanda na ang pagkain.
“Okay guy’s!!! Lunch time na kaya tayo na” bumaba na kami ng van para ibigay ang mga food para sa mga doctors.inikot ko ang mga mata ko pero wala si doc rickman.saan naman kaya yon nag punta?hawak ko ang bento pack para sa kanya.
“Ah ma’am para po ba kay Doc Rickman yan?ako pala si Nestor ang Personal driver niya” isang may edad na lalaki ang lumapit sakin.
“Ah opo kuya, nasaan po si doc? Baka po kasi lalamig tong pagkain niya” ani ko.
“May kausap lang sa phone sa labas.dito nalang po ilagay Ma’am,ako na po bahala” sabi niya kaya nilapag ko na sa table niya tapat ng upuan na nakalaan para sa kanya.mukha kasing VIP doctor si doc Rickman.pumasok naman si mica na may dalang isa pang styro pack na dessert daw ang laman at nilapag sa table ni doc.
“Chef ito po para kay doc,muntik na makalimutan” ani niya na nakangiti.
“Salamat mica,kuya kayo na po bahala ha,pag may kailangan kayo tawagin niyo lang kami sa may labas”ani ko.nagulat naman ako ng may e abot si mica kay kuya.
“Kuya pogi ito po tikman niyo gawa ni chef yan masarap po siya” nanlaki ang mata ko kasi yong dala kung cupcake ang binigay niya kasama ang food pack para sa dalawa pang kasama ni doc.
“Ay salamat ineng!!! Mukha ngang masarap ito!di lang pala maganda si chef mo kundi masarap din mag luto” ani ni kuya nestor,namula naman ako sa papuri niya.
“Naku salamat ho,sige po labas na po kami.”paglabas namin ng tent nakasalubong naman namin sila doc at yong babae na nakakapit pa sa braso niya.hindi ko maintindihan pero napa irap ako ng tumingin ito sa mata ko saka ngumiti.saka ako deri-deritsong naglakad palayo.narinig ko pa na niyaya na siya ng babae pumasok sa loob.hindi na ako lumingon pa dahil naiinis ako sa kanila na di ko maintindihan.
—————
———-
Masaya ako ng nakita ko ulit ang babae dito sà medical mission.Eloisa ,tanda ko pa ang pangalan niya.
“John let’s go inside,its too hot in here” si chantal. I walk inside and found kuya nestor eating already.kumuha naman ng isa pang upuan si Robert para kay chantal.marami-rami din itong food na nasa bento pack at may salad pa saka dessert.
“Ma’am chantal ikuha ko po kayo ng food niyo?” Si Robert.
“No need kuya share nalang kami ni john dito sa food niya at hindi pa naman ako gutom,right babe you will share your food?” I just nodded and open the bento pack.i gave her a plate but she chose to eat the salad. I am a good eater kaya i love the food right now.
After namin kumain pinahatid ko na sa labas si chantal para umuwi.makulit lang talaga ang babaing yon.nag focus na ako sa mga patient after ko makapag pahinga. Pabalik na kami ng hotel ng makita ko ang isang babae na may mga daladalang bayong.
“Kuya Nestor hinto mo sa tabi” utos ko nag taka naman si Robert sa sinabi ko naging alerto pa ito na akala mo may kalaban.
“May problema ba sir?” Tanong na naka hawak na agad sa baril niya.
“Wala,sige na kuya Nestor alis na tayo” ani ko nga makita ko na sumakay na ng trysikol ang babae.kahawig kasi niya si Eloisa pero medyo malaman nga lang ng kunti to.si Eloisa kasi slim talaga siya at pag ngimiti mahahawa ka.teka bakit ko na iniisip yon?tsk!!! Napapikit nalang ako ng mata sabay hilot ng noo.
————-
——————
“Mai,ilan po ang order natin ngayon?” Tanong ko kay mamai dahil day off ko at gusto ko tumulong gumawa ng desserts namin.
“20 pcs kay mrs acosta mamayang 2pm daw” si mama ng tingnan niya ang order book namin.kaya binilisan ko na ang kilos para makapag umpisa na ako sa gagawin ko.
——
Madali lang naman mag bake dahil andito na lahat ng kailangan ko.wala pang dalawang oras tapos na akong mag bake ng order ni mrs acosta kaya sa pag luluto na naman ng ulam ako tumulong.kasama ko ang dalawang cook ni mamai na sina kuya andoy at kuya Ricky.10am kasi ang opening namin kaya dapat naka ready na mga ulam para sa mag lunch.may mga nag oder na kanina sa phone kaya yon ang ina asikaso ni mamãe.
———————
———————After three years————-
Lumago ang business ni Mamãe at gumaling na rin ang binti ni papai.si Ate Lydia naman nag asawa na at ngayon may baby na sila.nag tayo na rin siya ng sarili niyang clinic kasama ang kapatid ni kuya Joseph na isa rin Pediatrician doctor.ako naman ito katukatulong nila mama sa business nila dahil nagkaroon na rin kami ng branches sa Ortigas.kaibigan pala nila mama at papa noon sa canada ang may-ari noon kaya bininta sa amin dahil mag migrate na sila lahat sa Canada.kasama ang bahay nila na nasa Alabang.
Sa ngayon ako ang andito sa Alabang at pumupunta nalang ako sa Pangasinan every month para dalawin sila mama.
Busy kami ngayon dahil isa kami sa kinuha na mag cater ng ilang dishes and desserts.may mga foreign guests yata ang mag celebrate ng event buti nalang dito lang din malapit lang samin gaganapin at sa mismong building pa kung saan ang clinic nila ate Lydia.
“Chef andito po pala si doctora Lydia nasa opisina niyo po.” Ani ng isa sa mga waitress namin.
“Sige Salamat,kuya nonoy kayo po muna bahala dito” bilin ko saka ako ng punas ng kamay at tinanggal ang Apron at hairnet..
Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang pamangkin kung sobrang cute.
“Hello ate ko at sa cute na baby na to” nag beso kami saka ko pinisil ang matabang pisngi ng pamangkin ko.
“Busy ka ba? Iwan ko sana itong pamangkin mo dahil wala akong yaya today”ani ni ate.
“Medyo pero kaya naman.sige iwan mo muna siya sakin” sabi ko .hindi naman kasi mahirap alagaan itong baby na to dahil napakabait niya.
“May duty kasi ang kuya mo at ako naman ang daming pasyente eh ayaw ko mag tambay doon anak ko”sabi niya. Meron naman kaming kama dito na pinaayos talaga ni papa dahil para daw pag pagud na ako dito nalnag ako matulog.
“Wala po problema ate kung iwan mo muna sakin si baby Hazelle” sagot ko.kinuha na ni ate ang mga gamit ng anak niya sa kotse at saka siya umalis para bumalik sa clinic.
“Now baby ako muna ang yaya mo today!”ani ko saka ko siya pinupog ng halik na kinahalakhak niya.nilapag ko siya sa higaan niya at binigyan ko ng laruan at saka ko nilagay ang tablet ko sa may table malapit sa kanya para makita niya ang play ko na Barney.
Nag check ako ng mga orders at saka ko inutusan ang mga crew na sila na bahala sa kitchen.3pm andito na si ate para sunduin ang anak niya kaya ako naman nag ready na para sa event mamaya although alam na ng mga crew ang gagawin pero pupunta pa rin ako para silipin sila.
“Ate pahiram ako ng susi ng clinic mo kasi mamaya pag ginabi ako doon nalang ako magpapalipas ng gabi” ani ko.
“Okay,hanggang anong oras ba daw ang event?”tanong niya.
“Madaling araw yata,ilang food lang naman at dessert ang order ng ibang catering kaya sila yong mas nakaka alam” ani ko.
“Mukhang magaling ka talaga mag manage ng restau.uuwi ka ba sa weekend?” Sabi ni ate.
“Salamat kahit medyo nangangapa pa ako.di ko pa po alam ate kung makaka uwi ako.” Ani ko saka na ako nag umpisa ng mag ayos ng mga order.
“Sige, mauna na kami at baka nasa bahay na si kuya mo.mag text ka sakin ha kung asaan ka” bilin niya.
“Grabi ka ginawa mo naman akong bata” nakanguso kung sabi.
“Aba mahirap na Eloisa .nasa Manila tayo.iba ang mga tao dito kay Pangasinan o Portugal.” Ani niya kaya napailing nalang ako.
“Alam ko po yon at saka malapit lang naman yong building ng event at saka pag diko kaya mg lakad mamaya doon na ako matulog sa clinic mo” ani ko sa kanya.
“Okay, sige na bye bye. Baka ma-traffic pa ako sa may Ayala.” Paalam niya.sa Alabang kasi kami nakatira nila ate dahil nong kinasal sila ni kuya na lipat si kuya dito sa manila.sila ang kasama ko sa bahay.sila mamae naman naiwan sa Pangasinan.
——————-
Napagud ako sa pag aasikaso sa mga dinala naming pagkain dito. Nakabihis ako ng pang chef,
“Ms Eloisa salamat po sa pagtanggap ng order ko” sabi nong head na catering.
“Ok lang po yon maam,basta po pag may kailangan kayo just call us po” sagot ko.
“We will ms Eloisa.natikman ko kasi yong dessert mo and i love it.pati na rin yong dish mo,”puri niya kaya napangiti nalang ako ng matamis.
“Salamat po,basta po pag kailangan niyo ng supplier ng cakes o cupcakes don’t forget to call me maam, i will do my best po para ma-comply ang gusto niyong pagkain”ani ko saka ngumiti sa kanya.
“Ohh that so sweet,sige ha at mauna na ako baka hanapin na ako sa labas”paalam niya.
Palabas na rin ako ng may bumunggo sa akin at sa lakas ng empak ng pagkabunggo namin kaya napa upo ako sa sahig.aray ang sakit ng puwet ko,pati kamay ko dahil sa naitukod ko siya.
“Damn!! Watch where you going!” Ani nong bumangga sakin dahil may kadiliman kasi ang hallway.walang hiya ako pa talaga ang sisigawan niya samantalang restricted area ito para lang sa mga employees dahil base sa suot ng lalaki eh galing itong party sa loob ng function hall.sinubukan kung tumayo pero napadaing ako sa sakit ng maitukod ko ulit ang kamay ko.
“Dá azar, você ainda está bravo com todo mundo que eu encontro?”ang malas naman sa lahat ba naman ng makabangga sakin ikaw pa ang galit?.
“What?!” Inis niyang sabi dahil hindi ko napigilan mag salita ng mother tongue ko.dahan dahan ako tumayo habang hinihilot ang braso ko.
“Iwan ko sayo!! Bawal dito ang mga spoiled brat” ani ko pero narinig niya yata kaya lumapit siya sakin.napa singhap tuloy ako dahil amoy ko ang alak sa hininga niya.jusko lasing pala to baka mapahamak pa ako.
“What did you say?”pabulong niya ng makalapit siya sakin kaya tumingala ako dahil ang tangkad niya palang lalaki pero teka parang familiar siya sakin.naaninag ko na kasi ang mukha niya sa malamlam na ilaw dito sa hallway.
“Wala po,sige po mauna na ako”paalam ko sabay talikod pero naka dalawang hakbang pa lang ako ng hilahin niya ako at isandig sa wall kaya gulat na gulat ako. “Hoy teka anong ginagawa mo!” Piglas ko .
“Hmmmm you look familiar,stalker ba kita?”ani niya at medyo nilapit pa ang bibig niya sa may tainga ko kaya nanindig balahibo ko.
“Excuse me po sir,ako e stalk ka?bakit sino ka ba na e stalk ko?walang wala ka doon sa crush ko noh!” Inis kong sabi .nakita ko pa siyang napatiim bagang.familiar talaga ang mukha niya sakin.
“Tsk!!! Mag deny ka pa.”sabi niya kaya nainis na ako.
“Sir,bitawan niyo na po ako”ani ko sa mahinahon na boses.kasi pag ayaw niya akong bitawan lagot siya sakin.pero mas lalo pa siyang dumikit sakin kaya amoy na amoy ko talaga yong hininga niya na pinag haling aftershave at alak.
“Not so fast baby,”paos niyang sabi saka bigla niya nalang akong siniil ng halik kaya nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.ang unang pumasok sa isip ko malambot na labi at pangalawa yong first kiss ko.kinagatkagat niya pa ang labi ko kaya napaawang ng kunti saka naman niya ako mas lalo pang hinapit sa baywang at malalim na hinalikan.inipon ko ang lahat ng lakas ko saka ko tinaas ang tuhod ko ayon sapul!
“F**king s**t!!!!!”hiyaw niya sapo sapo ang future niya kaya nabitawan niya ako at yon kumaripas na ako mg takbo palabas ng hallway.hingal na hingal ako ng makarating sa isa pang pasilyo kaya tumigil muna ako para ipahinga.
Naglalakad na ako papasok ng clinic ng may makasalubong akong babae na umiiyak.tinulungan ko siya at ginamot ang sugat niya.sinabihan ko siya na kung gusto niya mag stay dito sa clinic ok lang dahil safe naman at hindi ko siya maka usap ng maayos.nakatulog na siya matapos kung gamutin ang sugat niya.mayamaya may nakita akong kumatok.nagulat pa ako dahil yong mukha niya familiar na naman na parang nakita ko na dati. Ano ba to bakit puro nalang familiar ang mga nakikita ko ngayon gabi eh di naman ako lasing.
“Ah miss nakita ko na may dinala ka dito babae.”bungad niya sakin pagbukas ko ng pinto ng clinic.
“Ah sino po sila?” Tanong ko mamaya masama pala siyang tao na nag babalat kayo sa gwapong mukha.
“I am her fiancée,where is she?” Sabi niya kaya nagulat naman ako paano niya nalaman yon na.
“Ummm nasa loob po kuya” ani ko parang matic nalang ang pagtawag kong kuya sa kanya at masarap s pakiramdam weird?
“Thanks,by the way I’m Jacob Rickman” pakilala niya sabay lahad ng kamay.
“Eloisa Astrim”ani ko nalang. “Pasok po kayo kuya” at pumasok siya saka niya tinitigan ang babae.batang bata pa ang babae kumpara sa kanya pero napaka ganda .
“Thanks again sa tulong mo Eloisa” sabi niya saka siya may tinawagan na waldo ang pangalan.binuhat niya na ang natutulog na babae.sinarado ko naman ang pinto saka na rin ako nahiga sa may kama para dito magpalipas ng gabi.
———
———————————john pov——————
Boring naman ang party na to kung di lang ako pinilit na sumama. Buti nalang kasama namin si Sharon kaya doon natuon ang attention sa kanya.
Jeez i hate this kind of event!! Dad wanted me to be here dahil gusto niya daw ako ipakilala sa mga business associate niya. I saw alot of women looking at me and some of them are anak ng mga business associate.pero wala akong interest sa kanila kaya kumuha nalang ako ng wine ng may dumaan na waiter.
“Hey handsome, you are the youngest Rickman ,right?”isang sexing babae lumapit sakin at tingin ko isa siya sa anak ng business associate ni dad.
“How did you know?” Maiksi kung tanong.
“Ohh I know,my dad and yours are business partners.” Ani niya na dumikit sakin.napa smirk nalang ako .
“Okay.excuse me” ani ko sabay lakad.may tama na sa akin ang wine na ininom ko at ang mukha na naman ng babaeng yon ang nakikita ko.its been years na hindi na nagkrus ang mga landas namin pero nanatili ang imahe niya sa isip ko.hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi siya mawala sa isip ko minsan naisip ko na baka may sakit na ako sa utak? I am one of the best cardio doctor pero sarili ko di ko kayang gamutin! Habang nag lalakad ako bigla nalang bumangga sakin at naawa ako dahil bumagsak siya sa sahig nakita ko pa hinilot niya ang puwet at braso niya.naka suot siya ng pang chef? Damnn pati ba naman dito?
Sinabihan ko siya na stalker ko pero nainis yata siya kaya sinagot sagot niya ako ng masungit.damn it kamukha niya talaga ang babaing yon and to think na pareho sila ng suot? Hmmmmm lumapit pa ako sa kanya kaya di ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya and Damn it’s so good!!!! I can’t stop kissing her kahit ramdam ko ang paninigas niya dahil sa ginawa kong pag halik.akala ko nagustuhan niya na rin ang halik ko pero bigla niya nalang akong tinuhod… “f**king s**t!!!” Nakita ko naman siya kumaripas ng takbo pero naiwan niya ang sumbrero niya.pinulot ko ito at inamoy,hmmmm mabango parang lavender hindi ko tuloy mapigilan di mapangiti dahil base sa reaction niya ako pa lang ang nakahalik sa kanya.