Mika “J-Jerome, si R-Rafael. H-Hindi ko kayang mawala siya. Diyos ko, ‘wag ang anak,” nanghihinang pakiusap ni Tita Lalaine habang kayakap si Papa Jerome. Nasa tabi lang ako, nanghihina at kanina pa tulala. Good thing, naisalba siya kanina. Pero ngayon kritikal pa rin siya. May namuong blood clot sa baga niya. Kaya nasa operating room siya ngayon. Alam kong magagaling ang mga doktor dito sa ospital na ‘to. Pero kung may pagkakataon pa ako’y mas pipiliin ko ang pinakamagaling. Si Rafael ang pinag-uusapan, hindi dahil mahal ko siya, kun’di ayaw kong mawalan ng ama ang aking anak. Ayaw kong magdusa muli ang parents niya at lalong ayaw ko siya mawala, iyon ang totoo. Mas gugustuhin kong makita ko siya sa ibang babae na masaya, kaysa kailanman ay ‘di ko na masilayan ang kaniyang mukha. “Hija,

