
‼️Warning Detailed bed scenes‼️
‼️Rated SPG‼️
ANG MGA BIDA SA KWENTONG ITO AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG. KUNG SINO MAN NA MAY PAGKAKATULAD AY PAWANG NAGKATAON LAMANG. MAY MGA EKSENA SA KWENTONG ITO NA SENSITIBO.
BLURB:
Sa puso ni Lalaine, dalawang pangalan ang hindi niya matakasan. Si Ralph, ang lalaking kasama niya ngayon, handang buuin ang buhay na minsang gumuho. At Jerome, ang una at tanging minahal niya, ang lalaking pilit niyang kinalimutan pero hindi kailanman nawala sa kaniyang puso.
Nang muling magkrus ang landas nila, napilitang harapin ni Lalaine ang tanong na hindi niya inamin kahit sa sarili: Sino ba talaga sa kanila ang dapat niyang piliin?
Ang kasalukuyang nagmamahal sa kaniya—o ang nakaraan na hinugot mula sa pinakamalalim na bahagi ng kaniyang puso?
Subalit hindi lang pala sa kanila umiikot ang tadhana.
Paglipas ng maraming taon, tila inuulit ng kapalaran ang lumang sugat.
Ang anak nila na si Rafael, isang tahimik pero matatag na binata, ay nahulog sa isang pag-ibig na kasing komplikado ng pinagdaanan ng mga magulang niya— kay Mika, ang babaeng puno ng pangarap. Ang babaeng pinangakuhan ni Rafael ng kasal.
At gaya ng kuwento nina Lalaine, Ralph, at Jerome…
Muling susubukin ng pag-ibig, panahon at tatag ng dalawang pusong nasugatan. Sadyang naghihilom ba ang malalim na sugat? Kung ang dahilan ng ito’y ang taong iyong minamahal.

