Akin ka na lang Doc WillUpdated at Jun 29, 2023, 18:49
Calling the attention of Doctor William Miranda, please proceed to the lobby now.
“Ayan na siya, besh! Makikita ko na naman ang Prince Charming ko,” sabay palo ko sa aking kaibigan.
“Naku, pag ako na-sesante sa pinapagawa mo sa akin.”
“Hindi yan. Ako bahala. Malakas ata ako sa kanya, and remember, may share dito ang bayaw ko, kaya don’t worry.”
“Keithlyn, you again? How many times do I have to tell you na huwag mo ako ipatawag basta-basta? I’m a busy person,” napapa-iling niyang tugon sa akin.
“Eh, Will, alam ko hindi ka busy ngayon. Lunch break na, di ba? Kaya tara na, please.” Sinabayan ko ng puppy eyes para mas lalong maging cute.
“Call me Kuya, not Will. For God’s sake, Keithlyn, you’re like a sister to me and nothing more.”
Nalungkot naman ako bigla. Kapatid lang ang turing niya sa akin dahil si Ate ang mahal niya, pero pursigido pa rin ako. Mahuhulog din ’yan sa akin.
“Akin ka na lang, Doc Will.”
Umiiling lang siya at hindi siniseryoso ang sinasabi ko.
“Pagbibigyan kita, pero last na ito, Keithlyn. Do you understand?” seryoso niya pang sabi.
“Okay po, Doc Will.”
Sabi ko, pero ang totoo, uulit at uulitin ko pa rin.
I’m Keithlyn Delos Santos, and he is Doctor William Miranda, the love of my life. At gagawin ko ang lahat para maging akin lang siya.