bc

Miss Quack meets Doc Paul. (Doctors series 3)

book_age18+
8.5K
FOLLOW
49.2K
READ
one-night stand
doctor
bxg
bold
witty
small town
like
intro-logo
Blurb

MAGKAKAROON PO ITO NG PHYSICAL BOOK

(WARNING WITH DETAILED B3D SCENES. ROMCOM/STEAMY.

Siya si Doctor Paulo Salazar, isang Orthopedic Doctor sa Saint John Hospital. Si Paul ay isang playboy romantiko na paiba-iba ng babae.

Para kay Paul, gusto na lamang niya maglibang, tanggap niya na kasi sa sarili na hindi niya kayang bumuo ng bata. Alam niyang baog siya.

Hanggang makilala niya ang probinsyanang si Karen. Si Karen na sa kabila ng kahirapan at hikaos sa buhay ay nagiging positibo pa rin ito, matupad lamang ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Subalit nang dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo nila ng landas ni Doc Paul ay unti-unting nasira ang pangarap na binuo. Nagbunga kasi ang isang gabi ng mainit nilang tagpo ni Paul.

Ang problema nga lang ay hindi niya ito mahagilap at worst? Hindi naniniwala si Doc Paul na anak niya ang anak ni Karen. Alam niya kasi sa sarili na baog siya.

Tunghayan ang nakatutuwang buhay pag-ibig nila Karen at Paul. Paano nga ba sila binago ng pagkakataon at tadhana.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
KAREN "Sandali lang mga anak, ilang oras na lang dadating na tayo sa Maynila." Tugon ko sa aking dalawang anak na tila inip na inip na dahil sa tagal ng binyahe namin mula probinsya. "Mom, I'm hungry na po," reklamo nitong englesera kong anak na si Kaye. Dahil siguro sa kapapanood sa youtube kaya siya natuto ng ganito. Hindi ko naman kinakausap ng english kahit ako hirap magsalita ng spokening dollar na 'yan. "Kaye we ... ah basta kailangan muna natin mag-wait to stop over this bus para we kain na, okay?" Aruy! dumugo yata ang ilong ko sa anak kong ito. Tatlong taong gulang pa lang naman siya pero kung makapagsalita akala mo doktor, palibhasa may pinagmanahan. "Okay, Mom." Isa pa itong kaka-Mom niyang tawag sa akin. Ang sabi ko Nanay kasi pang mayaman ang Mom. "Mom, milk, dede." Reklamo naman ng bunso kong si Kevin. Matutuyuan yata ako ng utak sa mga anak ko. Akala mo mga anak mayaman. e, sa barong-barong lang naman kami nakatira. But wait, kami lang yata ang may piso-net sa lugar namin. Kaya itong perang dala-dala ko puros barya, ang bigat tuloy. "Wait bunso ko, heto na lagyan muna natin ng mineral water ang gatas you." Kailangan kong sanayin itong si Kevin na hindi matulad sa ate niya. Kaya ang ini-English ko lang ay sa simula or dulo lang at kung minsan puros tagalog na. Lalo na pagnagagalit ako. Ang hirap kaya magalit ka ng hindi tuloy-tuloy dahil lang sa hindi ako knows sa englishing na 'yan. Siguro kung sa daddy nila baka magkakaintindihan pa sila. Kaya naman hinalungkat ko na sa bag ang dala kong mineral water na binili ko lang sa terminal para sa gatas ng bunso ko. Ayaw ko naman kasi ilabas ang s**o ko dito lalo pa at may kalakihan ito at hindi pa lawlaw. Pero mukhang wala na akong magagawa kundi mapadede si Kevin sa akin. Mukhang naubos ko pala itong inumin kanina. "Mom, milk." Ayan na nga ba sinasabi ko. Paano ko ba siya mapapadede dito sa loob ng bus? Gayong itong lalaking ito sa harapan naming ay kanina pa silip-silip sa amin. Pero kailangan ko na talagang gawin kaya bahala siya diyang manigas, huwag lamang niya hahawakan. "Ito na baby Kevin." Tinanggal ko ang tatlong botones ng suot ko. Saka itinaas ang suot na bra sa may kanan ko bago pinahiga ang anak kong si Kevin sa aking kandungan upang makainom na ng milk mula sa akin. Tumahan na nga ito pagkasalpak ko. Mahirap maging isang ina lalo na at mag-isa ko lang silang kinakayod. Pero masaya sa pakiramdam at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na ipaulit ang nakaraan, siguro mas pipiliin ko pa rin ulitin ang pagkakamali ko para lamang maisilang ko ulit sila. Ako si Karen Isidro 23 years old. Isang dalagang ina. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito? Mahabang istorya pero keri ko naman isalaysay kung paanong si Miss Quack meets Doc Paul.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook