PROLOGUE

493 Words
KAREN "Sandali lang mga anak, ilang oras na lang dadating na tayo sa Maynila." Tugon ko sa aking dalawang anak na tila inip na inip na dahil sa tagal ng binyahe namin mula probinsya. "Mom, I'm hungry na po," reklamo nitong englesera kong anak na si Kaye. Dahil siguro sa kapapanood sa youtube kaya siya natuto ng ganito. Hindi ko naman kinakausap ng english kahit ako hirap magsalita ng spokening dollar na 'yan. "Kaye we ... ah basta kailangan muna natin mag-wait to stop over this bus para we kain na, okay?" Aruy! dumugo yata ang ilong ko sa anak kong ito. Tatlong taong gulang pa lang naman siya pero kung makapagsalita akala mo doktor, palibhasa may pinagmanahan. "Okay, Mom." Isa pa itong kaka-Mom niyang tawag sa akin. Ang sabi ko Nanay kasi pang mayaman ang Mom. "Mom, milk, dede." Reklamo naman ng bunso kong si Kevin. Matutuyuan yata ako ng utak sa mga anak ko. Akala mo mga anak mayaman. e, sa barong-barong lang naman kami nakatira. But wait, kami lang yata ang may piso-net sa lugar namin. Kaya itong perang dala-dala ko puros barya, ang bigat tuloy. "Wait bunso ko, heto na lagyan muna natin ng mineral water ang gatas you." Kailangan kong sanayin itong si Kevin na hindi matulad sa ate niya. Kaya ang ini-English ko lang ay sa simula or dulo lang at kung minsan puros tagalog na. Lalo na pagnagagalit ako. Ang hirap kaya magalit ka ng hindi tuloy-tuloy dahil lang sa hindi ako knows sa englishing na 'yan. Siguro kung sa daddy nila baka magkakaintindihan pa sila. Kaya naman hinalungkat ko na sa bag ang dala kong mineral water na binili ko lang sa terminal para sa gatas ng bunso ko. Ayaw ko naman kasi ilabas ang s**o ko dito lalo pa at may kalakihan ito at hindi pa lawlaw. Pero mukhang wala na akong magagawa kundi mapadede si Kevin sa akin. Mukhang naubos ko pala itong inumin kanina. "Mom, milk." Ayan na nga ba sinasabi ko. Paano ko ba siya mapapadede dito sa loob ng bus? Gayong itong lalaking ito sa harapan naming ay kanina pa silip-silip sa amin. Pero kailangan ko na talagang gawin kaya bahala siya diyang manigas, huwag lamang niya hahawakan. "Ito na baby Kevin." Tinanggal ko ang tatlong botones ng suot ko. Saka itinaas ang suot na bra sa may kanan ko bago pinahiga ang anak kong si Kevin sa aking kandungan upang makainom na ng milk mula sa akin. Tumahan na nga ito pagkasalpak ko. Mahirap maging isang ina lalo na at mag-isa ko lang silang kinakayod. Pero masaya sa pakiramdam at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na ipaulit ang nakaraan, siguro mas pipiliin ko pa rin ulitin ang pagkakamali ko para lamang maisilang ko ulit sila. Ako si Karen Isidro 23 years old. Isang dalagang ina. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito? Mahabang istorya pero keri ko naman isalaysay kung paanong si Miss Quack meets Doc Paul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD