Lala
Larawan ng isang masayang pamilya at perpektong asawa. Ganyan ilarawan ng nakararami ang asawa kong si Rafael (Ralph) Ellis. He's a goddamn gorgeous man. A tall and handsome. Sweet and loving. Lahat halos ng hahanapin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na. Kaya maraming kababaihan na pinapangarap ang isang Governor Ralph Ellis. Lahat halos sila naiinggit sa akin. Napakaswerte ko raw sa asawa ko.
Aaminin kong tama naman sila. Maswerte ako dahil ako ang pinakasalan niya. Bukod sa mabait siya'y lahat kaya niyang ibigay sa akin. Lahat-lahat ng pangangailan ko. Pera, alahas, karangyaan pero mayroon silang hindi alam na hindi kayang ibigay sa akin ni Ralph bilang isang babae.
Hindi niya kayang gampanan ang obligasyon niya sa akin bilang isang asawa ko sa kama.
Limang taon na kaming kasal ni Ralph, pero ni minsan hindi niya akong nagawang sipingan. Alam 'yan ng pamilya niya. Sa likod ng isang masayang imahe ng pamilyang pinangarap ko'y nagtatago ang isang malungkot na Lalaine Custodio Ellis.
"Ralph, ano bang problema sa akin? Bakit mo pa ako pinakasalan? Kung hindi mo kayang makip@gtalik sa 'kin. Heto ako Ralph damhin mo ang katawan ko," pagmamakaawa kong ani kay Ralph. Nilapitan ko siya't sinunggaban ng halik sa labi. Saka dinama ng aking kamay ang pagkalal@ke nito na hindi man lang naapektuhan sa hubad kong katawan.
"Lala, enough! Please don't do this," sabi nito at itinulak ako’t tumilapon sa ibaba ng kama kung saan siya nakahiga. Napahagulgol ako ng iyak sa sobrang panliliit sa aking sarili.
"I'm sorry, Lalaine ..." tinangka ako nitong lapitan. Ngunit hinarang ko agad ito gamit ang aking kamay.
"Diyan ka lang! Huwag mo akong lalapitan." Tumayo ako't isinuot ang roba sa aking katawan. At pabagsak na sinara ang pinto ng kanyang silid at pumasok sa k'warto ko.
Oo, simula nang magsama kami ni Ralph ay ganito na ang sitwasyon namin. Hating gabi na, alam kong nadidinig kami ng ibang kasambahay. Lalo ng yaya nitong si Nanay Milagros.
Nagtanggal ako ng roba at humiga sa aking malawak na kama. Saka ibinuk@ ang aking mga binti upang damhin ang aking s@rili. Hinagod ng aking kamay ang p********e ko upang maibsan lamang ang init ng katawan na hindi maibigay sa akin ng asawa kong si Ralph.
"Ohh, ahh, Jerome ..." halinghing kong sabi habang sinasambit ang pangalan ni Jerome.
Si Jerome ang bukod tanging nakapagparamdam sa akin kong gaano ka sarap maging babae.
"Ughhh!" Hanggang sa tuluyan akong manginig. Kasabay ng masaganang katas na inilabas ko'y siya ring patak ng masaganang luha sa aking mga mata. Nahahabag ako sa sitwasyon kong ito. Bakit pa niya ako pinakasalan kung palamuti lamang ako sa magandang imahe nito.
Bago pumunta ng banyo'y kinuha ko muna ang cellphone at tuluyang nakapag desisyon. Tinipa ko ang numero niya at isang ring lamang ay sinagot na nito ang tawag ko.
"Magkita tayo sa dating tagpuan," diretsang sabi ko kay Jerome.
"Good! Sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis. Ano iiwanan mo na ba ang walang silbi mong asawa?" Pinatay ko ang tawag at hindi na lamang siya sinagot.
Naligo ako't pinuntahan pagkatapos ang silid ng aking anak na si Rafael Junior. Ang anak namin ni Jerome.
Minahal at tinuring na tunay na anak ni Ralph ang anak ko. Binigyan ng pangalan at inaring anak niya.
"I'm sorry anak. Magulo pa ang sitwasyon natin ngayon. Pero pangako, makikilala mo rin ang totoong ama mo. Hindi pa sa ngayon. Pero malapit na." Humiga ako sa tabi ng aking anak. Saka ipinikit ang mga mata.
Masaya naman ako't tanggap ang lahat. Bago ako pinakasalan ni Ralph ay alam na niyang buntis ako. Si Ralph ang nagsalba sa aming mag-ina nang mga panahong hindi namin kasama si Jerome. Si Ralph ang nag-ahon sa akin sa putik na kinasadlakan ko. Si Ralph ang nagbihis at nagbigay sa amin na dapat sana'y si Jerome ang may gawa. Pero si Ralph din ang dahilan kung bakit ako miserable ngayon at tuluyang papasok sa bawal at kinasusuklaman na pakikiapid. Masarap pero di katanggap-tanggap.
Masama na ba ang maghangad ng higit pa sa kayamanan at karangyaan sa iyong asawa? Asawa ko naman siya at hindi iba. Ngunit bakit hindi niya ako magawang tingnan ng may pagnanasa man lang? Pangit ba ako? Hindi ba maganda ang katawan ko.
Bago kami ikasal noon ni Ralph ay inamin na niya sa akin na gagampanan lamang niya ang pagiging asawa sa materyal na bagay. At hindi ng asawa sa kama.
Sa una'y ayos lang sa akin ang lahat. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti akong nahuhulog sa kanya to the point na humantong pa ako sa pang-aakit sa kanya. Pero lagi akong bigo. Hanggang sa nakasanayan ko na at natanggap.
Ngunit biglang nagpakita sa Jerome at ginulo niyang muli ang buhay ko. Binuksan niya ang nagtatago kong pagnanasa sa katawan. Binuhay niya akong muli. Alam kong bawal at hindi katanggap-tanggap. Kaya sinubukan kong muli sa huling pagkakataon si Ralph. Ngunit anong napala ko't wala pa ring pagbabago.
Masama na ba akong babae? Masama na ba akong asawa? Kung hinahangad ko lang naman ay maibsan ang mga gabing malamig at naghahangad ng init ng katawan mula sa asawa ko?
Makapangyarihan si Ralph sa bayan na ito. Kaya kahit anong gawin kong imbistigasyon kung may tinatago siyang babae o may lihim ay palaging wala.
Wala akong matuklasan tungkol sa pagkatao niya.
"Good morning, honey, napasarap yata ang tulog mo kaya hindi na kita ginising kanina. Nasa school na rin ang anak natin." Kay sarap pakinggan ang sinabi nitong anak natin. Kahit ang totoo'y anak ko lamang si Rafael.
"Napuyat ako, pinuyat mo kasi ako kagabi," sabi ko at lumapit sa kanya upang gawaran ng halik sa labi. Bago umupo sa katabing silya.
Narito si Nanay Milagros na siyang nagsisilbi sa kanya, sa amin palagi. Alam kong alam ng matanda ang totoong nangyayari sa amin sa loob ng bahay na ito. Bukod sa kanya'y wala nang ibang nakakapasok pa sa aking silid. Ang tago kong silid.
Ang alam ng ibang katulong ay masaya at sa iisang kama lamang kami matulog ni Ralph. Pero hindi nila alam na props lang ang lahat ng iyon. Maitago lamang ang lihim ni Governor Ralph Ellis.
"Aalis ako mamaya at pupunta sa amin. Nami-miss ko na ang mga kapatid ko. Doon ako matutulog kaya bukas pa ako uuwi," deretsang sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pagsubo.
Hindi ko na lamang siya pinaglaanan ng tingin at nagpatuloy ako sa pagkain.
"Kailangan ba talagang doon ka matulog? I mean puwede ko sila ipasundo sa mga tauhan ko't ..." natigil ito magsalita nang gawaran ko siya ng matalim na tingin.
"Gusto ko silang puntahan at makasama sa Maynila at hindi dito," makahulugan kong sabi. Tumango lamang ito at nagpunas ng kanyang bibig saka ako sinagot.
"Alright, pasasamahan kita ..."
"Ako lang ang aalis at ayaw ko ng may kasama. Ayaw ko din na pasundan mo ako sa mga tauhan mo,” pigil kong sabi sa kanya na nagpatigil sa iba pa nitong sasabihin.
"S-sige kung 'yan ang gusto mo," walang magawa nitong sagot.
"Salamat,” sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Ito ang mga bagay na hindi ko maintindihan kay Ralph. Possessive siya at nakakasakal kung minsan. Para akong isang puppet na kailangan sumunod sa kanya. Isang palamuti sa isang tabi upang hindi madungisan ang pamilya nila. Pero sawa na ako maging sunod-sunuran pa, maitago lamang ang lihim ni Ralph Ellis, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nalalaman kung ano?
Gamit ang kotse na ako mismo ang siyang nagmamaneho ay binaybay ko ang daan papuntang Maynila at nag-check in sa sikat na hotel. Alam kong may sumusunod sa akin kaya hindi ako dumiretso sa dating tagpuan namin ni Jerome.
Kaya nagpasya akong magpahinga muna bago nagpadala ng mensahe sa kanya kong nasaan ako. Balak ko munang magbabad at maligo at para makapag isip na rin kung tama ba itong gagawin ko. Ngunit wala pa man ay dumating na kaagad si Jerome nang kumatok sa pinto kung saan ako namamalagi. Ang buong akala ko'y bellboy lamang ng hotel pero hindi pala at si Jerome ito.
"Miss me?" 'Yon lamang ang kanyang sinabi at walang anu-anu'y ginawaran ako ng mapusok na halik.
"I so damned miss you, Lala. Everything about you, especially your body and moans." Ibang-iba na ang Jerome na minahal ko noon at Jerome sa harap ko ngayon habang hinahalikan ako. Mapagparusa ang mga halik niya ngayon.
"Jerome, ano ba?!" Tinulak ko siya nang tangka na nitong hawakan muli ang kaselanan ko.
"Ano? Akala ko ba ito ang gusto mo? Narito na ako Lala sa harapan mo. Handa kang dalhin muli sa langit at iparamdam sa 'yo na ako lang ang kailangan mo. At hindi nang asawa mong hindi tinitigasan at walang k'wenta ..." isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.
Oo at hindi ako kayang paligayahin ni Ralph sa kama. Pero hindi siya nagkulang sa amin ng anak ko na dapat sana ay siya ang gumagawa.
"Wala kang karapatan pagsalitaan ang asawa ko ng ganyan Jerome. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko magmula nang hindi ka sumulpot sa tagpuan natin noon. Ikaw ang nagluko at sumira sa pangako kaya tayo nagkahiwalay." Inayos ko ang sarili saka binuksan ang pintuan upang palabasin ito.
"Umalis ka na! Hindi na dapat ako nakipagkita pa sa 'yo. Hindi ka na sana bumalik pa sa buhay ko." Lumapit naman ito habang hawak pa rin ang pisngi dulot ng aking pagkakasampal.
Ngunit bago ito lumabas ay nag-iwan muna sa akin ng salita na nagdala ng kakaibang takot at kaba sa akin.
"Pagbibigyan kita ngayon Lalaine. Pero pinapangako ko na hindi lang ito ang huli nating pagkikita. Babawiin kita sa asawa mo! Tandaan mo 'yan."
Nagdala ng kilabot at takot ang banta na iyon ni Jerome. Alam kong mas makapangyarihan na siya ngayon kaysa noon. At kapag may sinabi ito'y alam kong gagawin niya.
Tuluyan akong napahagulgol ng makalabas si Jerome. Paano ko maayos ang pamilyang pinangarap ko kung patuloy pa rin akong minumulto ng nakaraan. Ang nakaraan na pilit kong kinalimutan at ibinaon sa limot.