Kabanata 2

1597 Words
Lala Pinilit kong iwaglit at burahin sa aking isipan si Jerome. Gusto kong maging normal muli ang buhay ko, ang buhay namin ng pamilya ko kasama ng aking anak. Nagpalit ako ng numero para hindi niya ako matawagan pa. Hindi na rin ako lumuwas pa papuntang Maynila para maiwasan lamang si Jerome. Kailangan ko itong gawin habang may natitira pa akong katinuan bago tuluyang masira ang pamilyang pinangarap ko ng matagal. Alam kong mahal ko si Ralph. Ngunit mahal ko rin si Jerome. Sino nga ba sa kanila ang matimbang sa puso ko? Si Ralph na responsableng asawa o si Jerome na napupunan ang pagkukulang ni Ralph. Gusto ko lamang noon ang normal at katamtamang pamumuhay kasama ng magiging asawa ko. Mapakain ang mga anak ko sa tamang oras. Makapag-aral sa magandang eskwelahan. Ayaw kong magaya sila sa naging buhay ko simula pagkabata na dumanas ng hirap. Kaya pinangako ko noon sa aking sarili na magtatagumpay ako sa kahit na anong paraan. Hanggang makilala ko si Jerome na akala ko magiging katuwang ko. At siyang bubuo at kukumpleto sa akin, ngunit sa huli'y binigo lamang niya ako. Pinilit ko siyang kalimutan nang mapunta ako sa kamay ni Ralph, pero binigo rin ako ni Ralph. Gayunpaman, kailangan kong tanggapin na ganito talaga ang kapalaran ko. Gusto kong magsimulang muli kasama ni Ralph mapaligaya man niya ako sa kama o hindi. Hindi bale na lamang ako, huwag lang maghirap ang anak ko gaya ng naranasan ko noon. "Mabuhay si Governor Ellis! Mabuhay!" sigaw ng mga taga-suporta ng asawa ko. Nasa meeting-de-avance kami ngayon. Isang maliit na rally para sa taga-suporta ni Ralph. Pormal niyang inanunsyo ang pag-takbo sa darating na halalan bilang Senador. "Maraming salamat po, mga kababayan. Makaaasa po kayo na mas lalo kong matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa sa inyo hindi lang ng Bayan ng Santa Barbara, kapagka naluklok ako sa pwesto bilang inyong Senador." Isang masigabong palakpakan ang pinakawalan ng mga kababayan namin para kay Ralph. "At ito po ay hindi ko magagawa kong wala sa buhay ko ang butihin kong asawa na si Lalaine, honey?" Natigilan ako sa pakikipag-usap sa asawa ni Mayor nang tawagin ako ni Ralph. Tumayo ako't pinakawalan ang matamis na ngiti sa aking labi at lumapit sa kanya. "Napaka-ganda ng asawa ko, hindi ba?" Hiyawan at palakpakan ang isinagot ng mga nanonood sa amin. Hinagkan ako ni Ralph at hinalikan ng mabilis sa aking labi. Kay sarap sa pakiramdam kong totoo ang lahat ng ito. Kung totoo nga na ang isang Governor Ralph Ellis ay mahal ako't asawa ang turing sa akin, isang asawa na hindi lang sa papel kundi asawa sa lahat ng bagay. "Napaka-swerte n'yo po na magkaroon ng napakagandang asawa, Governor. Sabik tuloy kaming malaman kung paano nga ba kayo nagkakilala at nagka-ibigan?" tanong muli ng isang Ginang na malapit sa amin. Nagpakawala ng matamis na ngiti si Ralph, at sasagot na sana nang maagaw ng lahat ang presesnya ng isang bagong dating. Tilian ang ilan sa mga kababaihan at nasa-iisang direksyon lang ang tingin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakalusot ang tanong na iyon kay Ralph. Hanggang magawi ang aming paningin sa taong paparating, kasabay ng anunsyo ng M.C. "Ikinalulugod po naming ipakilala ang major sponsor sa gabing ito at sa darating pa. One of the richest Businessman in the country, the Bachelor Mr. Jerome Bustamante." Tuluyang nalusaw ang aking ngiti sa taong dumating. Nakaramdam kaagad ako ng kaba sa aking dibdib. "Ano ang ginagawa niya dito?" tanong ko sa aking sarili. Gusto kong magtago ngunit huli na, at alam kong alam niya at kilala si Ralph. Pinilit kong ngumiti at aalis sana sa tabi ni Ralph. Ngunit hindi makawala ang aking kamay. Panay hiyawan ng mga tao at nagsilbing fans day ang rally na ito nang dahil lamang sa presensya ni Jerome. Nakipag-kamay siya sa iba pang kandidato at ang pinakahuli kay Ralph. Saglit na nagkasalubong ang mga mata naming, dalawa pati na rin sa kamay kong nakapulupot sa braso ni Ralph saka ibinaling ang tingin sa aking asawa at nagpakilala. "Finally, nakilala ko na rin ang isang anonymous sponsor para sa mga kababayan ko, maraming salamat Mr. Bustamante," malugod na pagbati at pasasalamat ni Ralph kay Jerome. Nagtaka man ako sa sinabi ni Ralph ngunit binigyan niya agad ito ng linaw. "Honey, naalala mo ba minsan, hindi ba sinabi ko sa 'yo na may nagpapadala lagi ng donasyon sa amin ni Mayor? Si Mr. Bustamante pala ang taong iyon. Ang buong akala ko'y isang matandang mayaman na walang magawa sa salapi ang Mr. Bustamante, pero sinong mag-aakala na mas bata pa pala siya sa akin," mahabang turan ni Ralph sa akin. "Naalala ko nga, Honey. Salamat sa tulong mo, Mr. Bustamante," tugon ko. "Ikinalulugod ko ang makatulong, sa katunayan, layunin ng kompanya ko ang mamahagi hindi lang ng Santa Barbara kundi maging sa ibang Bayan. At isa pa may pinangangalaagan lamang akong isang espesyal sa akin ... at sa pamamagitan nito'y natutupad ko ang pangakong nabitawan sa kanya noon," mahabang sabi nito at tumingin sa akin. Iniwas ko ang tingin at ipinulupot lalo ang kamay kay Ralph. "Marahil ay labis mong minamahal ang taong iyon, maari ba naming malaman kong tagarito ba sa Santa Barbara ang nais mong paglaanan?" Hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan. Umiiiwas ako ng tingin, pakiramdam ko'y tumatagos ang mga titig sa akin ni Jerome sa harap mismo ni Ralph. Huwag naman sana niyang sirain ang pamilya ko. "Yeah, but she's gone." Nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni Jerome. "But ... kukunin ko siyang muli at babawiin ko, sa palagay mo Governor. Maari mo ba akong tulungan ...? Ha, ha, just kidding Governor. In fact, malapit na rin ako ikasal at imbitado kayong dalawa." Nagtawanan ang dalawa. habang ako'y nagkunyaring nakikipag-usap sa aking katabi. Nagbigay ng mensahe sa Jerome, dala ang isa pang magandang balita para sa kababayan namin. Nagdala ito ng mga grocery bilang siya pala ang may-ari ng sikat na pamilihan sa Metro Manila. Sinabi rin nito na magtatayo siya dito sa aming lugar ng branch at sinigurado nitong mas mura at dekalidad ang mga produkto. Magbubukas din ito ng opurtunidad sa mga kababayan na makakapasa upang maging ganap na empleyado. Maganda ang layunin ni Jerome. Pero may pakiramdam akong may iba siyang pakay at iyon ang isa sa kinakatakot ko. Baka totohanin niya ang kanyang banta noong huli naming pagkikita. Pagkatapos ay nag-handa ng salo-salo si Major Javier sa kanilang mansyon na pinangunahan ng butihin niyang asawa. Biglaan kasi ang meeting na ito kaya hindi namin napaghandaan. Wala naman sinasabi sa akin si Ralph. Hindi rin naman kami nga-uusap ng ibang bagay at lalong hindi kami magkasama sa iisang silid. Abala siya bilang Governor at ako nama'y abala rin sa pag-aasikaso ng aking anak at sa livelihood program na aking pinangunahan bilang may bahay ni Governor Ellis. Araw-araw umiikot ang aking team upang maibsan lamang ang malnutrisyon para sa mga bata at pamilyang hikaos sa buhay. Layunin ko rin na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga bata na hindi kayang pag-aralin ng kanilang magulang. Naalala ko kasi ang kabataan ko noon. Mga panahong lulong pa sa bisyo sila Inay at Itay. "Honey, magbabanyo lang ako," paalam ko kay Ralph. Tapos na kaming kumain at narito naman kami para sa kaunting inuman. Habang masayang nagpapalitan ng mga kuro-kuro at layunin para sa ikabubuti ng aming bayan. Maganda at malawak ang bahay ng mga Javier sa lungsod malapit sa munisipyo. Ang mga Javier at Ellis ay magpinsang buo. Ilang dekada nang nagpasalin-salin sa kanilang henerasyon ang pamamalakad sa Bayan ng Santa Barbara. Isasara ko na sana ang pintuan ng banyo nang magulat ako sa presensya ni Jerome. Tinakpan nito kaagad ang aking bibig at isinandal ako sa pinto. "Kumusta ka na, Lalaine? Alamo bang binaliw mo ako sa kakahanap sa 'yo? Kinailangan ko pang gumastos ng milyones mapalapit lamang sa inyo ni Governor. Salamat sa aking salapi, naging posible ang lahat ng ito," bulong nito sa akin. Walang babala nitong pinaghiwalay ang aking dalawang binti at tuluyang ipinasok sa akin ang daliri. Nais kong sumigaw ngunit hindi maari. Ayaw kong masira ang pamilya ko at pangalan ni Ralph. "Alam kong nasabik ka sa akin Lalaine, kaya ito ang aking munting regalo sa 'yo at sana hindi mo ito basta makalilimutan," bulong pa niya sa akin habang ang daliri nito'y abala sa aking p********e. Pinigilan kong makalikha ng ingay nang bitawan ni Jerome ang aking bibig at ipinalit ang kanyang labi. Mabilis akong nanginig at tuluyang napahalinghing nang takpan nito ang aking bibig gamit ang kanyang labi. Hingal na hingal ako't pinagpawisan nang tuluyan niyang tanggalin ang daliri at maya-maya'y dinala sa kanyang labi ang kamay niyang basa tanda ng aking inilabas. "You are the sweetest, Lalaine ... "Umalis ka na," mariin at matigas kong sabi. "Aalis lang ako, kong makikipagkita ka sa akin ... "Tapos na tayong dalawa, wala na tayong pag-uusapan. Parang awa mo na, Jerome, huwag mong sisirain ang pangalan ng asawa ko." "Hindi ko sisirain kong papayag kang makipagkita sa akin ... "Hindi puwede!," mariin kong sagot. "Kung gano'n pasensyahan na tayo," sasagot pa sana ako nang marinig ko ang boses ni Ralph sa labas. "Honey, ayos ka lang ba?" "Ano Lala? Bubuksan ko na ba? Walang masisira sa pangalan ko, at handa akong masira kung ikaw naman ang kapalit," bulong pa nito sa akin. Ibang-iba na ang Jerome noon at Jerome na kaharap ko ngayon. Pero sa kabila nito'y narito pa rin siya sa isip at puso ko. "Oo na! Pakiusap ... "Good, magkita tayo sa lugar na ito, bukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD