Kabanata 3

1542 Words
Lala Mag-uumaga na nang makatulog ako. Kaya paggising ko’y halata ang pangingitim ng aking mga mata. Mabuti na lamang at natakpan ito ng concealer na ginagamit ko. Buong magdamag kasi inukupa ni Jerome ang isip ko. Bakit dito pa niyang naisipan na makipagkita sa akin? Ano ba ang pakay niya? Akala ko ba magpapakasal na siya? Maraming katanungan na si Jerome lang ang makakasagot. Kailangan na naming itigil ito. “Good morning baby, morning Hon,” pagbati ko sa aking anak at kay Ralph. Nasa labas sila ngayon nagba-basket ball. “Mommy, I thought you were sick?” tanong ng anak ko nang lapitan niya ako’t hinalikan. “Huh?! …” pinutol ko ang sasabihin at pasimpleng tiningnan si Ralph. Hindi alam ng anak ko ang totoong lagay namin ni Ralph. “Baby ano kasi—” “I took care of your Mom last night. Thank God at maayos ka na,” si Ralph ang sumagot. Bago ito lumapit sa akin upang hagkan ako. Napakalambing niya. Sana totoo na lang ang lahat ng ito. “Wow! magaling po pala mag-alaga si Dad.” “Super! anak, pawisan ka na,” mabuti na lamang at mas malaki ang pagkakahawig ko sa anak ko. May kaunting hawig siya kay Jerome dati pero ngayon medyo nag-iba ang itsura niya. “Mommy, are you going somewhere? tanong muli ng anak ko. Napatingin ako kay Ralph at tumango lang ito. Saka ko hinarap at nakangiting sumagot. “Yes, baby. May may trabaho si Mommy,” sabi ko. Kasinungalingan. I’m sorry anak. Kailangan kong kausapin ang tatay mo para tigilan niya ako. “May feeding program ba kayo ngayon?” tanong ni Ralph. “Hmm, oo medyo may kalayuan kaya maaga ako aalis,” sagot ko kay Ralph. Totoong may pupuntahan ngayon ang team ko para maghanap ng pamilyang maari namin tulungan. Pero kasama na rin ang pagkikita namin ni Jerome. Lumapit siya sa akin at walang babala niyang pinagdikit ang aming mga labi. Hindi ako makakilos lalo’t hinapit niya ako sa baywang palapit sa kanya. Gusto ko siyang itulak. Alam kong ginagawa niya lang ito sa harap ni Rafael. Pumikit ako’t dinama ang bawat hagod ng labi niya. Pero bakit parang may kulang? “Take care. And you must remember that you are my wife. My property. I don’t share what’s mine, Lalaine,” bulong niya bago ako pakawalan. Pinanindigan ako ng balahibo sa narinig sa kanya. Bakit ba siya ganito? May hinala na kaya siya o dati pa niyang kilala si Jerome? “Oo, naman! Hindi ko nakalilimutan ‘yon. I have to go.” Humalik akong muli sa anak ko bago tuluyang lumabas papunta sa kotse ko. Bago lumabas ay may kakaibang tingin na ipinukol sa akin ang Mama ni Ralph. Mabait si Rafael senior ang Papa niya pero si Mama malayo ang loob sa akin. Wala naman ako marinig sa kanya pero hindi rin kami nag-uusap kung hindi kailangan. Nagmaneho ako papunta sa lugar. Naroon na rin naman ang mga tauhan ko at nauna nang naghatid ng tulong. Saktong magtatanghali nang dumating ako sa lugar. Binati ako ng lahat maging ng mga pamilyang napasama sa listahan. Labis silang nagpapasalamat sa hatid naming tulong sa kanila. “Walang anuman po, ang mga tulong po namin ay kaloob ng ating butihing gobernador na—” natigilan ako magsalita nang makadinig ako ugong ng sasakyan. Nang lingunin ko ito’y walang iba kundi ang pangalan ng grocery ni Jerome. Dala ang malaking truck at sa kasunod nito’y ang magara niyang sasakyan lulan nito. “Totoo nga, bumalik nga si Sir Jerome,” tila kinikilig na sabi ng isa sa kasamahan namin. Tiningnan ko siya’t nakuha naman nito ang nais kong itanong. “Ma’am kanina po kasi mas nauna pa ho siya sa amin dumating dito. Ang sabi niya babalik daw siya dala ang regalo niya,” kumikislap na turan nito. “Ganoon ba? Sige na tumulong na kayo para ipamigay na sa bawat pamilya at nang makauwi na tayo,” utos ko. “Sige po Ma’am, ako na pong bahala,” sabi niya at umalis na. Nagpasya akong pumasok sa loob ng sasakyan ko. Para tingnan kong sino ba itong kanina pa nagpapadala ng message. “Tsk, paano mo nakuha ang number ko?” reply ko kay Jerome. Unknown: Maraming paraan para makuha ko ang number ng sino man. Ikaw pa kaya. Unknown: I so damned miss you, my Lala. Unknown: please come back to me. Ako na lang ulit. Sunod-sunod niyang text messages. Hindi na ako nag-reply nang makatanggap muli ng mensahe sa kanya. Unknown: Hihintayin kita sa address na ibinigay ko sa ‘yo. Mauuna na ako. At kapag hindi ka dumating sa loob ng isang-oras—alam mo na siguro ang gagawin ko. “Damn it, Jerome,” aniko habang gigil na hawak ang aking cellphone. Tumingin ako sa papaalis niyang sasakyan, mabuti at hindi na niya ako nilapitan dito. Kailangan matapos na ang kahibangan kong ito. Tumulong muna ako saglit sa pamamahagi ng groceries na handog ni Jerome saka nauna ng nagpaalam sa team leader ko. Kabadong-kabado ako papunta sa lugar. May kalayuan na rin ito kaya alam kong walang makakasunod sa amin. Medyo liblib ito at lubak-lubak ang daan papunta sa lugar. Hanggang makarating ako sa sinasabing lugar ni Jerome. Mukha itong ancestral house na napabayaan na ng mahabang taon. Nakakita ako ng sasakyan pero iba sa gamit niya kanina. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at naghintay muna saglit. Natatakot akong iba ang siyang madatnan ko sa labas. Kinuha ko ang cellphone at magtitipa sana ng mensahe sa kanya ngunit… Unknown: Pumasok ka na, ayaw mo naman siguro na buhatin pa kita. Pinatay ko ang telepono ko at pumikit muna saglit. Saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga at lakas loob na lumabas at tinungo ang pinto na medyo awang na. Binuksan ko ito’t laking gulat sa mga braso ni Jerome. Hinapit niya ako sa baywang at sinunggaban agad ng halik sa labi. “What took you so long, Lala? Sabik na sabik na ako sa ‘yo,” sabi niya sa pagitan ng mapagparusa niyang halik. Buong lakas ko naman siyang itinulak at napagtagumpayan ko naman ito. Awang ang labi niyang nakangisi at di makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “Pumunta ako rito hindi para makipaghalikan sa ‘yo, Jerome!” Lakas loob kong sigaw. Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang. “So, ano ang dahilan mo at nakipagkita ka—” “Gusto kong tigilan mo na ako, Jerome—” “Tigilan?! Hindi mo alam kong ano ang kabaliwang ginawa ko Lalaine, makaharap lang kita ng ganito kalapit, tapos gusto mong tigilan na natin ‘to? That's bullshit!” biglang sigaw niya bago ko naramdaman ang pagbugat niya sa akin at iniakyat sa itaas. “Jerome! Ano ba?! Bitiwan mo ako! Ayaw ko na ng ganito!” pagpupumiglas kong sigaw. Parang wala siyang nadidinig sa halip pabagsak niya akong inihiga sa kama. “Ano—” “Stop! Bullshit, fvck! Arrg!” galit na galit niyang sigaw. Kaya natigilan ako. “Hindi mo man lang ba pakikinggan kong bakit hindi ako nakasulpot sa tagpuan natin?” sigaw niya at pinagsusuntok ang pader. Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan pero ano ang gagawin ko kung hindi na kami maari pang magsama. Kahit gustuhin ko man siyang makasama ay alam kong hindi ako basta pakakawalan ni Ralph. “Tama na, Jerome!” humihikbi kong pakiusap. Tumigil naman ito at lumapit sa akin. Nakikita ko ang basa niyang mukha patunay na galing siya sa pag-iyak. Hinawakan ng dalawa niyang mga palad ang aking mukha upang punasan din ang mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata. “N-nakulong ako, Lalaine—” “A-ano’ng ibig mong sabihin?” Binitawan niya ako’t naupo sa aking tabi. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita. “Papunta na sana ako nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Kaya nagpasya akong lumiko ng daan kahit nakikita na kita mula sa di kalayuan. Alam kong idadamay ka nila kung nagpatuloy ako kaya—” “At ngayon mo lang sinabi sa akin ‘yan?” panunumbat ko. “Dahil ayaw kong makitang ganyan ang reaksyon mo! Gaya ngayon, naawa ka lang sa akin hindi ba?” Natigilan ako sa muling sinabi ni Jerome at lalo sa muling tanong nito. “M-mahal mo na ba siya? Napalitan na ba ako sa puso mo?! Sabihin mo at lahat gagawin ko mahalin mo lang akong muli,” nakikiusap niyang turan habang ayaw paawat ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ano ba ang isasagot ko? Oo mahal ko na si Ralph pero … “Mas mahal kita, Jerome. Ikaw pa rin hanggang—” natigilan ako magsalita nang walang babala ako nitong halikang muli. Marahan at mapaanyaya. Kaya ‘di ko na namalayang nakapulupot na pala ang aking mga kamay sa kanyang likuran at sinasabayan na rin ang bawat hagod ng kanyang labi. Inihiga niya ako sa kama at marahan na dumapo ang kamay sa aking dibdib. Natigilan ako at gayon din siya. Mapupungay ang mga mata niya akong tiningnan. “Please, be mine tonight just like before. At patutunayan ko sa ‘yo na ako lang ang mahal mo at wala ng iba. Ako lang Lalaine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD