THIS CHAPTER CONTAINS s****l ACTIVITIES. NOT SUITABLE FOR MINORS. READ AT YOUR OWN RISK! Kinabukasan kagaya nga nang sinabi ni Althea kay Chino, maaga nga siyang nagtungo sa condo unit ng kasintahan upang sabayan ito sa almusal. Bago siya magtungo roon ay dumaan muna siya sa Jolly House, upang mag-take out ng kanilang pagkain. Malamang kasi na hindi pa ito nakakapagluto dahil maaga pa nga talaga. Nang nasa tapat na siya ng unit nina Chino, pinindot niya ang door bell sa labas ng unit ng mga ito. Inihanda niya ang napakatamis niyang ngiti, para kung sakaling si Chino man ang magbubukas niyon ay mapangiti rin ito sa kaniya. Ilang sandali pa siyang naghintay, bago may magbukas ng pintuan. “Good morning, Love!” masiglang bati pa niya rito sa pag-aakalang si Chino nga iyon. Ngunit bigla n

