After hearing Chino’s story, lalong minahal ni Althea ang kasintahan. Hanga siya sa katapangan at determinasyon nito sa buhay. Kaya naman naisip niyang manatili sa tabi nito no matter what happen. Hindi niya hahayaang malungkot muli ang binata, at maramdamang nag-iisa lang ito. “Althea!” Napalingon siya sa pinanggalingan ng tumawag sa kaniya. Napakunot-noo pa siya nang makita ang humahangos na si Zaki. Tila tumakbo ito mula sa kung saan para lang hanapin siya. Nasa ilalim siya ng punong mangga sa likod ng kanilang library nang mga sandaling iyon, at nakapangalumbaba habang nakatingin sa kawalan nang gambalain siya ni Zaki. Nakabuklat ang kaniyang libro habang nakapatong naman ang kamay niyang may hawak na pink highlighter. Magre-review kasi sana siya kaso nauwi sa pagde-day dreaming a

