Mabilis na lumipas ang mga araw, mga lingo, mga buwan at mga taon. Ngayon nga ay nagtatrabaho na siya bilang empleyado sa banko nina Lester at nasa ikalawang taon na rin sila sa pag-aaral sa kolehiyo. Ginawa siyang assistant ng papa ni Lester kung saan sa back of the office lang siya magtatrabaho. Madali lang naman ang ibinigay sa kaniyang trabaho, dahil tanging pagpa-file lang ang kaniyang ginagawa at very flexible rin ang kaniyang oras, sa oras ng kaniyang pasok sa kaniyang school. “How are you doing sa office hijo?” tanong sa kaniya ng ama ni Lester isang araw nang dumalaw ito sa kanilang condo ng kaibigan. Malayo kasi masyado kung bibiyahe sila ni Lester araw-araw mula sa bahay ng mga ito patungo sa kanilang paaralan. Kaya naman bumili ng condo ang papa ni Lester malapit sa kanilan

