“So, nagkita kayo ni Althea kanina at may kasama siyang lalake?” paglilinaw ni Lester sa kaniya. Kasalukuyan na silang nakaupo sa veranda ng kanilang unit habang umiinom ng beer in can. Nadatnan kasi niya kanina si Lester na nanonood ng movie nang makarating siya sa kanilang unit. Kaya naman agad niya itong nilapitan at naikuwento ang pagkikita nila ni Althea kanina. “Oo ‘tol,” sagot niya sa kaibigan habang hawak sa kaniyang kamay ang canned beer na iniinom niya. “So, noong nagkita kayo, anong naramdaman mo?” muling usisa nito sa kaniya. “Na-excite ako, lumundag ang puso ko sa tuwa ‘tol. But not until I saw that guy, Zaki,” salubong ang kilay niyang saad dito. Muli na namang sumagi sa kaniyang isipan ang mukha ng lalakeng kasama ni Althea. Maamo ang mukha ng lalake, pero iba ang paki

