Dalawang araw nang nakalilipas simula nang maoperahan si Paulo, at nagiging mabilis naman ang recovery nito. May mga aparato at tubo pa ring nakakabit sa katawan ng kaniyang anak, pero ayon sa doktor nito ay malapit na rin iyong tanggalin. Sa loob ng dalawang araw ay hindi na rin niya muling nakita ang ama ng kaniyang anak. Matapos nitong mag-donate ng dugo ay bigla na lang itong naglahong parang bula. “Ano namang iniaangal mo? Eh, diba sinabi mo sa kaniya na after ng operasyon sana layuan na niya kayo? Oh, ayan na, wala na siya. So anong drama mo?” kastigo niya sa kaniyang sarili. “Sabi kasi be careful what you wish for!” Muntik pa siyang mapalundag nang may biglang magsalita sa kaniyang likuran. Agad niyang nilingon kung sino iyon at agad na hinampas nang makitang si Georgina iyon. “

