“Hay, naku sis! Grabe na iyang jowa mo ha! Nakaloloka! Ayaw mo ba talaga siyang harapin? Baka sa susunod hindi ko na siya mapagtaguan!” tumitirik pa ang mga matang saad ni Georgina kay Althea. Kararating lang nito mula sa kanilang paaralan at hingal na hingal pa ito habang naglilitaniya sa kaniya. May ilang buwan na rin ang nakalilipas simula nang tumira siya sa bahay ng kaibigan. Hindi na rin siya pumapasok sa kanilang paaralan dahil nga sa kalagayan niya. Dahil sa labis na stress at kalungkutan ay muntik pa siyang makunan, kung hindi lang naging maagap si Georgina— baka ngayon ay wala na ang kaniyang anak. FLASHBACK... Walang ginawa si Althea kundi ang umiyak nang umiyak. Bawat araw na lumilipas ay parang parusa sa kaniya. Kahit anong gawin niya, hindi mawala-wala ang sakit na kaniya

