Napapangiti pa si Althea habang pinagmamasdan sa kaniyang tabi ang tulog na tulog na kasintahan. Hindi nito inaasahan ang kaniyang ginawa kanina kaya naman imbes na isang round lang sila, nauwi sa second round ang ginawa niyang panghaharot dito. Napapakagat labi pa siya habang inaalala ang ginawa niyang paggiling sa ibabaw nito. At dahil doon, tila nangangalay ang kaniyang mga hita ngayon, kaya nang tumayo siya ay muntik pa siyang mabuwal dahil sa panghihina ng kaniyang mga hita. ‘Ayan round two pa nga kasi, harot!’ sermon niya sa kaniyang sarili. ‘Eh, mesherep eh. Hihihi!’ tugon naman ng kabililang panig ng kaniyang utak. Tinantiya na muna niya ang kaniyang sarili saka muling naglakad. Kinuha niya ang tuwalya ni Chino na nakalagay sa hanger, na nakasabit din sa dinding ng silid nito

