“Girl! Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkakuwentuhan. Kumusta na kayo ni Chino?” tanong ni Grace sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa garden ng bahay nila, dahil wala silang pasok ngayong araw. Nang tawagan niya kanina si Grace ay napag-alaman niyang kauuwi lang din nito galing sa palengke. “Shhh! Huwag kang maingay! Baka marinig ka ni Mama!” saway niya sa kaniyang kaibigan, sabay lingon niya sa kanilang paligid. Natutop naman ng kaibigan ang bibig nito saka humagikhik sa kaniyang tabi. “Ayyy! Sor’ na. Nakalimutan kong hindi pa nga pala alam nila Tita na may jowa ka na,” pabulong pang saad nito sa kaniya. “Oo, kaya huwag kang maingay riyan,” sagot niya rito. “Bakit ba naman kasi hindi mo pa sabihin sa kanila ang tungkol sa inyo ni Chino? Wala naman sigurong masama kung mag-jowa

