Kinakabahan si Chino habang hinihintay si Althea sa kanilang unit. Nang tumawag kasi ang kasintahan sa kaniya ay parang malungkot ito. Hindi naman nito sinabi kung ano ang pag-uusapan nila, basta ang sinabi lang nito ay mahalaga raw ang bagay na iyon. Nakailang ikot na siya loob ng kanilang unit pero wala pa rin ang kasintahan. Tatawagan na sana niya ito nang tumunog ang door bell ng kanilang unit. Malalaki ang mga hakbang na nagtungo siya sa pintuan ng kanilang unit at agad na binuksan iyon. Mabilis niyang niyakap ang kasintahan bago ito hinilang papasok sa kanilang unit. “Love, may problema ba?” nag-aalalang tanong niya sa dalaga nang makaupo na sila sa sofa sa sala ng unit nila. Hinawi niya ang buhok ng dalagang tumatabing sa maganda nitong mukha, saka ito hinawakan sa baba nito at

