Kinabukasan ay maagang naggayak si Chino upang puntahan sana si Althea sa dorm nito. Kagaya nang nakaraang gabi, hindi pa rin niya ma-contact ang kasintahan. Nakailang tawag at text na siya rito ay wala pa rin sagot mula sa dalaga. Kaya naman ngayon ay sasadyain na niya ito sa dorm nito, at makikiusap sa land lady nito kung maaari siyang patuluyin sa dorm ng mga ito. Alam niyang imposible iyon pero susubukan pa rin niya. Nang nasa tapat na siya ng dorm ni Althea ay agad siyang nag-door bell. Hindi naman nagtagal at may lumabas mula roon na babaeng may katabaan na nakasuot ng duster at naka curlers ang buhok, may hawak pa itong tasa ng kape. “Magandang umaga po,” nag-aalangang bati niya rito. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa saka muling humigop ng kape. Mula sa tasang ha

