Chapter 30

2315 Words

“Althea anak, kakain na!” Tawag ng kaniyang ina mula sa labas ng kaniyang silid. “Sige po Ma, mamaya na lang po ako kakain!” tugon naman niya rito. Ang totoo, ayaw niyang maamoy ang sinangag na niluto ng kaniyang ina, kaya mamaya na lang siya lalabas ng kaniyang silid. “Sigurado ka? May masakit ba sa iyo?” tanong pa nito sa kaniya. “Wala po Ma! Okay lang po ako!” muli niyang tugon sa ina. “Sige, mamaya na lang tayo mag-usap,” wika pa nito bago siya nakarinig ng mga yabag nang papalayo mula sa labas ng kaniyang silid. Nakahinga naman siya nang maluwag nang hindi siya kulitin pa ng kaniyang ina. Pero siguro kailangan na niyang magtapat sa kaniyang mga magulang. Hindi naman siguro siya palalayasin ng mga ito, dahil anak pa rin naman siya ng mga ito. Saka isa pa, sabi nga ‘di ba; walang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD