27 pagdidiwara

853 Words

27 pagdidiwara Natalo ang aking nobela sa patimpalak. Sandali akong nanamlay. Hindi ko naisip na pinupuri lang ako noon dahil kusang ibinaba ng mga iyon ang pamantayan sa aking kaso—isang di manunulat na nagsulat. Iba nang usapan kapag isinalang ko ang aking akda kaalinsabay ng sa mga batikang manunulat. “Hindi na ako muling magsusulat,” sabi ko sa panganay nang itanong niya kung may bago ba akong likha. “Talagang gayon. Bagu-bago ka pa lang naman nagsusulat.” “Pero matanda na ako para matuto. Hanggang do’n lang ang kaya ko.” Hindi na nga ako nagsulat. Paggising ko ngayon sa umaga, ang mga tanim kong gulay ang inaasikaso ko. Sa akin yata ukol ang panunuyang: “Magtanim ka na lang ng kamote.” Tulad ngayon, nahiga ako pagkakain ng hapunan. Isinagad ko ang lakas kangina sa paghahalaman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD