26 sisidlan ng tuwa Lumabas na rin ang artikulo tungkol sa akin. Wala akong pagsidlan ng tuwa, kailangang may makahati. Tinawagan ko ang panganay. “Happy Mothers’ Day!” agad niyang bati. At nataon pa palang Mother’s Day ang paglabas ng artikulo! Sinabi kong lumabas na ang artikulo tungkol sa akin. Natuwa siya at sinabing bibili siya ng maraming kopya. “Huwag, hindi mababasa ng iba.” Natawa siya. Tinawagan ko si Ferdie. “Bumili ka ng Inquirer.” Hindi ko maikubli ang pagmamalaki. Pagkaraan, tinawagan ko ang aking kuya, ang aking ina, ang aking tiyo. Pagkababa ko ng telepono, namataan ko si Dave. Maaga rin itong gumising. “Lumabas na ang interview tungkol sa akin.” “Kailangang bumili kayo ng maraming kopya.” Muli kong sinabing huwag, mauubusan ang iba at hindi ako mababasa. Nang

