25 kailangang alisto Namataan kong nasa garahe pa si Dave. Kinakalikot niya ang kaniyang kotse. Mga alas otso na at naisip kong baka sira ang kotse ng aking manugang, kaya hindi nakapasok. “Hindi ka ba papasok?” “Nag-leave ho ako. Akala ko ngayon ang dating ni Mommy. E, tumawag kagabi, di raw matutuloy. Nalimutan ang passport sa probinsiya. Uuwi siya ngayon sa ’min.” Malilimutin na rin pala ang aking balae. Nasa America ito dahil naroon ang kaniyang mga anak—dalawang doktor at isang nars. May mga apo siya sa mga iyon. Palipat-lipat siya sa bahay ng mga anak para alagaan ang mga apo. Nagpaplano ring mag-migrate sa America ang aking pangatlo at si Dave. May magandang trabaho naman ang aking manugang sa Pilipinas—kaya hindi ko maunawaan kung bakit gusto pa nilang magpunta sa America.

