24 parang may kompromiso ako Laging masakit ngayon ang aking ulo paggising ko sa umaga. Hindi ako dumadaing sa aking mga anak, lalo na sa pangatlo. Kasalukuyang nag-aaral siya ng medisina kaya’t kasalukuyan lang din natitipon ang kaniyang kaalaman. Madali pa siyang maalarma. Baka ang mga nararamdaman kong mga abrerya ng katawan ay makukuha sa pahinga. Mapansinin lang siguro ako ngayon sa sariling katawan. Nagiging hypochondriac. Natatakot mamatay dahil sa mga maiiwang sinimulan. Minamasdan ko ngayong umaga ang aming mga aso na nanginginain ng dulo ng dahon ng damong undan. Nagunita ko ang amin noong mga alagang katutubong manok. sa dating bahay sa Fairview. Tinutuka rin ng mga ito ang dulo ng dahon ng undan. Siguro’y ginagamot ng mga hayop ang sarili. Ano kaya’t aking gayahin? Tinik

