CHAPTER 01: “SWEET DREAM?”
NATHANIEL POV;
: “Hayy~ ang pagod talagang maghanap ng trabaho”
Kakalabas ko lang galing sa isang companya at alam nyo na~
I'm not accepted... Hindi sa tinangihan nila ako, Pero sabi nila wala nang mapapasukan o walang vacant na job kaya kailangan ko ulit mag hanap, nag sorry naman sila bago ako umalis..
Pero naiinis din naman ako kase kailangan ko talaga ng pera upang matulungan ang aking mga magulang lalo na ang kapatid Kong nasa hospital..
Malala ang kaniyang sakit at kakailanganin siyang operahan.. Kaya nag susumikap ako na mag hanap ng trabaho, pero yun nga, hindi talaga ako natatanggap.
Mayroon naman silang dahilan gaya ng walang vacant na trabaho, o kaya naman ay hindi sila tumatanggap ng mga walang experience sa trabahong kailangan nila, dahil nag aalala sila na ma-accident ako.
Pero ang iba hindi ko talaga maintindihan kasi, sasabihin nila na hindi ako accepted, i mean wala namang mali o alam ko naman ang vacant nilang trabaho, pero hindi parin nila ako tinanggap..
Nahihirapan na talaga ako.. lagi akong uuwi ng bahay na pagod pero wala namang nakuhang trabaho.. kahit nga si Mama at Papa nag-aalala na kasi masyado daw akong nag-aalala sa kanila..
Pero kailangan talaga nila ng pera hindi lang nila inaamin..
Kaya kailan ko na ulit mag hanap ng trabaho, Hindi talaga ako titigil hanggat hindi ako nakakahanap ng trabaho.
By the way ako Si Nathaniel Leo Wildrex, and 21y/o.. Galing ako sa normal o average na pamilya Ibig sabihin hindi naman kami ganon kayaman at hindi din naman kami ganon kahirap..
Pinalaki ako na isang masipag na anak(hindi mo katulad) fufu.
Pero kahit na hindi kami mayaman, masaya pa rin kami. Pero naglaho iyon ng magkaroon ng bukol sa puso ang kapatid ko.. Kaya heto ako ngayon, nag hahanap ng trabaho para magkaroon ng pang-opera sa aking kapatid...
At yun nga, naghahanap parin ako ng trabaho.. At habang naglalakad ako may nakita akong bar.. At may nakalagay na sign At may nakasulat dito, let's see.
Nang makalapit ako dito. Nakita ko ng malinaw ang pangalan ng bar.
“Lavender Lounge”
What a beautiful name.
Pero hindi ako interesado. I'm not a gay you know, and kahit na malaki ang kita ng isang bar hinding hindi parin ako mag tra-trabaho o mag aaply as a waiter.
Well siguradong pag nag-apply maraming pupunta diyan sa bar na yan. Hindi sa nag mamalaki ako o nagmamalaki, pero palaging sinasabi ng aking mga magulang at kapatid na maganda ang hubog ng aking katawan at makinis din ito. Pero hindi ko alam kung totoo. Well nakikita ko lang ang sarili ko as a normal guy at wala ng iba. Kaya i will continue finding other jobs nalang.
“Hey!”
Huh? sino yun? Meh. Baka iba naman ang tinatawag
“Oyy blonde haired boy!”
Sino ba kasi tinatawag nito. Wait lingunin ko nga. Baka kasi ako ehh, fufu.
Let's see. Wait ako pala hinahabol niya. Opps sorry. Kasi tumatakbo siya papunta sa akin ehh.
“Wait lang! Hah- Hah- Hah~”
Ayun pagod na pagod dahil sa pag habol sa akin kakahabol sa akin. Hindi ko kasi Alam kung sino ang tinatawag niya.
Nathan: “Uhmm. May kailangan ka ba sakin?”
Sa palagay ko galing siya dun sa bar na nakita ko dahil nakasulat ang pangalan ng bar na nadaanan ko kanina sa apron na suot niya.
Kiro: “Magpapakilala muna ako sa iyo. Ako nga pala si Mark Kiro Xander and galing ako sa Lavender Lounge”
See tama talaga ako all the time. Kaya pangalan ko nalang dapat ilagay niyo sa test paper niyo. Fufu. Pero anong pake ko sa bar na nakita ko kanina?
Nathaniel: “uhmm nice to meet you Kiro! Ako naman si Nathaniel pwede mo naman akong matawag na Nathan.”
Kiro: “Nice to meet you too Nathan! At~ Gusto ko sana na i-recruit kita sa bar. Dahil maganda naman ang katawan mo at malaki ang kikitain mo dit—”
Nathaniel: “Sorry I'm not interested”
Kiro: “Gahhhh. P-pero ayaw mo ba talaga? Sobrang laki talaga ng income mo d—”
Nathaniel: “Sorry pero hindi ako gay. At tsaka hindi ako interested”
Kahit anong gawin ninyo. Hindi talaga ako mag a-apply as a waiter. Dahil sa hindi ako gay At Hindi rin ako papayagan ng aking mga magulang na Mag apply as a waiter in a gay bar. Kaya no thanks.
Kiro: “Pero kung kailangan mo ng job. You can contact this number. Don't worry Nathan kasi lagi naman kaming nag h-hire ng waiter”
May inabot siya na paper. And i think dito nakasulat yung number na as in tatawagan ko. Pero Hindi ko tatawagan kasi makakahanap din ako ng ibang trabaho. Hindi ngayon pero siguradong bukas makakahanap na ako ng trabaho. Tinanggap ko naman ito kasi. Why not? ayaw kong maging rude sa ibang tao no.
Nag pasalamat na lang ako sa ibinigay niyang number at sa pag recruit niya din sa akin. Na appreciate ko talaga iyon pero Hindi talaga ako interesado sa gay bar na iyon. At pagkatapos kong magpasalamat ay nag paalam na ako kay Kiro at umalis na.
Back to finding jobs. Wait anong oras na kaya. 10 AM siguro dalawin ko muna kapatid ko bago ako mag patuloy sa paghahanap ng trabaho.
Malapit lang dito ang Hospital, kung saan maroon ang aking kapatid. Bibili na rin ako sa pinaka-malapit na store upang makabili ng kaunting fruits para may makain din siya.
By the way, hindi ko pa pala napapakilala sa inyo ang aking nagiisang kapatid. Siya ang bunso sa aming dalawa at 15y/o lang siya. Hindi siya makapag aral dahil sa kaniyang sakit pero Isa siyang honor student noong nakakapag aralin pa siya.
Her name is, Kierra Heaven, gaya ng sinabi ko mayroon siyang sakit sa puso at malala na ito. At ang kailangan niya lang kainin ay mga fruits and vegetables kasi kailangan niya ng vitamins para sa operation na gagawin.
Pero dahil wala pa kaming pera para mabayaran ang bill Hospital. Kaya heto ako ngayon nag hahanap ng trabaho para maoperahan si Kierra.
Nang may makita na akong convenience store ay pumasok na ako dito dahil kailangan kong bumili ng fruits para kay Kierra.
Maraming tao ang bumibili dito sa Convenience Store dahil hindi lang ito malapit sa Hospital kundi malapit din ito sa sikat na park dito sa aming lugar o city. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit marami pa ring tao dito kahit 10am na.
Kaya pagkapasok ko dito ay hindi na ako nag alinlangan pa at hinanap ko na agad ang fruit's section dahil nag mamadali talaga ako. Nang mahanap ko ang fruit section ay sunod ko namang hinanap kung nasaan ang paboritong prutas ni Kierra.
Aha! Apple. Apple kasi ang paborito ni Kierra dahil marami itong vitamin na makakapag bigay ng lakas para makaya niya ang operation. At matamis din ito.
At nang makakuha na ako ng lima nito ay pumunta naman ako sa drinks para kumuha ng pineapple juice. At para na rin kumuha ng aking drink. At nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay pumunta naman ako sa cashier at nag bayad na. Nang matapos na akong makapag bayad ay dumeretso na ako sa Hospital.
Nang makarating ako sa Hospital ay dali dali akong pumasok dito. At may nakita ako na babae i think she's a nurse. Kaya pumunta ako papalapit sa kaniya.
Nathan: “Good afternoon po. Dadalaw po ako sa kapatid ko.”
Nurse: “Hello uhmm may i know what's your sister's room?”
Nathan: “Room 34 miss.”
May hinanap siya sa notebook na nasa harap niya. I think hinahanap kung sino yung patient.
Nurse: “Kierra Heaven?”
Nathan: “Yes po”
Nurse: “Ok you may go.”
Hayy kala ko tatanungin ako ng kung ano ano. Fufu.
Pero kailangan ko na talagang makapunta kay Kierra. At ibigay ang paborito niyang prutas.
Habang naglalakad ako, naghahanap ako ng trabaho online. At habang nagbabasa ako ng mga open jobs na malapit sa akin, biglang
Nathan: “Aray! Ano ba yan”
may nabangga akong lalaki? I think lalaki siya. Pero kahit lalaki siya dapat mag sorry siya dahil nahulog yung mga apple
Nathan: “Hoy! Hoy! Anong problema mo!”
Tsk hindi manlang ako pinansin at hindi rin ako tinulungang pulutin ang mga apple
Nathan: “pwehh nakakainis”
Ako nalang ang pumulot ng mga apple na nahulog,wala namang ibang pupulot o tutulong sa akin na mag-pulot nito. Kaya wala akong choice. Huhugasan ko na lang siya bago kainin ni Kierra.
FAST FORWARD
Sa wakas nakarating na rin ako sa room 34. So many happened agad bago ako makarating dito, hay~
Pero ang mahalaga nandito na ako.
Nathan: “Hey sis, nandito na ako! At guess what mayron akong pasalubong!”
Pag bukas ng mata ko nakita ko ang nag niningning na mata ng aking minamahal na kapatid. Naaawa na talaga ako sa kalagayan ng kapatid ko.
Dali-dali akong lumapit sa aking kapatid at hinipo ang ulo niya. Hindi siya makapag salita dahil sa oxygen na nakakabit sa kaniyang bunganga. Pero kapag siya ay may lakas para makakain,kumakain siya at nakakapag salita rin siya minsan.
Nathan: “Hugasan ko muna itong apples ha? nahulog kasi kanina, dahil nabunggo ako ng lalaki, Pero ayos lang ako kaya no worries”
May mini kitchen kasi dito kaya hindi ko na kailangang pumunta sa Comfort Room para hugasan lang ang mga fruits or vegetable. At nang matapos ko na itong mahugasan ay inilagay ko naman ito sa isang basket para hindi mahulog.
Nathan: “Tada! Oh malinis na Kierra ang apple mo. Pwede mo nang kainin!”
Nang masabi ko ang salitang iyon, ang ngiti niya ay napalitan ng lungkot at tumingin sa kaniyang kamay. Marahil naiisip niya na hindi pa niya kayang kainin ang favorite food niya. Pero para maibalik ko ang mood niya ay nilapag ko muna ang apple sa mini table na katabi ng kaniyang bed at niyakap siya. Pero hindi mahigpit dahil alam ko na masasaktan ko siya. At nang matapos ko siyang yakapin ay chi-neer ko siya sa pamamagitan ng pagsasabi nito.
Nathan: “kahit na hindi mo kayang kumain o gumalaw ng maayos, ikaw parin ang aking kapatid na mahal na mahal ko, At kahit kailan hindi iyon magbabago.”
Saka ko siya hinalikan sa noo. At kumuha naman ako bangko para makapag pahinga dahil sa sobrang pagod at lungkot na nararamdaman ko ngayon. At dahil nga sa sobrang pagod ko ay napapapikit ang aking mata, and then—
EVERYTHING WENT BLACK
Araw?
.......
Nagising ako sa sinag ng araw at pag mulat ng aking mata ay wala sa aking harapan ang aking kapatid...
Nathan: “Kierra! Kierra where are you?!”
Hindi ko siya mahanap kaya nag libot libot ako sa lugar na ito. At pag hawi ko sa mga dahon na nakaharang sa daan ay...
Wait where am i?!
Hindi ito pamilyar na lugar i mean hindi ko pa ito nakita!?
Pero I'm pretty sure na maganda dito. Maraming bulaklak at marami ring mga hayop pero hindi sila nananakit at ang cute nila.
Is this what they call—
“SWEET DREAM?”