CHAPTER 25
Days passed, I didn’t hear anything from Alec. I’m trying my best not to be upset about the thought of him, but I guess, I can’t do it.
I remember that night that I reached him out, I texted him asking if he’s alright but I’m left with no reply, no answers and no anything.
Kung kailan, sigurado na ako, kung kailan handa na akong sabihin sa kanya ang tatlong salitang iyon. Ngunit sa palagay ko ay hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
Iniisip ko na, baka ako rin ‘yong may problema kasi masyado akong umasa at naghangad sa kanya. Akala ko kasi ay espesyal na rin ang trato n’ya sa’kin. Ayaw ko s’yang sisihin dahil ako naman din ‘yong nagbigay ng kahulugan sa mga kilos at inaakto n’ya.
Hindi naging ganoon kaayos ang pag-uusap naming dalawa, matapos lang kasing matanggap nito ang tawag sa kanya noong araw na iyon ay umalis na rin ito agad. Hindi ko lang mapigilan ang sariling malungkot at bahagyang magtampo sa kanya...
Sinusubukan kong hindi maapektuhan pero palagay ko ay hindi ko kaya...
“Bestie, sasabay ka ba mamayang lunch or bilhan na lang kita? Anong gusto mo?” Lumapit si Gail sa’kin. Halatang tinatantya ako.
Pilit kong inaabala ang sarili sa pag-aaral at sa mga gawain nang sa gayon ay hindi ko s’ya maisip.
“Sa Journalism Corner ako mag-lunch mamaya Gail. Mayroon kasi kaming meeting around 1:30 para sa gaganapin na College Week, doon na lang ako kakain.” Mahinahon kong sabi sa kanya habang tuktok pa rin ako sa pagsusulat.
Narinig kong malalim itong bumuntong hininga. “Ayaw kitang nakikitang ganiyan, Elyxia Lyanne ha. Kung ano ‘yong ikinasaya mo noong nakakaraang araw at buwan e para ka namang pinagtakluban ng langit at lupa ngayon. Sasabayan kita mag-lunch sa Journalism Corner, puwede ba ako sumama roon?”
“Gail,” nang tinawag ko ang pangalan n’ya ay tumabi agad ito ng upo sa’kin. Patagilid pa ako nitong niyakap at marahang hinaplos ang aking buhok.
Bakas sa mata n’yang nag-aalala s’ya sa akin. “I’m just here.”
“I’m sad,” umiwas ako ng tingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang yakap nito.
“I know, I know. Ayaw na kitang makitang malungkot. Anong gusto mong gawin natin?”
“Hindi ko alam, gusto ko na lang makapagpahinga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.”
“Mag-iisang linggo ka ng umuuwi agad parati pagtapos ng klase, hindi ka na nga sumasama sa’kin, sa amin ng mga kaklase natin, kasi kamo nagpapahinga ka. Hinayaan kita noon kasi baka kailangan mo ng oras mag-isa, pero ngayon, hayaan mo naman ako, hayaan mo naman kaming samahan ka.” Bakas sa tono n’yang nag-aalala s’ya sa’kin.
Hindi ko intensyong pag-alalahanin sila, pero kasi kahit ako’y hindi ko alam ang dapat gawin para maibsan ang mumunting kirot na nararamdaman ko. Wala ‘atang makapag-aalis nito kung hindi s’ya lang. Si Alec lang mismo.
Panibagong pakiramdam na naman ito sa’kin. ‘Yong parang mayroong kurot sa aking puso at pagkabahala.
Tumingin na ako ngayon kay Gail. Ilang araw din akong balisa, hanggat maari kasi ay ayoko silang mag-aalala kaya’t mas pinipili ko na lang mag-isa. Pero tama s’ya at may mali rin ako, mali ako kasi sa pagsubok kong ilayo ang sarili ko ay mas lalo lang silang nag-aalala at oo, tama s’ya gustong-gusto kong samahan nila ako dahil nais kong maramdaman naman na may taong nariyan para sa’kin.
“Sabihan mo lang ako kung ano gusto mong gawin sasamahan kita. ‘Wag ka na rin mag-skip ng pagkain. Hindi ‘yon nakakabuti.”
Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Gail. Ano nga bang gusto kong gawin? Gusto ko ng sariwang hangin, gusto ko ng payapang lugar dahil ang gulo-gulo ng isipan ko. Wari’y nagtatalo. Wari’y maraming sinasabi sa’kin.
Tumango lang ako sa kanya at nagpasalamat. Sinabihan ko lang din s’ya na hindi na n’ya ako kailangan samahan pa sa Journalism Corner dahil hindi naman puwede talaga roon.
Dumating lang ang lunch time at dumiretso na agad ako sa lugar kung saan kami magme-meeting. Marami na akong nakitang mga myembro na naroroon na at nauna pa sa akin. Wala pa ang ibang mga kasamang Professor pati na rin si Ms. Apolonio. Tumayo pa sila nang makita ako at bumati. Bumati naman din ako pabalik at naupo sa nakalaang upuan sa harap. Mayroon kasing nakahandang mga nakahilerang upuan na para sa mga officers at kasama na ako roon.
Ilang minuto lang kaming naghintay at dumating na nga rin isa-isa ang mga hinihintay naming magbibigay ng anunsyo sa amin ngayong araw. Alam ko na ang iilan sa mga pag-uusapan gaya na lamang nga ng paparating na College Week at MU Ball sa susunod na linggo.
Nagsimula na ang aming pagpupulong, ako ang nanguna sa paglalatag ng mga karagdagang agenda gaya na lamang ng magiging booth ng mga journalist sa darating na event. Lahat naman ay nakiisa at nagbigay ng kanilang mungkahi kaya hindi rin kami nahirapang pumili at magpasya. Bandang huli ay nagkasundo-sundo kami. Napag-usapan ding magkakaroon pa muli sa susunod na araw ng pagpupulong para naman ibigay ang schedule ng mga magdu-duty para sa bawat araw ng College Week.
Overall, the meeting went good and smooth. Naging mabilis lang ito dahil binigyang pahintulot na kami para simulan na rin ang paggawa ng mga iba’t-ibang disenyo at mga banderitas na gagamitin namin para sa aming booth.
Wala na akong klase noong hapon kaya sinamahan ko ang iilang mga myembrong magprint at gumawa ng design. Hindi na rin ako nakabalik sa room para mag-abiso kay Gail. Kaya’t paniguradong pupuntahan ako no’n rito.
Naging abala ako sa maghapon, nakatulong naman ito para mawala ang mga nasa isip ko. Marami rin kaming natapos at na-accomplish kaya’t masaya naman akong hindi kami magagahol kapag malapit na ang event.
Nang matapos kaming magligpit ng mga ginamit namin kanina sa paggawa ay nagkani-kaniya na kaming paalamanan. Nagsabi at nag-abiso na rin ako sa kanilang mapapadalas na naman kaming muli rito sa Journalism Corner sa mga susunod na araw dahil marami kaming dapat ayusin at ihanda. Lahat naman ay masisipag at nakikipagcooperate kaya’t sigurado akong magiging successful ang operation ng booth sa mismong araw ng event.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway pabalik sa room para kuhanin ang iba kong mga gamit na naiwan nang makasalubong ko si Gail. Hindi ako nagkamaling isipin na susundan nga ako nito sa Journalism Corner.
Medyo madilim na kaya’t di agad ako nito napansin, nakatingin lang kasi ‘to ng diretso sa dinadaanan.
“Pst, Gail.” Mahina lang ang naging pagtawag ko sa kanya.
Natawa ako nang makitang bahagya pa itong napalundag dahil sa gulat, napahawak pa s’ya sa puso n’ya. “Nandyan ka na pala, saan ka ba papunta? Tapos na ba kayo?”
“Sa room, kukuhanin ko sana mga gamit ko. Kakatapos lang namin.”
Iniabot nito sa’kin ang mga gamit ko. S’ya na ang nagligpit at nag-ayos. “Tara na, uuwi ka na ba?”
Tumango ako sa kanya. “E saan pa ba ako dapat pumunta?”
“Ewan ko sa’yo kaya nga tinatanong kita ‘di ba?” Pabalang na sagot ni Gail sa’kin.
“Uuwi na nga ako.”
Tumahimik ito sandali at nagkunyaring nag-isip, “DQ, gusto mo?” Pag-aalok nito. Sinabi na n’ya ‘yong kahinaan ko, alam n’yang hindi na ako makakapalag at makakatanggi pa.
Naglakad lang kami ni Gail pagpuntang bilihan ng Ice Cream, naalala ko lang ulit tuloy si Alec kasi kasama ko lang s’ya dito no’n. Buti ay naabutan pa naming bukas ito, hindi namin alam ni Gail na maaga pala itong magsasara ngayong araw dahil nirerenovate raw ang buong lugar.
“Gail,” tumingin ito sa gawi ko.
“Bakit?”
“Mayroon ka bang gagawin sa Friday?” Pagtatanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam, bakit, saan punta natin?” Nakangisi na ito ngayon. Mukhang alam na rin ang gusto kong mangyari.
“Sa La Union.” Tumulo pa ‘yong kinakain n’yang Ice Cream. Clumsy din talaga ‘tong isang ito e.
“G*go. Anong gagawin natin doon? Bakit hindi pa tayo ngayon pumunta?” Excited nitong sabi. Ang akala ko pa naman ay tutol ito dahil pabigla-bigla ang desisyon ko pero halata naman sa mukha nitong gusto n’ya rin naman.
Mahina ko s’yang binatukan nang marinig ang sinabi n’ya. Pareho kaming natawa. Obviously, Gai’s trying to comfort me by like this.
“Gusto ko sanang bumalik ng Casa Alta. Wala, gusto ko magpahinga roon. Gusto ko rin puntahan sandali si lola. Paniguradong ding mapapagod tayo sa College Week. Ano sama ka ba?” Tanong ko pa rin sa kanya kahit na alam ko naman na ang sagot nito.
Tinaasan ako nito ng kilay. “Sigurado ka bang mapapagod tayo sa College Week? Gusto mo ba mag-ditch tayo?” Hinila ko ng kaunti ang buhok n’ya nang marinig ang sinabi. “Hindi ako puwedeng wala roon, Gail. Kailangan ko sila I-monitor ‘no. Tsaka baka mapagalitan pa ako.”
Lumapit ito sa’kin animong natatakot na may makarinig ng sasabihin n’ya. “Minsan lang maging pasaway, my friend. Hindi ‘yan magrereflect sa buo mong pagkatao.” Sinundan s’ya pa ito nang malakas na tawa.
Napailing-iling na lamang ako. Si Gail kasi ay hindi naman talaga ganito. Napakasipag nito at napakaresponsable, kaya alam kong binibiro n’ya lang ako ngayon.
Pinupunasan n’ya ang bibig ngayon, pumihit na ito ng puwesto paharap sa’kin halata mong interesadong interesado sa sinasabi ko.
Sarkastiko pa itong sumagot sa’kin. “Grabe naman lugar ng pahinga mo ‘di naman masyadong malayo ‘no sa La Union. Pero oo naman sasama ako kahit saan ka magpunta.”
At iyon nga ang napagkasunduan naming dalawa, marami kaming ginagawa, marami kaming dapat asikasuhin, pero ‘di naman siguro masamang magpahinga kapag nakakaramdam ng pagod. Hindi naman siguro masamang maghanap ng katahimikan sa gitna ng mga ingay at gulo na namumuo sa’king isipan.
Baka sa paraan ding iyon mapagtanto kong, unti-unti na ring nawawala sa’kin si Alec. Nakakatawa lang isipin na hindi ko naman ito pagmamay-ari. Hindi naman s’ya sa’kin. Pero gano’n na lamang ang pagnanais kong s’ya ay ipagdamot at angkinin.